"I didn't mean to, Irina. I'm not choosing her over you. I didn't, alright?" Aniya.


"Hindi mo ginawa yun Chase pero yun yung pakiramdam ko kahapon. Yun pa rin ang pakiramdam ko hanggang ngayon!" Sagot ko sa kanya.


Huminto ang sasakyan ni Chase sa isang tabi at tinanggal niya ang seatbelt niya. Tinanggal niya rin ang akin saka siya humilig papalapit sa akin. Humawak siya sa braso ko at hinila ako papalapit para yakapin. Naiiyak ako. Para akong ewan dito na pilit inaaway si Chase. Ako nga ata talaga may problema dito pero yun kasi ang pakiramdam ko eh. Masakit kahit na hindi naman ako nadehado.


Kumbaga, mas masakit na sampal sa akin yung ginawa ni Chase kaysa sa literal na sampal ni Circe.


"I'm sorry, Jace. I promise that's it. I'm sorry. I love you." Aniya at hinalik-halikan ako sa buhok ko.


Napapikit ako. Parang binibiyak yung puso ko sa loob ko sa pagsosorry ni Chase. What happened to my cold, string-lover Chase? Bakit ka nanlambot sa akin ngayon?


"I love you, too." sagot ko. Humalik ulit siya sa noo ko saka ako binitawan. Sinuot niya sakin ang seatbelt ulit at ganoon rin siya sa seatbelt niya.


"Are we okay now?" Aniya habang nakangiti.


"Nope. Hintayin mo ko maging okay." Ani ko.


Natawa si Chase saka siya sumagot. "Sure, Irina." Aniya.


Nanatili kaming tahimik hanggang sa nakarating kami sa bahay. Medyo nagulat pa ko nang makita ko ang sasakyan namin na nasa may labas ng bahay. Akala ko nasa kumpanya sila eomma ngayon?


Nagtanggal ako ng seatbelt at inabot naman ni Chase sa likod ang bag ko. Hinalikan niya ko saglit sa labi saka siya nagsalita.


"I love you, Irina." Aniya habang nakangiti.


Sinubukan kong ngumiti saka ako sumagot. "I love you too, Chase." Ani ko.


Bumaba ako ng sasakyan ni Chase saka siya umalis. Saktong pagka-alis ni Chase ay papasok si eomma kaya niyakap ko siya. Nagulat pa siya nang yakapin ko siya at halikan sa pisngi.


"Hi, Irina. Hinatid ka ni Chase?" Ani eomma na tinanguan ko. Humalik si eomma sa noo ko saka ako bumitaw.


Sabay kaming pumasok ni eomma sa bahay. Nilagay ko muna sa sofa namin ang bag ko at umupo ako doon. "Saan kayo galing eomma? Imposibleng sa kumpanya kayo galing kasi ang aga pa." Ani ko at nagtanggal ng sapatos at coat.


"Actually galing nga kami sa kumpanya. Kinausap ni appa mo si tito Eli mo at kinausap ko naman si tita Irene mo." Aniya at bumalik na may dalang baso ng tubig.


"Si appa? Saka bakit, eomma? Hindi na uso cellphone sa inyo?" Tanong ko.

Natawa si eomma sa sinabi ko saka niya inabot sakin ang tubig para painumin.


"May meeting si appa mo sa kumpanya nila. May meeting rin naman kami ni Irene sa A Corp. kaya ayun." Aniya at nagkibit balikat.


Tumango ako at inubos ang tubig sa baso. Kinuha naman sakin ni eomma yun pagkatapos kaya't dala ang marumi kong damit at bag, pumanhik na ko sa kwarto ko. Nagpalit ako ng damit at nilagay sa hamper ang marumi kong uniform. Lumabas ako ng kwarto at kararating lang ni Zion at ni Ina.


Umakyat ng hagdan sila Ina habang ako naman ay nakatuon sa may rail kung saan kita mula rito ang lawak ng living room namin. Mabilis na nakapag-bihis si Ina dahil tumabi agad siya sakin at sumandal sa may rail.


"Ayos ka lang kambal?" Tanong nito sakin.


Ngumiwi ako sa tanong niya saka ako sumagot. "Oo naman. Ba't hindi?" Tanong ko rito.


"Baka nakakalimutan mo kambal, kahit na sinabi nila appa ang date ng pag-alis natin may parte sa kanila na hindi talaga natutupad ang date na yun." Sagot niya sakin.


"Alam ko naman yun, kambal. Ano ba kasi gusto mo iparating?" Ani ko at nagkamot ng ulo.


Nabatukan ako ni Ina dahil doon kaya inirapan ko siya. "Hanggang kailan ka ba mag-iinarte kay Chase? Irina, hanggang maaga at hangga't maaari sabihin mo kay Chase ang tungkol dito. Hindi biro ang gusto nila eomma. May karapatang malaman ni Chase ang tungkol dito kasi relasyon niyo pinag-uusapan dito." Ani Ina sakin.


"Sasabihin ko rin naman kay Chase." Sagot ko sa kanya


"Kailan nga? Irina, tick tock tick tock. Time is moving fast kambal and the next thing you know? Paggising ni Chase, wala ka na. Para mo na ring ginawa sa kanya ang ginawa ni Circe noon. You can't do that. You shouldn't." Ani Ina at tinapik ako sa balikat saka siya bumaba ng hagdan.


Natigilan ako sa sinabi ni Ina. Kung kanina puro inis ang nasa isip ko, saka naman ako binalutan ng kaba sa buong katawan ko. Parang gusto kong tumakbo papunta kay Chase. Gusto kong sabihin agad sa kanya sa personal dahil kung sa tawag lang kami mag-uusap hindi kami magkakaintindihan. I hope Chase understands. Sana lang kasi hindi ako katulad ni Circe. I'm not gonna do the same damn thing she did. Hindi ko kayang saktan si Chase ng ganoon.

Nothing But StringsNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ