Himig 30

3.2K 191 210
                                    

"Pst, Sky! Gising na, be."

Naramdaman ni Sky na may yumuyugyog sa balikat niya. He opened his eyes and saw his friends in front of him. Agad siyang napangiwi nang maramdaman ang ngalay sa leeg. Mukhang napatagal yata ang pagsandal niya sa bintana.

"Nasaan tayo?" He rubbed his eyes using his fingers before he scanned the place outside the van.

Pamilyar ang lugar sa kanya. It took him a minute before he realized. They're in Escareal! This place holds a lot of good memories. Sobrang espesyal ng lugar na 'to sa kanila ni Thunder. Ito ang lugar kung saan lagi silang nagkakatagpo.

"Escareal?" he asked, confused. He loves the place pero hindi niya alam kung bakit sila nandito. Wala naman silang napag-usapan na magbabakasyon.

"Yup. Bakasyon muna tayo! Freshen up! Masyado na tayong occupied dahil sa mga work natin, e," Nayeon replied.

His brows furrowed even more. "Akala ko ba mall lang? Bakit umabot tayo sa Escareal?"

Jimin chuckled. "Ganoon talaga. Mas natutuloy kapag biglaang plano. Tara na! Naghihintay na sa loob sina Jadiel."

As much as he wants to stay, hindi niya alam kung tama ba iyon. Window shopping lang ang paalam niya kay Thunder! Baka magulat 'yon kapag nalaman niya biglang nasa Escareal siya at magbabakasyon.

"Pero si Thunder... Hindi ako nakapagpaalam," aniya.

They're very open to each other. Hindi naman talaga required na magpaalam—nasabi na rin 'yon ni Thunder sa kanya before. As long as kaibigan ang mga kasama niya, hindi na niya kailangan pang hingiin ang opinyon nito dahil alam naman niyang safe siya kapag kasama ang tropa. Pero syempre, as a boyfriend, dapat alam mo yung responsibilities mo na ipaalam sa kanya kung saan ka pupunta lalo na at sa iisang bahay na kayo nakatira.

Thunder isn't strict when it comes to hangouts. Pinapayagan siya nito sa lahat. He lets him have fun on his own. At ganoon din siya rito. Kapag may mga get together sila Namjoon, payag din siya. Healthy naman kasi ang circle of friends nila. Hindi nagtotolerate ng mga masamang gawain.

"He needs to know kung nasaan ako. Baka mag-alala 'yun," sambit ni Sky.

Then, someone joined the conversation. Nanlaki ang mata niya nang makita si Bambam at Jackson. He wasn't expecting to see them here. Ang akala niya'y busy ang mga ito sa trabaho.

"Ayos na 'yon, Sky! Susunod na lang daw dito pagkatapos ng trabaho niya," nakangiting sabi ni Bambam.

Although he's still confused, he slowly nodded. "Uh... Okay."

"Tara na! Omg! Sarap siguro ng night swimming!" ani Sana. Mukhang iniimagine na niya agad ang pagligo sa dagat kahit kararating lang nila.

Bumaba sila sa van. Sky is a bit sad because Thunder isn't around. Pero kasama naman niya ang mga kaibigan. Ayaw niyang isipin ng mga ito na wala siyang gana sa bakasyon. He loves Escareal. He will always find a way to have fun!

"Hello, Sky!" A smile slowly formed on his lips when he saw a familiar guy running towards them. It was Vinci!

"Vinci! Oh my God! I miss you!" Sinalubong niya ito ng yakap.

"Buti naman bumalik kayo rito! Na-miss ko kayo!" nakangiting sambit ni Vinci.

Jackson chuckled. "Syempre babalik kami. Sarap kaya ng shanghai nila Jadiel."

Vinci bursted out in laughter. "True. Si Kino gustong-gusto rin shanghai nila. Talagang dumadayo pa rito kapag may handaan kahit hindi niya kilala kung sino yung nagpahanda."

"Si Kino pa ba? Gagawin no'n lahat para sa shanghai," tumatawang sagot ni Hoseok.

"Pasok na tayo sa loob! Hinihintay na kayo nila Jadiel." Nauna nang maglakad si Vinci.

Sky doesn't know if he was mistaken but he saw a playful smile on Vinci's lips. Parang may something. Hindi niya alam kung ano iyon o kung para saan 'yon. Ipinagkibit-balikat na lang niya. Matagal na rin naman niyang kilala si Vinci. Bibihira lang 'yon magbiro.

They walked on the fine sand of Escareal. Pumapasok na iyon sa tsinelas niya kaya napagpasyahan na lang niyang hubarin. Mas relaxing din naman kapag bare foot.

"Ganda talaga ng buhangin dito," ani Jimin.

"Totoo. Parang powder na sa sobrang pino," Sana agreed.

Nagpatuloy sila sa paglalakad. Sky can already hear the waves. The ocean breeze touches his skin. Sobrang sarap noon sa pakiramdam. Parang nawala bigla ang pagod niya sa trabaho.

"Blindfold ka muna namin, Sky."

He was about to talk when a cloth blocked his sight. Napahawak siya roon. "Hoy! Ano 'to?! Bakit may blinfold?! Hoy! Hindi nakakatuwa, promise!"

"Chill ka lang!" sabi ni Nayeon sa likod habang itinatali ang blindfold.

"Kikidnapin ka namin," pang-aasar pa ni Jackson.

"Para saan 'to?" tanong niya.

"Required daw 'yan pag pumasok sa loob. Patakaran sa resort ni Jadiel," walang kwentang sagot ni Bambam.

Mas lalong bumusangot ang mukha niya. Gusto pa man din niya makita nang malapitan ang dagat! Ganitong oras nakikita ang mga kulay kahel sa langit.

"I swear. Kung ano man 'tong pakana niyo, dapat mas worth it kaysa sa sunset!" inis niyang sabi.

EDSA: Ang Huling PaghimigWhere stories live. Discover now