Hemos actualizado nuestras Pautas de Contenido.
Consulta las pautas más recientes para seguir compartiendo historias de forma segura.

Prologue

18 1 0
                                        

This is a work of fiction. Unless otherwise stated, all names, characters, businesses, places, events, and occurrences in this book are either made up or used in a fictitious manner by the author. Any similarities to real people, living or dead, or real events are entirely coincidental.

Please bear with me; I'm not a professional writer, so please excuse any grammatical or typographical errors that may appear in my story. Thank you!

"ASHERAH, napaka-tamad mo din naman talagang bata ka, manang mana ka sa nanay mong malandi! Magluto ka na ng umagahan dito, huwag kang patamad tamad!"

Bata pa lang ako alam ko na, na anak lang ako sa labas. Matagal ko nang natanggap na bunga ako ng isang pagkakamali. Sabi sa akin ng madrasta ko naging bunga daw ako ng isang pagtataksil na gabi, sa bar. Sa bar, doon daw nagt-trabaho ang nanay ko at isa itong bayarang babae. Kaya nga siguro iniwan niya ako sa tatay ko, dahil hindi niya ako kaya buhayin.

"Opo, Tita Beth." sagot ko at humingang malalim, pagka-labas ko ng kwarto ay nakasalubong ko ang nakaba-batang kapatid.

"Good morning, Ate!" bati niya. Mukhang maganda ang gising niya, nginitian ko na lang siya at nauna na bumaba para magluto sa kusina.

Mayroon akong isang nakababatang kapatid na lalaki, 'di katulad ng madrasta ko, mabait naman ang kapatid ko at pinagtatangol ako, wala naman kasi ang tatay ko dito para ipagtanggol ako dahil sa Maynila siya nagt-trabaho.

"Hoy! Asan na sahod mo? Aba, hindi ka pa yata nakakabigay ah, wala na akong pera mag-bigay ka naman! Wala kang ambag sa pamamahay na 'to eh!" Pasigaw na sabi ni Tita Beth habang nakataas ang paa at kumakain ng niluto ko na umagahan.

"Pasensya na ho, Tita. Wala pa po kasing binibigay na sahod ang mall, hindi pa po nagbibigay ng sweldo." mahinahon ko na sabi.

"Napaka-sinungaling mong bata ka! Asan?, asan ang wallet mo patingin ako." Sabi niya sabay hablot sa bag ko sa sofa.

Mabilis ako na tumakbo papunta kay Tita para hablutin ang bag ko, kaso huli na at nakita na niya ang laman ng wallet ko.

"Ano 'to? Ano 'to ha? Mayroon kang isang libo at limang daan, pero hindi mo 'man lang naisipan mag-bigay? Ano? nagdadamot ka na ha?! Wala kang utang na loob! Baka nakakalimutan mo ako ang nagpagkain sa'yo nang iniwan ka ng tatay mo dito sa pamamahay ko!" Galit na sabi ni Tita.

Napahawak nalang ako ng noo, habang hawak ang bag ko na wala nang laman dahil nahulog na ang mga laman nito sa sahig. Hinawakan ako sa likod ng kapatid ko bilang tanda ng mag-komporta niya sa akin.

"Ma, tigilan mo na si Ate. Baka kailangan talaga niya iyang pera, atsyaka may papadala naman ata si papa ah?" Sabi niya.

"Tigil tigilan mo nga ako, Nico! Kinakampihan mo nanaman yang babaeng yan! Wala na tayong pera at hindi pa nagpapadala ang papa mo! Nagkaroon daw ng problema kaya kailangan ko ng pera," Tiningnan ulit ni Tita ang wallet ko at kinuha ang isang libo. "Kukunin ko na ito ah! Tinirahan naman kita ng limang daan dahil baka sabihin mo makapal ang mukha ko, oh ayan na yang pitaka mo!" Sabi niya at binato sa akin ang pitaka ko.

Kinuha ko nalang lahat ng gamit ko na nasa baba at ipinasok iyon sa bag ko, wala naman na din ako magagawa kahit ano naman sabihin ko hindi naman niya ako paniniwalaan.

Ako ang bumubuhay sa sarili ko. Ako ang nagpapakain sa sarili ko gamit ang sarili kong pera, hindi ako ang klase ng tao na hindi dumedepende atsyaka sa murang edad natuto nanaman din ako mag-trabaho.

Pagkatapos ko ayusin ang gamit ko ay tumayo at umalis na ako para pumunta sa trabaho. Kailangan ko maging mapag-pasensya sa lahat ng bagay, sa Tita ko, sa trabaho ko, sa buhay ko. Dahil kung hindi, baka hindi na ako maka-ahon.

Pagdating na pagdating ko sa mall na pinagt-trabahuhan ko ay dumiretso ako sa cr. Isa akong saleslady ng mga sapatos, hindi kataasan ang sahod ko, nasa dalawang libo lang kaya medyo kailangan ko magtipid lalo na ngayon kinuha pa ng Tita ko ang isang libo sa wallet ko, iyon pa naman ang sinahod ko.

Habang nag-aayos ako ng sarili ko sa harap ng salamin ay pumasok ang kaibigan ko, mukhang kakadating niya lang din.

"Oh, Ash? Kakadating mo lang ba?" Agad na tanong ni Khloe.

Tumango nalang ako bilang sagot at pinagpatuloy ang pag-aayos sa sarili ko. Nang matapos na ako ay tinanong ko kung tapos na din ba siya para sabay na kami pumunta sa 2nd floor dahil nandoon ang mga sapatusan.

"Okay ka na ba?"

"Oo, tapos na din ako. Halika na panigurado madami nang tao." sabi niya at niyapos ang braso ko.

"Kamusta ka naman? Yung step-mom mo na masama ang ugali, sinasaktan ka ba?" Tanong niya habang naglalakad kami.

Napahinga ako ng malalim, "Ayon, kinuha ang isang libo ko kaya five hundred nalang ang pera ko." sagot ko.

"Ano?! Iyang step-mom mo talaga! Napaka! Eh, paano ngayon yan?"

"Hindi ko alam." Iyon na lamang ang sinabi ko dahil sa totoo lang hindi ko din naman talaga alam ang gagawin ko eh.

"Good morning mga bakla!" Bati sa amin ni Ian. Ka-trabaho at kaibigan din namin siya, bakla siya, masaya nga siyang kasama eh gusto ko talaga magkaroon ng bakla na kaibigan dahil masasayahing tao sila.

"Good morning din!" Masayang bati ni Khloe habang ako ay tumango nalang sakanya bilang pag-bati.

Nagsimula na akong mag-trabaho, kailangan ko mag-doble kayod para mabuhay ako. Sana nga ay may mahanap pa ako ng isa pang part time job para dagdag kita dahil hanggang ngayon naman ay nag-aaral pa'rin ako sa colle. Nakakapagod din ang ganitong buhay, minsan di mo talaga maiiwasan na sana maghiwaga ang tadhana at ibahin ang landas ko, pero sabi nga nasa Diyos ang Awa nasa Tao ang Gawa.

The Debt of Ms. SecretaryHistorias para obsesionarse. Descúbrelo ahora