Nanlaki ang mata ni eomma sa sinabi ko. "Why so sudden? Wala pa tayong tickets nak." Ani eomma.
"I just want to leave early."'Cause I don't have any reason for me to stay anymore.
"Nikko," ani eomma kay appa na nakatingin lang sa akin.
Naglakad ako papalapit sa kanila. "Please, appa?" Pagmamakaawa ko kahit na nagbabadya na naman ang luha ko.
Tumango si appa at bumuntong hininga. "I'll ask my secretary to fix your ticket and your papers. You'll leave a day after tomorrow." Ani appa.
Ngumiti ako at niyakap sila ni eomma. "I love you both." Aniko.
"We love you, too, Irina." Ani eomma at yumakap na rin sakin.
Nagpaalam ako sa kanila at umakyat na sa kwarto ko. Nagpalit ako ng damit at nagtira ng kaunting damit sa cabinet ko. Hinila ko mula sa ilalim ng kama ko ang maleta ko saka ako nagsimulang mag-impake ng iba kong damit. Matapos kong gawin yun ay itinabi ko ito sa bedside table ko. Umupo ako sa kama ko at napahiga. Nagsimula na namang mag-unahan sa pagpatak ang mga luha ko kaya't pumikit ako at pinabayaan sila.
Iwanan ba ko? Ba't parang lagi na lang akong iniiwan? Ano ba ginawa kong mali dahil alam ko naman sa sarili ko na wala akong iniwang tao pero ba't ganito? Nagmahal lang naman ako at mukhang napasama pa nung pinairal ko ang gusto ng puso ko.
Pero yung deal. Kay Kurt na naman ba ako tatakbo?
"Irina? Kambal?" Tawag ni Ina habang nakatok sa pinto ko.
Umupo ako at pinunasan ang pisngi ko. "Bukas yan." Sagot ko at pinagpatuloy ang pagpunas sa pisngi ko.
"I heard from appa na gusto mo raw umalis ng maaga." Aniya pagkabukas ng pinto.
Umupo sa tabi ko si Ina at hinagod ang likod ko. Naka-uniform pa si Ina at mukhang ako talaga ang inuna niya. Nilapag niya ang bag ko sa paahan niya saka ako tumango.
"I asked appa if I could come. Napatanong pa tuloy siya kung anong problema." Aniya at nagkibit balikat.
"Sinabi mo?" Tanong ko at binalingan siya.
Tumango siya sakin bago siya nagsalita. "May karapatan sila appa na malaman ang totoo. Pinaliwanag ko naman ng mabuti kaya hindi sila galit." Aniya sakin.
Tumango ako kay Ina at bumalik ako sa pagkakahiga. Tinignan naman ako ni Ina kaya pinikit ko ang mata ko. Hindi dapat ako kinakaawaan. Sa utak ko, si Chase ang nawalan pero hindi ko maidedeny na may nawala rin sa akin.
Nagising na lang ako na wala si Chase kasama ang ex niya at ang puso ko. Makatarungan pa ba yun? I think not.
"What are you thinking, Irina?" Tanong niya sakin.
"I was thinking that Chase disappeared without me noticing it. Ang galing kasi kambal. I'm amazed." Ani ko at nagmulat.
"Ano sa tingin mo ang meron sa inyo na?" Tanong niya ulit.
Tumingin ako sa mata ni Ina at sumagot. "Wala na." Sagot ko na may ngiti.
Tumingin ako sa kisame at desidido na ko sasabihin ko.
"The moment Chase left, wala na. Pinutol niya na rin. I wish he told me earlier. Na babalikan niya si Circe para naman hindi ganito kasakit na nagulat na lang ako na wala na siya." Ani ko at bumuntong hininga.
"Sinabi niya sana ng maaga para ready ako. Pababayaan ko siya, kambal." Bulong ko at tumulo na naman ang luha ko. "Kahit masakit, pababayaan ko siya." Pahabol ko saka ako pumikit.
VOUS LISEZ
Nothing But Strings
Roman pour AdolescentsBridge. Tuning pegs. Fret. Rosette. All of these are a part of a stringed instrument. Simula ng mapangiti ko siya, mapatawa, I started falling for this guy. Chase is the kind of guy that doesn't like holding someone's hand, not even mine except his...
Chapter 24
Depuis le début
