"Tama na, Irina. Akala namin sinabi niya sa'yo. Tama na." Bulong sakin ni Jacob.


"Chase! I'm sorry! Please!" Sigaw ko habang naiyak.


Humihigpit lang sakin ang yakap ni Jacob. Jacob just hugged me just like an older brother would do for almost half an hour. Umiyak lang rin ako ng umiyak sa bisig ni Jacob. Ang sakit kasi. Yung kinakatakot ko at ang bagay na sinabi kong hindi ko gagawin sa kanya ay sakin pa pala nangyari. He left with Circe at minsan niya nang sinabi na hindi niya pinipili si Circe. What about this now?


Hindi pa ba niya pinipili si Circe sa lagay na ito?


Did Chase really loved me or am I just a temporary replacement of Circe?


Pampalipas oras hanggang sa makabalik si Circe? Well then, damn. I thought everything was real. Akala ko totoo na yung lahat ng pinagsamahan namin ni Chase sa maiksing oras na yun. That was our small forever o ako lang ang nagpahalaga noon?


"You okay now?" Tanong ni Jacob nang matigil ako sa pag-iyak saglit. I'm numb. Completely numb.


"Pwede bang pa-hatid ako sa bahay?" Mahinahong tanong ko.


"Sure. Gusto mo bang isama ko na si Ina?" Tanong ni Jacob.


"M-may training si Ina. Susunod na lang siya." Sagot ko.


Tumango si Jacob at tumayo na kasabay ako. Humalik sa buhok ko si Jacob at hinagod ang likod ko dahil sisinukin ako sa pag-iyak ko. "Everything will be alright, Irina. Alam kong galit ka. Akala namin siya lang mag-isa ang aalis. Wala sa napag-usapan na kasama ang ex niya. It was Eris' plans." Paliwanag niya.


Tumango ako pero wala na kong pakielam. Kinuha iya ang cellphone niya sa bulsa ng coat niya at may dinial na numero. Iginiya naman ako ni Jacob papunta sa sasakyan niyang walang katabing sasakyan ni Chase. Binuksan niya ang passenger seat at pinasakay ako pero bago niya isara ay may kinausap siya.


"Nate, nandiyan yung bag ni Irina. Pakisabi kay Inari na isabay ang bag ng kambal niya, ha? Salamat tol." Ani Jacob at binaba ang tawag.


Nginitian niya ako saka niya sinara ang pintuan ng passenger seat. Umikot si Jacob hanggang sa marating niya ang driver's seat. Hinatid ako ni Jacob papunta sa bahay. Nagpasalamat ako sa kanya saka siya bumalik sa school.


Pumasok ako ng bahay at nagulat ko sila eomma na nanonood ng tv habang magka-akbay. Nakakabitter ah.


"You're home early." Appa stated a fact.


"Can I ask a favor appa?" Tanong ko rito.


Nagtinginan sila ni eomma saka bumaling sa akin. "What is it, anak?" Tanong ni appa.


"Pupwede po bang mauna na ko sa London? Hintayin ko na lang kayo doon?" Tanong ko.


Nothing But StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon