Inakbayan ako ni Kurt at pilit kong tinatanggal ito dahil gusto ko munang walang lalaki kahit kating-kati na ko sa pagyakap kay Kurt.
"Ba't mo ba inaalis?" Tanong ni Kurt, a hint of annoyance can be heard from his voice.
"Kasi naman Kurt. Kab-break lang namin kung makalingkis ka sakin wagas. Ayaw ko muna ng lalaki!" Ani ko.
Natawa naman bigla si Kurt at hinigpitan ang akbay sakin. "I told you, pag-uusapan natin mamaya yan." Aniya at umalis kami sa underground parking.
Pumanhik kami ng hagdan at nakasunod naman sa amin si Ina. Pinapasok kami ng guard. Mostly na workers nila dito? British and some are Filipino. Nakatingin sa amin ni Kurt lahat ng employee nila. Bago ata sa paningin nila na may babaeng kasama itong si Kurt.
"Hindi ka ba nambabae, Kurt?" Tanong ko sa kanya.
"Nope kaya bago sa kanila makakita ng may babae akong kasama. Dalawa pa, magkamukha pa." Ani Kurt at ngumisi. Hinampas siya sa likod ni Ina kaya natawa ito.
"Masakit Ina ah!" Ani Kurt at pumindot para magpababa ng elevator.
"Mapang-mata mga employee niyo rito, Kurt. Nakakaloka!" Ani Ina kaya natawa ulit si Kurt.
"Pabayaan mo sila. Inggit yang mga yan." Aniya kay Ina at bumitaw na sa pagkaka-akbay sa akin.
Pinabayaan na ako ni Kurt na makapaglakad mag-isa. Bumukas ang elevator at pumasok kaming tatlo kasabay ng iba niyang employees.
"Good afternoon, Sir." Bati sa kanya ng mga British niyang employees.
Tinanguan sila ni Kurt at nanatiling nakatingin ng diretso. Kinagat-kagat ko ang labi ko hanggang sa kaming tatlo na lang ang matira dito sa elevator. Huminto ang elevator ng nasa pinaka-taas na floor na kaming tatlo. Bumukas ang gates ng elevator at bumungad sa amin ang secretary ni Kurt na may kausap sa phone.
"Sir, your next meeting is at 1600." Ani ng secretary niya na ikinakunot ng noo ko.
"She meant 4 o'clock, Irina." Sagot ni Kurt.
Tumango ako at sumunod kami ni Ina kay Kurt na pumasok ng opisina niya. Sumunod rin ang secretary niya sa loob. Umupo ako sa upuan sa harap ng mesa ni Kurt habang siya ay nasa upuan niya. Pumunta naman sa sofa si Ina at doon siya umupo. Nagbasa pa ng magazine ang loka.
May inabot na kulay blue na binder ang secretary niya sa kanya na kinuha niya naman. Humarap siya sa secretary niya at sumagot.
"Cancel all my meetings and reschedule them, Gel. I'll review this proposal, too." Ani Kurt. Wow! Sounds so professional.
"Yes, sir." Ani ng secretary niya.
DU LIEST GERADE
Nothing But Strings
JugendliteraturBridge. Tuning pegs. Fret. Rosette. All of these are a part of a stringed instrument. Simula ng mapangiti ko siya, mapatawa, I started falling for this guy. Chase is the kind of guy that doesn't like holding someone's hand, not even mine except his...
Chapter 25
Beginne am Anfang
