Natutuwa nga siya na nagkakaroon ng closeness ang apat. Medyo nainggit lang siya dahil hindi siya nakasama sa siblings bonding ng mga ito. Kung bakit daw kasi na wrong timing pa siya.

"Kumusta ang Dhianne na 'yan? Naging okay lang ba kayo dito nila Manang?" tanong ni Jazy at nakangiting tumango naman si Dhianne at tumabi ng upo kay Jazy at isinandal ang ulo sa balikat ni Jazy. Napangiti na lang si Jazy sa ginawa ni Dhianne.

"Ikaw po? Kumusta ka po? Alam ko pong pagod ka na. Pahinga ka na po." sabi ni Dhianne habang pinaglalaruan pa ang mga daliri sa kamay.

Jazy combed Dhianne's hair. Napangiti naman si Dhianne dahil gustong-gusto niya ang gano'n.

"Okay lang ako. Yes, I'm tired, but nawala na kasi nakita na kita, eh." Jazy said and chuckled. Si Dhianne din ay natawa.

"I missed you, kuya Jazy. Mag-iisang linggo din po tayong hindi po nagkita. Namiss ko po ingay niyo hehe." natawa si Jazy dahil sa huling sinabi ni Dhianne.

"Ako din, namiss ko kakyutan mo." sabi ni Jazy na hindi maalis ang ngiti sa mga labi.

Nanggigigil pa niyang pinisil ang ilong ni Dhianne na tumatawa lang naman. Ang nangyare ay nauwe silang dalawa sa harutan. 'Yun ang naabutan nila Shawn na kakapasok lang sa bahay nila Jazley kasama ang pinsang si Josephine.

Akmang magdodoorbell na kasi sila nang bigla namang bumukas ang pinto at si Manang ang nakita nila na agad naman silang pinapasok nang malamang nandito sila.

"Ang sweet nila hihi." kinikilig pang bulong ni Josephine habang nakatingin sa dalawang taong hindi na napansin ang presensya nilang apat.

Narinig din naman 'yon ng tatlong lalaki at tiningnan siya saglit bago binalik ang tingin sa dalawang nakahiga na ngayon dahil nagkikilitian na at rinig na rinig sa buong sala ang maingay nilang sigawan at tawanan.

Imbis na magalit o mainis sa nakita ay napangiti lang ang tatlong lalaking Fernandez. Masaya sila sa nakikita nila. Natutuwa silang makitang ganito kasaya ang kapatid nila kay Jazley.

Naiingit sila, oo. Pero mas lamang ang tuwa nila para sa kapatid. Masaya silang malaki ang ngiti nito sa mga labi na sigurado silang hindi nito naranasan sa tatay-tatayan nito.

"Namiss lang nila ang isa't isa kaya ganiyan silang dalawa ngayon. Halos mag-isang linggo rin kasi silang hindi nagkita." napalingon sila sa taong nagsalita.

"Nakakatuwa talaga 'yang dalawa na 'yan. Iniisip ko ngang magkapatid talaga sila kasi medyo magkamukha sila." dugtong pa nito. Si Manang.

Doon napakunot ang noo ng apat sa huling sinabi ng matanda. Hindi pa man sila nakakapagsalita ay umalis na ito.

"Dhianne cutie!" natauhan lang sila nang marinig nilang sumigaw si Josephine at gano'n din naman sila Dhianne na natigilan na rin sa pagtatawanan at kilitian sa isa't isa.

Nakita na lang ng tatlo na tumatakbo si Josephine palapit kay Dhianne at si Dhianne na tumayo para salubungin ang kaibigan.

Nang tuluyang magkalapit ang dalawa ay tuwang-tuwang nagyakapan at nag-ikot-ikot pa ang dalawa habang magkayakap na ikinatawa ng mga lalaki, siyempre kasama na doon ang panganay na si Jazy.

"Ito na ba ang siblings bonding namin?" natatawang bulong ni Jazy at napailing maya-maya sa kalokohan.

Habang abala ang dalawang babaeng magkaibigan ay naglakad palapit si Jazy sa tatlo niyang kapatid. Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin siya makapaniwala na nakakausap at kaharap na niyang muli ang pamilya niya.

Their Long Lost Sister Where stories live. Discover now