and her radiance

Börja om från början
                                    

Mabilis din akong nag-apply ng makeup na pang-sopistikada bago kinuha ang Prada bag ko na bigay pa ni Papa makailang taon na ang nakakaraan. Mapagtatiyagaan pa naman sila kahit luma na at mukhang bago pa naman kaya ayos lang.

Mabilis ko ring pinusod ang mahaba at kulot kong buhok bago ko ito inipit nang mahigpit. Pagkatapos no'n ay tinignan ko ang sarili ko sa salamin at hindi ko maiwasang hindi mapangiwi ng makita ko kung gaano ako kapangit tignan sa ganitong ayos pero bahala na kasi ang mahalaga ay makakuha ako ng trabaho.

"Kaya natin 'to. Laking Madrigal ako. Malalakas ang mga Madrigal kaya ikaw din dapat, Aster Ray Madrigal." Mahina kong bulong sa sarili habang nakatingin pa rin sa salamin at dahil din sa self-support kong 'yun kaya medyo guminhawa ang pakiramdam ko.

With that, I turned off my main switch before leaving the apartment. Napatingin pa sa'kin ang iilan kong kasama sa apartment 'nung lumabas ako.

I received compliments, but I denied them. I'm not that used to those now.

It may not be that obvious but I'm not that fine with compliments. If I get them, I feel like they're sugarcoated kaya mabilis ko na lang silang winawala lagi.

I remained humble when it comes to compliments but if it's about work, hindi ako magpapaka-humble at doon din 'ata galing 'yung isipin nilang maldita or bossy ako.

I sighed at the thought atsaka pumara ng taxi. Wala akong oras para sa ganyan kasi ang nasa utak ko lang talaga ngayon ay makuha 'yung trabaho pero tadhana na rin 'ata ang may ayaw sa'kin kasi the moment I arrived in the company, I was greeted by the same news that I'm not qualified enough in the position as well.

Doon ay bumagsak na talaga ang balikat ko pero tinanggap ko na lang ang desisyon nila at nagpasyang pumunta na lang sa 7/11 para kumain muna because maybe the stress made me forget to even take a meal.

'Yun nga lang at malas talaga ako kasi isang hakbang ko pa lang papalabas ng kompanya ay napigtas 'yung sapatos na suot-suot ko at ng akmang kukunin ko naman 'yun para sana tignan kung anong mali ay natanggal din ang handle ng bag na hawak ko.

Halos gusto ko ring kainin na lang ako ng lupa noong kumalat lahat ng gamit ko sa sahig.

PUTANGINA.

Napapikit ako nang mariin dahil sa sabay-sabay na kamalasang nangyayari sa'kin ngayong araw. H

Hindi ko rin maiwasang maisip na baka karma ko 'to dahil maldita raw ako pero mabilis ko 'yun inalis sa isip ko at pinulot na lang lahat ng nahulog kong gamit kasama na rin ang sapatos kong nasira pala talaga.

I wanna shout so bad yet, I remained composed and just groaned in irritation silently.

I have no time for dramas and I'll make no time for one. Even though I was quickly denied in almost all of the publishing companies I applied for ay hindi ako susuko. I will just eat and pass another or find for another job na hindi related on editing and contract managing.

And so, I walked towards 7/11 with my bare foot, all without minding the stares I gathered for walking without wearing anything to cover my feet, my arms are also tautly clasping my bag in my chest, and I'm sure as hell that I look like a whole down wrecked of shit na parang may sampung anak ngayon.

I probably looked so fucking ugly right now pero hindi ko na lang 'yun pinansin at pumasok na lang sa 7/11 kasi gutom na gutom na talaga ako.

Pinili ko na lang din ang pinakaunang ramen cup na nakita ko atsaka nagbayad para sa mainit na tubig kasi nagsisimula na rin akong mahilo sa init.

"God." I whispered when I finally took a seat on the back part of the whole store. I also sighed heavily whilst relaxing my back on the headboard of the seat.

Boulevard to Polaris (Virago Series #1)Där berättelser lever. Upptäck nu