40 - Correctional

52 2 1
                                    

Ang aga aga pa pero rinig na sa buong sitio ang boses ni Yumi.

"Ma,Pa" bungad ni Yumi pagbukas niya sa kwarto ng mga ito.

"Ano na bang oras at bakit ang ingay ingay mo ha" pagrereklamo ni Perla.

Sinipat niya ang orasan sa tabi. Mag alas siete pa lang.

Hindi kaagad nakakatulog sa gabi ang mga magulang nila sa pag-aalala kay Maia kaya malelate sila magising sa umaga.

"Si Maia, dadalhil nila sa correctional."

"Ano?"

Agad na bumangon ang dalawa at tyaka mabilis na nagbihis.

"Bakit gaanoon, hindi pa tapos ang paglilitis sa kanya" pagrereklamo ni Perla

"Hindi ko rin alam kaya huwag kang tanong ng tanong."ani Galvo

Paalis pa lang ang sasakyan ng pulis ng dumating sila

Hinarang sila ng mga pulis.

"Anako ko si Maia, saan nyo siya dadalhin?" tanong ni Perla

"Ililipat namin siya sa correctional"

"Bakit ganoon eh hindi pa tapos ang paglilitis ah"

"kami ay sumusunod lamang sa utos sa itaas, ma'am"

"Galvo tawagan mo ang abogado"

Umandar na ang sasakyan

"Sandali, teka lang naman.... Anak" nakahawak sa railing si Perla.

Maliliit ang butas sa bintana. Halos hindi nila siya makita.

"Anak, pupuntahan ka namin don, huwag kang mag-alala" ani Galvo

Inawat na ni Yumi ang ina baka makaladkad pa ito pag hindi siya bumitaw sa pagkakahawak sa bintana.

Nang makaalis ay sinundan nila iyon.

"Ang tibay ng mga yan, nakasunod pa rin hanggang dito"

"Syempre anak nila yan. Ikaw ba hindi mo gagawin yan?"

"Syempre gagawin baka nga sumama pa ako sa loob ng sasakyan"

Hanggang labas ng gate lang ang pwede sila. Pinanonood nila ang pagpasok sa kanya doon.

Habang papasok ay abot ang kaba sa kanyang dibdib.

Humugot ito ng malalim na hininga.

(Naalala ang sinabi ng abogado sa kanya kung sakaling irequest ng kabilang kampo na ilipat siya sa correctional. Huwag siyang magpakita ng takot dahil iyon ang gustong gusto ng mga inmates. Kailangan niyang maging matigas ng may pag-iingat)

Bawat hakbang niya ay nakatingin ang mga babaeng nasa kanya kanyang silda.

Nakakapang ngilabot ang mga matang ipinukol sa kanya.

"Andito na tayo."

Inalis ng pulis ang posas sa kanyang kamay. Binuksan nila ang pintuan ng isang silda.

Dalawang double deck lang ang meron.

May babaeng mataba ang nakahiga sa ilalim. Nakaupo naman sa itaas babaeng may pilat sa kanyang pisngi.

Sa kabila siya nagpunta, sa itaas ay may nakahiga pero nakatingin sa kanya kaya sa ilalim niya nilagay ang kanyang mga gamit.

"Anong kasalanan mo?" tanong ng mataba

"wala" tipid niyang sabi

Bumangon ang mataba at ngumisi. "Wala?"

"napagbintangan" nakahawak ito ng mahigpit sa kanyang gamit.

Stealing Wife[completed]Where stories live. Discover now