Tinanggap ko 'yong mga damit na binigay ni Ico at tipid siyang nginitian. "Salamat. Bihis lang ako."

"You can change here. I'll wait for you, then we'll talk."

His deep soulful eyes pierced through me again. Ano ba 'yan. Lagi na lang ba akong matitigilan kapag nagkakatitigan kami? Iyong mga mata niya kasi, e. Parang lalamunin ako ng buo sa sobrang lalim.

Sobrang laki ng damit niya para sa akin pero ayos lang din naman. Matapos magbihis ay naghilamos muna ako. Ginamit ko pa 'yong skincare products niya. Simple lang 'yon. Facial cleanser lang 'tsaka toner. Ito pala sikreto ng poreless niyang mukha? Napangiti ako sa isipan. Pati face towel niya ginamit ko na rin. Lahat ng nasa CR niya, ang bango.

Pagkalabas ko ay agad ko siyang nakitang nakaupo sa paanan ng kama, suot pa rin ang kaniyang itim na pants, gray na dress shirt, at sapatos. Napagtanto kong nagpagupit siya. Medyo malinis at freshly cut kasi 'yon sa side part. Ico was doing a manspread with his legs. When our eyes locked, he tapped his thigh, as if telling me to sit there. Napalunok ako bago naglakad.

"You smell good," he said in a low tone.

Nakaupo na ako sa hita niya ngayon. Muluwag niya akong hinagkan, tama lang para makulong sa bisig niya. He sniffed my neck a bit. Nakikiliti ako dahil sa pagtama ng mainit niyang hininga roon.

"Ico," I complained because it already tickles.

"I like my scent all over you."

Napanguso ako. Para akong batang inaalu sa posisyon namin ngayon. It made my heart swell in a different kind of happiness — the kind that is pure and innocent. Is this because of the liquor? I felt like I was suddenly disarmed and vulnerable inside his arms. Ganito pala ang pakiramdam kapag hinayaan ko ang sariling sumuko... at tumanggap ng pagsuyo.

"You're so soft. Do you know that?" he asked in a tender, loving voice. Parang siya iyong lasing sa aming dalawa.

"Ano nang pag-uusapan natin?" tanong ko na dahil mukhang wala siyang balak magsimula.

He pursed his lips a bit before sighing. Halos magkalebel ang mga mata namin dahil nakapatong ako sa hita niya. He was still a bit taller, though. 

"I'm sorry," he said. 

Tinaasan ko siya ng kilay. "Sorry dahil?"

"I was impatient. I only realized it after our argument. I should've honored your offer because, after all, I'm the one pursuing you. I'm the one knocking on your door. I should have just taken whatever you could give."

Bumuntong-hininga siya ulit at saka inipit ang ilang tikwas na buhok sa likod ng aking tenga. His lips were so red and pouty. I've always felt seduced by it. Medyo may indent sa gitna iyong pang-ibaba niyang labi. I wanted to flatten it so badly... kiss it so passionately... 

But before that...

"No, Ico." I smiled at him and shook my head. "I shouldn't have offered you that in the first place. Sa totoo lang, sa ngayon, hindi pa rin ako handa. I know I still have to work on myself first. Just give me a little more time..."

I also couldn't wait to let him in, but there is a process to this. Hindi pwedeng padalos-dalos lang kami. We should at least spend more time together. Kilalanin muna ang mga pagbabago ng isa't-isa bago magsimula muli.

Marami nang taon ang nasayang, pero marami ring taon ang naghihintay sa amin. We were not running out of time, so there was no need to rush. Ilang beses na akong nagdusa dahil lang 'di ako marunong maghintay. 

"I'm sorry," I said softly. I cupped his face with my right hand and looked at him. "I always use your words against me. Kahit iyong mga sinabi mo limang taon na ang nakalipas. It seems like I never chose to forgive... and forget. Kahit na humingi ka na ng paumanhin sa akin noon, dala-dala ko pa rin iyong sakit hanggang ngayon."

Bad Times at Sunrise (La Fortuna Series #3)Where stories live. Discover now