Mabilis kong sinagot ito habang nakatingin kay Miss na ngayo'y nakataas na naman ang kilay sa akin.

"What?" Tanong ko sa caller.

"G? We're on our way." Saad ni Jasper, isa sa mga pinsan ko sa side ni daddy. Hangga ngayon ay nandito pa rin sila, hanggang pasko na raw sila dito.

"Pass muna. I'm with someone." Sagot ko dito while looking at Miss and winked at her. Tinarayan lang ako. Haha. Kinikilig lang yan e!

"Who's that someone, LA? Is he your boyfriend? Wait, where are you? Boys are not allowed inside your school, nasa labas ka ba?" Malakas na tanong sa akin ni Macy.

"Chill, Mace, I'm still inside the school. And of course not. I don't have a boyfriend. Girlfriend pwedi pa." Malokong sagot ko.

Narinig ko namang suminghal si Miss kaya hindi ko mapigilang mapangiti.

"WHAT? YOU'RE GAY?" Sabay sabay na tanong nila kaya nalayo ko bigla ang phone ko sa tenga ko. Ang lakas!

"Guys. You're so loud. Ba-bye na. Punta nalang kayo ng bahay mamaya. Bye! Take care!" Hindi ko na sila hinintay pang sumagot at pinatay na ang tawag. Pailing iling ko naman binitawan ang phone ko at nag-stretch.

Nang tignan ko si Miss ay napangiti nanaman ako ng makitang nakatingin din ito sa akin. Tinarayan lang ako na lagi niyang ginagawa. Ibang klase!

Tinignan ko ang oras at mag-aalas dose na rin pala kaya tumayo na ako at kinuha yung paper bag na bitbit ko kanina kung saan nakalagay yung mga niluto ko.

"Kain na tayo, Miss." Sabi ko paglapit ko sa table niya. Tinaasan naman niya ako ng kilay. Ang taray talaga!

"You can eat if you want, Mackenzie. I still have a lot of things to do." Grrr.

"Aww. Sayang naman ang effort ko sa pagluto, ayaw mo po? Okay! Bigay ko nalang kay Leigh to." Pinalungkot ko pa ang tono ko at tumalikod na sa kanya.

"Ouch!" Hasik ko ng batuhin ako nito ng ballpen. "Hindi mo na nga po kakainin mga niluto ko, sinasakyan mo pa ako!" Reklamo ko sa kanya.

"Idiot, did I say I wouldn't eat that?" Lalo akong napanguso. Ang Harper na to! Mapanakit talaga.

"Tsk. Come here." Saad niya

Napangiti naman ako ng makita siyang tinabi ang mga gamit na nakakalat sa table niya. Mabilis akong lumapit doon at inilapag ang paper bag.

Nasa bulsa ko ang kaliwang kamay ko na madaming sugat kaya isang kamay lang ang gamit ko sa pagaayos ng mga pagkain. Mahirap na at baka mapagalitan pa ako pag nakita nito ang mga sugat ko.

Actually, hindi ko na nga nilagyan ng mga band aid e, para hindi agaw atensyon kay Miss.

Pagkatapos kong ilabas lahat ay kinuha ko na yung upuan sa gilid at ipinwesto sa harap ni Miss. Kumuha na rin ito ng mga plato at kutsara dahil meron naman siya dito non.

"Ngayon lang po ako nagluto ng ganyan, Miss. Mula kagabi ay pinagpa-practice-an ko na pong lutuin yan." Alanganing saad ko ng tikman niya yung kaldereta.

"How is it?" Payak pa akong tumawa. Kasi baka hindi masarap.

Hinintay ko ang ilang sandali, pero wala itong reaksyon. Hindi ata nagustuhan.

"Ha! Hindi po ba masarap? Okay lang po. Amin na, mag oorder nalang po ak--"

"What happened to your hands?" Hala! Tang ina. Hindi ko napansin na yung may mga sugat pala ang nagamit kong pagkuha dun sa lalagyan.

"Ha! Wala po. Nadapa po ka--"

"Don't you dare lie to me, Mackenzie." Malamig na sabi nito kaya napalunok ako.

Her SaviorWhere stories live. Discover now