Gusto kong malaman yung pinag-uusapan nila kaso mukhang seryoso. Sabagay, may karapatan naman magkaroon ng sekreto ang mga lalaki.
Napalingon si Jacob sa kinatatayuan ko kaya ngumiti siya at kinawayan ako. I smiled back at kumaway pero nagseryoso din ako bigla nang lingunin rin ako ni Chase. Nagtaas siya ng kamay na parang sinasabi na wait lang at kinausap niya ulit si Jacob.
Nilingon siya ni Jacob at nagsalita ito saglit. Tumango na si Chase at nagtawanan sila saglit. Nagpaalam si Jacob at kinawayan ulit ako kaya ngumiti ako sa kanya. Lumapit si Chase sakin na natatawa pa at umiiling. Kinuha niya sakin ang bag ko at pinadausdos ang kamay sa baywang ko. Bumaba kami ni Chase ng second floor at papunta na sa parking lot nang magsalita siya.
"Is Ina coming with you?" Tanong niya sakin.
Umiling ako na tinanguan niya. "I'm going to drive you home." Aniya. Hindi na ko nagsalita. Gusto niya yan, pagbigyan.
Dumiretso kami sa sasakyan niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto sa passenger seat kaya pumasok ako at siya na ang nagsara ng pinto. Nilagay niya sa backseat ang bag ko saka niya sinara ang pinto rin sa backseat. Pumunta siya sa driver's seat at sumakay. Sinalpak niya ang susi at inistart ang makina ng sasakyan. Tumingin ako sa labas at saka ko naramdaman ang pag-atras ng sasakyan ni Chase.
Habang nasa biyahe kami ay bumuntong hininga si Chase saka siya nagsalita.
"Okay, I can't take this silence anymore Irina. Can you tell me now what's wrong?" Tanong niya sakin.
"Nagsisisi ka na ba?" Tanong ko at nilingon siya.
"Babe, it's not right to answer my question with another question. Answer properly and no, I don't need to regret anything, Jace. I told you I need to talk to her for a minute." Aniya.
"Yeah, for a minute! Tapos kayong dalawa lang. Sana sinama mo na lang ako para hindi ako napahiya doon, hindi ba?" Ani ko.
Tumikhim si Chase at halata sa mukha niya ang pagiginig kalmado pa rin kahit na naghyhysterical na ko dito sa loob-looban ko. Bwiset na talk alone yan!
"I didn't ask you to come because you're just going to argue with each other, okay? Honestly, you hate each other because of me but I did asked you to bear with me, Jace. Did you bear with me?" Tanong niya sakin.
"Pinagdududahan mo ba kong wala akong tiwala sa mga ginagawa mo?" Tanong ko rito na may kunot sa noo ko.
"See? I didn't even said that." Aniya at hininto ang sasakyan dahil sa traffic light. "Look Jace, I'm just asking you. Can you stop answering me annoyingly? I don't want to argue with you, babe. Please let's not argue. I'm asking you, answer calmly." Dagdag niya saka umandar ulit ang sasakyan.
"Naiinis kasi ako Chase!" Frustrated na sagot ko. "Alam mo ba ang pakiramdam na parang mas pinili mo pa siyang ilayo sa mata ng lahat kaysa sa sariling girlfriend mo? Chase, I feel left out! Nakakahiya kasi ako yung girlfriend mo pero yung ex mo yung iniligtas mo sa kahihiyan!" Ani ko at napasuklay sa buhok ko.
YOU ARE READING
Nothing But Strings
Teen FictionBridge. Tuning pegs. Fret. Rosette. All of these are a part of a stringed instrument. Simula ng mapangiti ko siya, mapatawa, I started falling for this guy. Chase is the kind of guy that doesn't like holding someone's hand, not even mine except his...
Chapter 23
Start from the beginning
