nanginginig habang umiiyak na hindi ko alam kung anong gagawin ko. 

"Ma-Manong pa-paki bi-bilisan na-naman" umiiyak na usal ko 

"Are you okay?" tanong nito sa akin at umiling lang ako as a response. 

Ilang minuto lang narating din namin ang school at don na ako nanghina ng makitang halos lahat ng students, teachers at halos lahat ng taong nakita ko ay nag si iyakan na. Nagdadalawang isip pa ako kung papasok pa ako sa gate ng school at don bumuhos ang luha ko ng maalala si Vash na kung saan palagi syang naghihintay sa akin sa labas ng gate. 

"Nag suicide daw sabi ng Mom nya pagkabukas daw nya sa room ni Vash wala na daw tong buhay"

"hala nakakalungkot naman"

"bakit sya nag suicide? diba masayahin sya? paano nangyari yun?"

"Patay na si Vash? paano?"

"Hoy wala na raw si Vash huhuhuhuhuhuhuhuhu"

"Si Vash patay na?"

"Hoy nag suicide daw si Vash? hala diba ang saya-saya nya pa kahapon, bakit sya nag suicide?"

"Paano nag suicide?"

"May nakita akong picture kanina peru agad din itong nawala 5seconds lang yata yun, peru nakita ko don may laslas sa pulsohan nya at yung leeg nya duguan din, tapos yung kama nya puros dugo hindi na nga ma identify ang kulay ng kumot dahil sa dugo"

"Hala nakakatakot naman.....huhuhuhuhuhuh bakit nya ginawa yun? huhuhuhuhu hindi ko yata kaya na hindi ko sya makita huuhuhuh crush na crush ko pa naman si Vash, ang sakit naman"

nanghihinang napa upo nalang ako sa semento at nakatulalang napatingin sa gate. 

"Gel, oh my God" at don ko nalang nararamdaman ang pagyakap sa akin ni Eyz. Hindi ko alam anong mararamdaman ko. Sobrang sakit, kagabi lang yakap-yakap ko sya, kumakain pa kami sa street foods, naliligo pa kami sa ulan bakit ganon? bakit ang bilis naman? ang sakit naman. Nanunuod pa sya ng contest, nag cheer pa sya sa akin ang saya pa namin sa bahay. Bakit ang bilis? bakit kinuha sya agad sa akin? ang sakit naman hindi ko kaya. 

"Gel, wa-wala na si Va-Vash" umiiyak naring usal ni Eyz habang nakayakap sa akin. "Wa-wala na sya, Gel"

"hi-hindi...hi-hindi pa sya pa-patay, Eyz, bu-buhay sya na-nakasama ko pa sya kagabi...hi-hindi, hi-hindi pa sya patay...Hindi nya magagawang patayin ang sarili nya...Eyz, mababaliw ako pag ma-mawala sya, hi-hindi ko kaya...Eyz, hi-hindi pa sya pa-patay" 

"Gel" nag-iyakan lang kami dito sa labas ng gate. Hanggang sa nararamdaman nalang naming may mga bisig ulit na yumakap sa aming dalawa ni Eyz. 

"Ssshhh, nasa bahay na nila ang katawan ni Vash, tara nandon na sila Zyde at ang iba pang mga ka schoolmate natin" at don mas lalo pang gumuho ang mundo ko sa sinabi ni Xian. 

LOSING HIS VIRGINITY (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt