Kurt is wearing a light blue button-down shirt at itim na pants. Fitted sa kanya ang shirt niya kaya halata ang kakisigan ng katawan niya. He's wearing loafers at ang blazer coat niya ay nakasabit sa balikat niya. Bukas pati ang unang butones ng button-down shirt niya at para akong tanga na nagddrool. Ako ata dapat yung tinatanong kung minahal ko ba si Chase dahil mukha talaga akong naglalaway dito. You're moving on, Irina! Pull yourself together!


"I'm sorry if I took too long. Traffic." Aniya nang makalapit siya sa amin.

Tumayo ako at pinabayaan muna si Ina makipag-usap kay eomma. Lumapit ako kay Kurt at medyo nagulat ako nang dumausdos sa baywang ko ang kamay niya at hinapit ako para bigyan ng halik sa labi. Nagulat din si Kurt at binitawan ako.


Natigilan rin si Ina sa pagsasalita at narinig ko na lang magsalita si Ina.

"Sorry, eomma. May PDA dito eh." Ani Ina.


Medyo nahiya si Kurt saka siya nagsalita. "Sorry. I forgot your not with me for a moment." Aniya at napakamot sa ulo.


"Ayos lang, Kurt." Sagot ko.


Napalingon ako kay Ina na tumabi sa akin hila-hila ang maleta naming dalawa. Tinapik niya sa balikat si Kurt at may ngiti sa labi niya na kinausap si Kurt.


"Okay lang talaga, Kurt. Wala namang magagalit eh." Ani Ina at kinindatan kami ni Kurt.


Naunang naglakad si Ina at iniwan kami ni Kurt dito. Nangunot ang noo ni Kurt sa sinabi ni Ina.


"Anong ibig sabihin ni Ina? Break na agad kayo? Wala pang dalawang buwan! Ni isang buwan nga wala pa eh!" Ani Kurt


"Hindi ko kasalanang iniwan ako ng walang sinabi, Kurt. It was my choice to cut it." Ani ko.


Kurt's lips formed into a thin line at pinasadahan ng kamay niya ang buhok niya. "We're going to talk about this later." Aniya at hinila ako papunta sa kinatatayuan ni Ina.


Ngumuso si Kurt sa malayo para sabihing nandoon ang kotse niya. Umirap si Ina at hinila papalayo ang maleta niya. Si Kurt humila ng akin saka niya ko hinila ulit hanggang sa makarating kami sa kotse niya. Pinagbuksan ako ng pinto ni Kurt at katulad ng sasakyan niya sa Pilipinas ay parehas ito ng amoy. Sumakay ako sa unahan at pinagbuksan niya rin si Ina sa may likod. Nilagay niya sa compartment ang bagahe namin ni Ina saka siya sumakay sa driver's seat.


Nilingon ni Kurt si Ina sa pamamagitan ng rear-view mirror at nagsalita. "Is it okay kung sa opisina muna tayo? I still have work to do. I'll treat you guys dinner." Ani Kurt at tumingin sa akin.


"Ayos lang Kurt. Gusto ko rin kasi maglibot muna. In the next few days kasi magsisimula na naman kasi akong magtraining." Sagot ni Ina.


Tumango si Kurt at nagsimulang paandarin ang kotse niya. He told us na kung 20 minutes raw kami naghintay, 14 minutes naman kami makakarating doon. Mabilis na pinaandar ni Kurt ang kotse niya dahil wala namang traffic papunta doon, pabalik lang. Kurt's right though. Nagpark si Kurt sa underground parking ng kumpanya nila at sabay sabay kaming bumaba.

Nothing But StringsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang