Lumapad ang ngiti ni Jeremy at may kung anong kumislap sa mga mata nito. He touched his jaw which was still sore because of what she did. "I think I deserve it, don't you think so?"

Hindi siya sumagot dahil baka hindi niya mapigilang maging sarkastiko sa mga salitang bibitawan niya kaya isang ngiti lang ang ibinigay niya dito. Back off me, Jeremy!

"Anyway, since the two of you seemed to be getting along very well now, why don't you give Kim a tour, hijo?"

"A tour?"

"Yes, hija," anang abuela niya. "Ayokong magmumok-mok ka lamang dito sa mansyon. Sasamahan ka ni Jeremy sa pag-iikot mo dito sa hacienda."

"Abuela," aniya sa pigil na boses. "Hindi ko naman po kailangan ng tour sa hacienda. I practically grew up here kaya alam ko ang pasikot sikot nito. Hindi nyo na po kailangang abalahin si Jeremy. He might be busy doing something else." Pinalakihan  niya ng mata ang binata upang sabihin na tanggihan nito ang kanyang abuela.

"I know you grew up here, pero marami ng pinagbago ang hacienda simula noong huling beses kang umuwi dito. Sa tingin ko nga ay tamang umuwi ka dito matapos ang nangyari sa inyo ni David..." She flinched at his name but her grandmother continued. "Kung hindi pa siguro dahil doon ay hindi ka uuwi dito. But don't worry, we'll take care of you here. Sisiguraduhin namin iyan, hija."

Pakiramdam ni kim ay tabingi na ang ngiting nakaplaster sa mukha niya. "Bakit po kailangan pang kasama ko si Jeremy?"

"Well, he works here," anang lola niya saka ininom ang tsaa nito ng dahan dahan. "And he's been in charge of taking care of everything in Hacienda Azuela for sometime now."

Napatanga siya. Si Jeremy ang umaaktong kanang kamay ng abuela niya? Kaya pala basta nalang itong nakakapasok sa loob ng mansyon at kahit na hatinggabi gabi na ay naroroon pa rin ito.

"And don't worry hija, I'm sure Jeremy wouldn't mind giving you a tour." lumingon ito ng bahagya sa binata. "Right hijo?"

"Opo senora. It would be my pleasure."

PAKIRAMDAM ni Kim ay nakahinga siya ng maluwag ng iwanan siya ng kanyang abuela kasama si Jeremy sa niyugan. Sumama kasi ito para ipakita umano sa kanya ang pagbabago sa loob ng hacienda. Nagpaalam lamang ito sa kanila ng mapagod ito at gusto ng bumalik sa mansyon.

Kanina pa siya hindi mapakali at lahat ng galaw niya ay kalkulado. And worst? She had to be nice to Jeremy even if she knew she can't because her grandmother was watching them. Ngayong wala na ito ay maaari na niyang singhalan ang binata na kanina pa niya nais gawin.

"What?" aniya sa binata ng makita niya itong matamang nakatingin na naman sa kanya. Hindi niya matagalan ang titig nito dahil tila siya isang kandilang unti-unti nitong tinutunaw.

"Wala," umiling ito kasabay ng pagngiti.

"Then don't look at me like that. Don't you know that staring is rude?" Especially if it makes you weak when you are not supposed to?

"No. At hindi ko naisip kung paanong naging masama ang pagtingin sa isang magandang babaeng kagaya mo."

Bumuntong hininga siya saka ito tinalikuran. Hindi niya alam kung anong laro ang gusto nito at kanina pa siya nito pinapaulanan ng kung ano-anong matatamis na salita. Hindi rin niya maunawaan kung bakit tila gustong gusto pa nitong binubuska siya. Kung sabagay, ganoon na rin naman talaga ito mula pa noon, inaasahan ba niyang magbabago ito ngayon?

Nagsisimula na siyang maglakad ng marinig niyang tinawag siya nito. Hindi siya lumingon ngunit hindi narin siya nagtaka ng maramdaman niya ang paghawak nito sa kanyang braso. "Where are you going?"

She couldn't help but look at him in the eyes. Kung noong makita niya ito sa bar ay may hindi maipaliwanag na atraksiyon siyang naramdaman para dito, mas malala pa yata ngayon ang nararamdaman niya. He was just wearing an ordinary shirt, jeans and was clad in a slippers but he seemed to be beyond ordinary. At ayaw niya ng pakiramdam na tila hinahangan niya ang lalaking kinaiinisan niya.

"Kung saan wala ka!" piniksi niyang ang kamay nito ngunti humigpit lamang ang pagkakahawak nito sa kanya. "Bitiwan mo ako."

"No," tinitigan siya nito ng diretso sa mata. "Why do you hate me so much? Dahil ba iyon sa ginawa ko sayo noong bata pa tayo?"

She met his gaze. Bakit nga ba siya galit na galit kay Jeremy? It would be very understandable if she was still the same seven year old girl he punched, but right now if she will tell him that reason it would be too immature. Kung ang pag-uusapan naman ay ang nangyari sa kanila sa bar, hindi ba dapat ay magpasalamat pa nga siya dito dahil kahit na sinukahan niya ito ay inalagaan pa rin siya sa buong magdamag?

So why does she hate him?  

Wala siyang maapuhap na sabihin kaya nag-iwas siya ng tingin sa binata. "I...I don't hate you. I just don't like you so—"

"Magpustahan tayo," putol nito sa sasabihin niya. "Kapag ikaw ang nanalo, hinding hindi na kita guguluhin at kukulitin kahit pa sabihin ni Senora Aurora. Ako na ang kusang lalayo sayo." Hinawakan nito ang panga nito sa pamamagitan ng isang kamay nito. "Pero kapag ako ang nanalo, bigyan mo ako ng isang linggo para makumbinsi kitang magugustuhan mo ako."

Kasabay ng panlalaki ng mata niya sa huling sinabi nito ay ang pagtaas ng kilay niya. Antipatiko talaga. "Hinding hindi kita magugustuhan—"

"Hindi iyan ang sinasabi ko," binitiwan siya nito dahil mukhang nakuha nito ang kanyang nais sabihin. "Ang ibig kong sabihin, hayaang mong patunayan ko sayo na hindi dapat kumukulo ang dugo mo sa'kin sa tuwing makikita mo ako."

She contemplated on his words for a while. It seems to her that he wanted to prove himself worthy of her liking. Mukhang nasobrahan na yata siya sa pagiging malamig niya dito kaya naman nais nitong gumawa ng paraan para magbago iyon. Tinimbang niya ang sinabi nito. Hindi naman siya lugi sa deal na gusto nito.

"Fine," aniya dito. "Anong gagawin natin?"

He smiled triumphantly at her almost making her want to take back her words.

"Paunahan tayong umakyat sa puno ng niyog."

Ang Buhay Ko (A Buko Love Story) [ COMPLETE ]Where stories live. Discover now