Tumingin siya sakin as if gulat na gulat siya. What? Anong alam nila na hindi ko alam?


"What? You didn't know?" Aniya sakin.


Nangunot ang noo ko sa kanya. "Tatanungin ba kita kung alam ko?" Tanong ko rito.


"Hindi niyo sinabi kay Irina?" Aniya sa mga taong nasa likod ko habang nakahawak siya sa dibdib niya. "Jacob, Nathan? Hindi ba't kayong magkakasama bago umalis si Chase?" Dagdag pa ni Eris hanggang sa ngumisi na siya.


"Shut the fvck up, Eris. Sasabihin pa lang namin!" Ani Jacob.


"A-ano?" Nauutal na tanong ko kay Eris.


Binaling niya ang tingin niya sakin at hindi nawala ang ngisi niya. Lalo lang lumaki ang ngisi niya nang makita ang itsura ko. Malabo! Si Chase? Aalis?


"Chase left earlier with Circe. They left the country this morning." Sagot sakin ni Eris.


Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko. Parang gusto kong mapaluhod dahil pakiramdam ko may sumaksak sa akin sa dibdib. Saka ko lang naramdaman na nakakuyom pala ang kamao ko at nasampal ko si Eris. Napamura siya sa sampal ko at akmang babawian niya ko nang hawakan siya papalayo ni Jacob.


"Bitawan mo ko Jacob!" Sigaw ni Eris.


"Eris! Ano ba! Hindi ka pa ba masaya?!" Sigaw ni Nathalie.


Lumapit si Ina kay Jacob at sinampal rin si Eris. Inutusan niya rin siguro si Jacob na paalisin na si Eris dahil umalis siya nang hila-hila si Eris pababa ng hagdan.


Sunod-sunod ang pagpatak ng luha ko but my face is still straight. Emotionless. Napaluhod ako sa kinatatayuan ko hanggang sa hindi ko na napigilang humikbi.

I covered my mouth to control my sobs. Lumapit sakin si Ina at niyakap ako saka niya ko itinayo. 


"S-saang bansa?" Tanong ko sa kanila.


"We're sorry, Irina. Kami lang nila Jacob, Nathan at Zach ang nakakaalam tungkol sa pagkawala ni Chase." Hinging paumanhin ni Nathalie.


"A-ayos lang. Pero s-saang bansa s-sila pumunta ni C-Circe?" Tanong ko ulit.


"Hindi namin alam, Irina." Sagot ni Nathan.


Tumango ako at pinunasan ang pisngi ko. Kinuha ko ang cellphone ko at ilang beses na dinial ang numero ni Chase. Please, sagutin mo Chase. Answer my calls please.


Tumakbo ako at narinig ko ang sigaw nila Ina. Naka-abot ako sa parking lot na pumapatak pa rin ang luha ko. Nang hindi ko kayanin ay napa-upo ako sa semento. Humagulgol ako ng humagulgol at naramdaman ko na lang ang yakap ni Jacob sa akin.

Nothing But StringsWhere stories live. Discover now