Chapter 14: The Abandoned Church

Start from the beginning
                                    

Sa isang tingin ay makikita mong napakaluma na nito. Ang dingding nito ay gawa sa corals, parang katulad sa Baclayon church sa Bohol. Baka ginawa din ng mga Spaniards ito noong sinakop nila ang Pilipinas. Or baka isang din itong representation ng past kagaya ng ibang mga building dito sa university.

Kalahati nalang ang natira sa mga wooden door nito. Halos  Pinapalibutan na ng mga vines ang buong church at kahit ang bell tower sa tabi nito ay puno na ng lumot. Sigurado akong hindi pa forest ang nasa palibot nito noong pinatayo ang church na ito. Sa tagal lang siguro ng lugar kaya ito nagkaroon na ng forest dahil napabayaan ng mga tao.

Pinasok namin ni Cheska ang church. Nagulat kami sa aming nakita. Hindi namin inaasahan na napakalinis dito sa loob. Naka white tiles ang buong sahig at wala ni isang basura na makikita dito. At parang bago pa ang mga long bench na nandito. Hinawakan ko ang isang long bench at walang bakas ng alikabok. Biglang napahawak si Cheska sa likod ng uniporme ko.

"Sino kayang naglilinis-

Di ko na natapos aking sinabi. Napahinto ako sa takot. May isang madre na nakaluhod sa harap ng altar ng simbahan. Gusto ko na ding magtago sa likod ni Cheska. Kakapanood lang namin ng Conjuring last month!

"Porque de tal manera amo dios al mundo

Que ha dado a su jiho unigenito

Para que todo aquel que en

El cri no si pierda mas tenga vida eterna"

Napatingin kami ni Cheska sa isa't isa. Hindi kami magkamali. Yan ang Spanish version ng Lord's prayer. Minemorize namin ito noong elementary pa kami.

"Baka tao. Wala naman sigurong monster na nagdadasal?", bulong ni Cheska habang nakahawak pa din sa likod ko.

"Oo nga lapitan natin. Baka may nalalaman siya tungkol sa mga anti-vampire weapons na sinabi ng friend mo", mahinang sagot ko sa kaniya.

Parang pamilyar ang sitwasyong ito. Ito ang rason kung bakit namamatay ang mga tao sa horror movies. Ang dapat na gawin namin ay umalis na agad.

"I can hear you..."

O_O

Tumayo ang Nun mula sa pagkakaluhod at unti-unting humarap sa amin.

"Cheska"

"Yes Ally?", Nanginginig na sinabi ni Cheska.

Nakaharap padin ito sa Altar ngunit ang ulo nito ay umikot ng 360 degrees paharap sa amin. Hindi nga ako nagkamali. Kamukha niya yung Nun sa the conjuring! Matanda na ito at mahaba ang mukha. Maitim nadin ang palibot ng mga mata nito. Nangungulubot na ang kaniyang mukha. Parang isang witch.

"Pag bilang ko ng tatlo, tumakbo na tayo"

"S-sige"

"Is-

Wala pang isang segundo ay nasa harap ko na ang Nun. Ang bilis niya! Halos ten inches nalang ang agwat ng aming mukha. Tumingin ito sa akin. Nagsimulang tumulo ang dugo mula sa mga mata nito. Nagpalabas ito ng nakakakilabot na ngiti.

"TAKBO!!!"

Matapos ko itong isigaw ay tumakbo ako kaagad ngunit nauna na palang tumakbo si Cheska. Pinipilit na niyang buksan ang door ng Church. Wala na kaming daanan palabas. Ang sirang door dito ay naging bago ulit,  sigurado akong kalahati lang ito kanina! Katulad sa mga long benches dito, bagong bago ito at parang kalalagay lang.

Ngunit, sa pagbago ng door, ang mga bago at makikintab na long benches ay unti-unting naging luma at sira2x. Ang tiles na floor ay naging semento nalang na napakaraming mga crack. Ang malinis na altar ngayon ay puno na ng mga lawa. Nagkaroon na din napakaraming mga lumang dahon sa sahig.

Vampire UniversityWhere stories live. Discover now