Chapter 20

14 1 0
                                    

KERBY'S POV

Naupo lang ako sa sofa gaya nang sabi ni mommy, tindig malandi naman si loveleah sa gilid ko, malanding inosente ganun yung look nya.

Kaya naglabas nalang ako nang cp at tinext si  Astley.

To: My Lady❤️

Just got home love! Loveyou🥰😘

After a few seconds she replied na ikinangiti ko naman .

"Oh! Primo ganyan kaba kiligin ngayong andito si loveleah !? Aba'y wag masyado anak nakakahiya "

Sasabihin ko sanang hindi naman sya ang dahilan nang pag ngiti ko pero pinili ko nalang tumango sabya yuko ulit

From: My lady❤️

Good, Goodnight see you tomorrow I love you so muuuch! Bawal mang babae ok ?? Ako lang dapat mwua! 😘

"No, ma. Wala na kami nito ni loveleah matagal na" Sabi ko kay mommy na tumingin pa kay loveleah na ikinakunot naman nang noo nang babaeng to "Diko nga po alam ba't andito sya palagi, minsan nasa labas, minsan nasa kanto. Ma may girlfriend napo ako dadalhin ko nalang sya dito para makilala mo." Pagpapatuloy ko at tumayo.

"Anak teka, pwede kobang malaman kung anong dahilan ??" Si mama habang naguguluhan na nagpapalit palitan nang tingin saming dalawa ni loveleah na halatang naiinis na.

Di naman mananalo ang iniisip mo sakin. Ikaw ang may kasalanan tandaan mo yan!

"Sya nalang ang tanungin mo ma,"

Nabigla naman sya sa sinabi ko dahil di nya siguro iniisip na masasabi ko yun kay mommy at sa harap nya pa.

"Uhm, tita ano po kasi--" pagsasalita nya at tumingin sakin na parang nanghihingi nang tulong. Well di kita tutulungan. Sumandal ako sa pader at nag crossed arms pa para lang tingnan ang reaksyon nya.

"Niloko nya ko ma, sa harapan ko pa mismo. Nasaktan ako kaya hiniwalayan ko sya at ngayon andito sya dahil nagsisisi na daw sya, would you believe that ma ?!!" Pinipigalan ko ang luha ko na nagbabadya nang tumulo habang nagrereplay sa isip ko yung nangyari.

"Loveleah baka pwedeng umuwi kana maraming salamat sayo, at wag kana rin sana magpakita pa dito at sa anak ko salamat". Si mama na halatang nadisappoint at binuksan na ang pinto na lumabas naman agad su loveleah habang tumatakbo pa.

"Ma sorry to disappoint you, I'm really sorry ma!" Yumakap nalang ako kay mama habang umiiyak na.

"Sorry dahil diko sinabi sayo ma! Alam kong gusto mo sya para sakin pero wala akong magawa dahil sobrang sakit na ma" dugtong kopa habang umiiyak parin.

"Yung girlfriend mo, sya na ba ?? Mahal kaba nya ?? Masaya kaba ??"  Sabi ni mama na niyakap rin nya ko habang umiiyak na rin.

"Opo ma, sobrang mabait sya ma at mahal namin ang isa't isa. "

"Sige anak, dalhin mo dito at pagluluto ko kayo. Pahinga kana anak at pasensya na rin di ko manlang natanong sayo kung ok kalang ba."

"It's ok ma, thankyou love you ma! Akyat napo ako"

Pag akyat ko sa kwarto ay tsaka lang ako nakaramdam nang pagod, parang nag flashback sakin yung nangyari nung kami pa ni loveleah pero ganun pa man ay masaya nako kay astley at alam kong kami na talaga. Sana ganun din sya.

Beep!

09076231511
You may think na after mo magconfess sa mama mo ay ok na ang lahat?? At sa isip mo lang yun. Pakasaya ka muna sa ngayon dahil kukunin ko ang dapat sakin.

-loveleah

Diko na pinansin ang text nang baliw at nahiga nalang ako.

-Kinabukasan-

Nakatulog pala ako di nako nakapag bihis at nakapag ayos kagabi dahil na rin siguro kakaisip kaya nakatulugan ko ang dapat kong gawin.

My Lady❤️
Good morning baby! Just woke up love you!😘

After ko magtext ay naligo nako at bumaba na. Nadatnan ko sa baba si mommy na naghahain.

"Oh anak! Come here let's eat na habang mainit pa ang pagkain"

Lumapit nako agad sa hapag para makakain na.

"Nga pala anak after nang class mo ay susunduin natin sila daddy sa airport kaya deretso uwi kana ha ??"

"Yes ma! "

"Sa sunday if ok lang sana sa new girlfriend mo at sayo ay imbitahin mosya pumunta dito para makilala namin ni daddy mo"

"Copy! Tanungin ko nalang muna sya ma"

"Ano nga palang name nya ??"

"Astley ma, Astley nicole sarmiento"

"Oh! Sarmiento??"

"Magbusiness partner daw po kayo nang parents nya, nameet kona lasttime"

"Bat di mo sinabi sakin ?? Ibig sabihin matagal na talaga kayong magkarelasyon ?? Aba'y kahit papano pala e may magandang naidulot yang ex mo dahil binunyag mona may girlfriend kana at business partner pa. Well parang kasal nalang ang kulang ah hahahah"

Si mama talaga, napaka daldal! Pero maganda yung idea nya HAHAHAHAHA

Di nako nagsalita pa at baka malate ako papasok dahil alam kong di doon matatapos ang conversation namin ni mommy.

"Babe, asan ka ??"  Bungad ko pagkasagot nya nang tawag ko.

"Paalis palang nang bahay"

"Ok ingat ka"

"Iloveyou"

"Mmm, Iloveyoutoo"

Yun lang at pinatay kona yung call at nag drive na papunta sa bahay nila.

Habang nag ddrive ay nagpatugtog lang ako at dahil maaga pa ay naisipan kong mag ikot ikot muna.

Pag lingon ko sa mall ay may pa event sila this coming holiday.

Meron umbrella sa rooftop nang mall na parang may mga nilalagay silang ilaw ilaw mukhang romantic tignan sa gabi.

After nalang nang mga gagawin namin  ay deretso na kami jan para naman kahit papano makapag date kami kahit di masyadong matagal ang oras pero atleast may time pa rin na kami lang, sya at ako walang iniisip na iba.

Walang nang gagambalang iba

Walang baliw na biglang susulpot sa bahay

At walang iintindihin kundi ang aming sarili lang.

Diko alam pano ko ipapaliwanag sakanya yung kay loveleah na hanggang ngayon e naghahabol parin.

After ko mag isip ay saktong nag green na ang ilaw sa stop light, ibig sabihin ay go na kaya umandar na rin ako para dumeretso na kila astley at baka nag aantay na yun sakin.

Stars Can't Shine Without DarknessWhere stories live. Discover now