17

86 7 0
                                    

c o s m i c   c r u s h

17

iMessage
FRI • 6:09 PM


Tatay:

Lio, ikaw muna bahala diyan sa bahay ah? May karne pa naman diyan sa freezer.. Magluto ka.. 'Wag kang palaging kumakain ng cup noodles..

Cecilio:

Wala ako sa bahay Tay. Ingat po kayo. Nasabi sa 'kin ni Miss Choi na may pupuntahan daw kayong book event.

Tatay:

Saan ka ngayon? Gabi na!

At bakit Miss Choi pa rin ang tawag mo kay Ruth? Tita na dapat, anak..

Cecilio:

Nasa Starbucks ako Tay.

Tatay:

Bakit Starbucks? Doon ka na lang uminom ng kape sa lomihan ng Tita mo..

Teka nga.. May narinig akong chismis kanina.. Kasama mo raw si Tricia. May bitbit siyang bulaklak.. Nililigawan mo ba yun? Estudyante ko yun..

Cecilio:

Hindi po. Galing sa manliligaw niya 'yung bulaklak. 'Yung Pierre sa BS Chem.

Tatay:

Ah ganun ba..

Hina mo naman.. Haha..

Sinong kasama mo sa Starbucks?

Cecilio:

Si Tricia po.

Tatay:

Ayusin mo, Lio..

Mabuting estudyante iyang si Tricia.. Importanteng alumni Tatay niyan.. Pag-isipan mo gagawin mo. Marami pang pangarap mga magulang niyan para sa kaniya..

Cecilio:

Nagkape lang po kami. May pinag-usapan lang. Sige na, Tay. 'Di na ako magrereply. Ingat kayo.

Read: 6:11 PM

Cosmic CrushWhere stories live. Discover now