Habang hinihintay ang mag-ina ko ay tumunog ang phone ko. When I look at it, si mommy pala.

"Mommy?"

"You're not in the house. Where are you?" Malamig na tanong nito. Galit ba siya?

"I'm here kila Miss Harper po, Mommy." Sagot ko. Kilala naman na nila ito. Kaya hindi ko na kailangan magsinungaling. Wala naman din silang ibang alam na pupuntahan ko if ever man na aalis ako.

"What are you doing there? Kahapon lang kayo hindi nagkita, miss mo na agad?" Hindi ko mapigilang mapatawa sa tanong niya.

"Yes, mommy. Miss ko na yung mag-ina ko, kaya pinuntahan ko sila." Nakangiting sagot ko

"Tsk tsk tsk. You're crazy, honey. Don't let me wait for too long. I want to see my granddaughter na." Pambihira! See? Kahit hindi pa nila nakikita si Brielle, tanggap na nila.

I am really lucky dahil napaka-supportive nila.

"Yes, mommy. Soon. Don't worry." Sagot ko dito.

"Good. I'll hang up now. I just really asked, where are you. Take care, okay? I love you."

"You too, mommy. I love you too." Saktong pagbaba ng tawag ay ang paglabas ng dalawa mula sa kwarto.

Hindi ko naman mapigilang hindi mapangiti ng makita ang porma ni Brielle. Gaya ng porma ko ay naka wide leg ito na pangbata, of course, loose shirt na pinartneran ng rubber shoes.

Mabilis itong tumakbo papunta sa akin. "Look, mommy pretty. I told mommy that I want to have the same outfit as you." Masiglang hayag nito at umikot pa na nagpalawak pa lalo ng ngiti ko.

Tang ina. Anak ko na talaga to. Akin na siya. Wala ng bawian.

I opened my both arms at mabilis naman itong lumapit sa akin at yumakap. Pinugpog din ako ng halik.

"Let's go." Malamig na saad ni Miss kaya mabilis kaming tumayo ni Brielle.

"Aye, aye, mommy!"

What the! Nagkatinginan kami ni Brielle at sabay na natawa dahil sabay lang namin iyong nasabi at sabay din kaming sumaludo.

Napailing nalang sa amin si Miss dahil sa kakulitan namin at nauna ng maglakad sa amin.

Sinigurado muna ni Miss na naka lock ang pinto bago kami umalis.

Yung sasakyan na niya ang ginamit namin since siya naman daw ang magd-drive.

Mabilis lang kaming nakarating sa company nila.

Woahhh. Don't tell me, sila may ari nito?

"Kayo may-ari ng Callister Apparel, Miss?" Hindi ko mapigilang tanongin. Isa kasi ito sa pinaka sikat na clothing company hindi lang dito sa pinas, kundi pati na rin sa asia.

"Isn't it obvious?" Mataray na tanong nito saka na naglakad papasok.

Nakasunod lang kami ni Brielle sa kanya at sa sobrang bilis nito maglakad ay naiiwan kami ng bata. Well, sino ba namang hindi, ang haba ng biyas niya, tapos ako, may kasamang bata. Syempre mabagal maglakad ito.

"Miss, wait lang!" Mahinang tawag ko sa kanya pero hindi ata ako narinig at nagtuloy tuloy lang sa pagpasok. Anak ng!

Wag niyang sabihing nakalimutan nyang kasama ko ang anak niya?

Nang papasok na kami, napaatras nalang ako bigla ng may humarang sa amin na isang guard.

"Teka, miss. Trabahante ka ba dito? Hindi kasi basta basta nagpapasok ang kumpanya. Patingin ng ID niyo?" Tanong nito.

Her SaviorWhere stories live. Discover now