"3 hours na lang. Sampung oras ka na natutulog. Akala ko deads ka na." Aniya at sumubo pa ulit.
Siniko ko si Ina kaya tumingin siya sakin. Tinuro ko yung pagkain niya kaya nagtawag siya ng stewardess at lumapit ito sa amin. "Beef, pork or chicken?" Tanong niya sakin.
Tumingin ako sa labas at sa relo ko bago magdesisyon. "Chicken." Ani ko na tinanguan niya.
Habang nakain si Ina ay tumitingin siya sakin. Nangunot ang noo ko sa paninitig niya sakin. Ano bang meron sa kambal ko at mukhang nananalamin sa akin?
"Nananalamin ka ba?" Tanong ko sa kanya.
"Malabong manalamin ako sa'yo kambal. In a short time, naging mature ka at ako? Eto, topakin pa rin." Sagot niya at nagkibit balikat.
"Ayy peste. Tigilan mo nga ako diyan, kambal. Ligalig ka ah." Ani ko at dumating na ang pagkain ko.
Kumain ako at nagpatuloy kami sa daldalan ni Ina hanggang sa makarating na kami. Lumapag ang eroplano sa airport at pwede nang magtanggal ng seatbelt. Tinanggal ko ang akin at nagsitayuan na sila. Tumayo na rin ako at inilagay sa shoulder bag ko ang cellphone at headset ko. Kinuha naman ni Ina mula sa compartment sa itaas ng upuan namin ang duffle bag naming dalawa at inabot niya sakin ang akin.
Dumiretso kami sa loob ng airport at hinintay ang maleta naming dalawa. Mas nauna kong nakuha yung akin. It's 2:30 PM here in London at sigurado naman ako na matatawagan ko na ang number ni Kurt. Ipinatong ko ang duffle bag sa maleta ko saka ko kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Kurt. After a few rings ay may sumagot.
"Irina? Is there something wrong? I recieved a few missed calls from you. Anong problema?" Tanong ni Kurt sa akin.
"I'm in London, Kurt." Ani ko at napangiti.
May narinig akong kalabog sa kabilang linya kaya mahina akong napatawa.
"What the fvck? Bakit?" Di makapaniwalang tanong ulit ni Kurt.
"Ayaw mo ata eh? Sige, kahit ang sakit ng pang-upo ko sa 13 hours na biyahe babalik na lang ako." Ani ko.
"Wala akong sinabing ayaw ko. Kararating mo lang? Can you wait for me?" Aniya kaya tumawa ako.
"I'm with Ina and sure, we'll wait." Sagot ko saka ko pinatay ang tawag.
Lumapit si Ina sakin matapos ang dalawang minuto na paghihintay niya. Siya naman ang naglabas ng cellphone sa tabi ko. Tinanong ko kung bakit aniya'y tatawagan niya sila eomma para sabihing nakarating na kami. Hinila ko ang bagahe ko at sumunod naman sa akin si Ina habang kausap si eomma at appa.
After 20 minutes ng paghihintay namin ni Ina at si Ina naman ay nakaupo na sa katabi kong bench at kausap pa si eomma. Sinabi ko kasi sa kanya na itanong kung saan ang address ng tinutuluyan namin at sabihing susunduin kami ni Kurt. Dumating na si Kurt at pinasadahan ko ng tingin ang katawan niya. Mula ulo hanggang paa.
YOU ARE READING
Nothing But Strings
Teen FictionBridge. Tuning pegs. Fret. Rosette. All of these are a part of a stringed instrument. Simula ng mapangiti ko siya, mapatawa, I started falling for this guy. Chase is the kind of guy that doesn't like holding someone's hand, not even mine except his...
Chapter 25
Start from the beginning
