"Oh, they're here na?" gulat namang sabi ni Felix at nilingon nila ang pinto ng bahay nila at doon nga nila nakita ang mga magulang nila na nag-uusap, kasama din ng mga ito si Jazley.

"Hey, guys. Anong pinag-uusapan niyo?" tanong na ni Shawn at naglakad palapit sa tatlo na ginawa rin ng dalawa niyang kapatid.

"Talking about your sister, boys and to our plans." sagot ng Daddy nila na ikinatango lang nila.

"I thought next week ka pa ulit babalik dito?" Vaxton said to Jazley.

"Akala ko din, but may mahalaga lang akong dapat na idiscuss sa inyo kaya inagahan ko ngayon." sabi din naman ni Jazley.

Napag-usapan na nilang lahat na okay lang kay Jazley na kunin nila si Dhianne kay Jazley balang araw. Masaya naman sila para doon dahil hindi na sila mahihirapan pa.

Nakahinga sila nang maluwag nang madaling kausap si Jazley. Masaya talaga silang kay Jazley napunta ang kapatid nilang babae.

"Okay, kaya ba umuwe rin kayo nang maaga, Mom, Dad?" Vaxton asked and their parents just nodded.

"Hmm, wait. Tawagan ko lang si Dhianne, excuse me." Jazley said at tumango lang naman sila tsaka umalis si Jazley.

Maya-maya ay nagsalita si Dianna kaya napatingin sila dito. Nagulat pa nga sila sa sinabi nito.

"I don't know why, but I think he looks like me." Dianna said and bit her lower lip.

"Mom."

"Love."

Magkakasabay na sabi ng tatlong lalaki at ni Alfred. Napataas lang naman ang kilay ni Dianna.

"What? I'm just telling the truth. He really looks like me. Every time na tititig ako sa mukha niya ay nakikita ko ang sarili ko sa kaniya. Brown lang ang kulay ng mga mata niya. Hindi ko lang pinapansin dahil baka namamalikmata lang ako. And naaalala ko rin sa kaniya ang kuya Jazley niyo." mahabang sabi ni Dianna. Nalungkot pa sa huling sinabi dahil sa pagbanggit ng pangalan ng panganay niya.

"Love." nasabi na lang ng asawa ni Dianna na si Alfred at agad na inalo ang asawa nang maiyak na ito.

Ganito talaga ito sa tuwing mababanggit ang pangalan ng kuya nila. Kahit sila ay miss na ang kuya nila. At hindi sila makapaniwala na may kakaiba ring napapansin ang Mommy nila kay Jazley.

Magsasalita pa sana ang isa sa tatlong lalaking magkakapatid dahil sa napansin nito kay Jazley nang marinig na nila ang boses nito kaya hindi na nila natuloy.

"Ahm, what's happening here? Nawala lang ako saglit naiyak ka na, tita." napalingon sila kay Jazley na kakabalik lang.

Agad na pinunasan ni Dianna ang mga luha at tiningnan si Jazley na masayang nakangiting sa kaniya.

"It's nothing, Jazy. Nagdadrama lang kami. By the way, let's start na." sabi na lang ni Dianna sabay ngiti kay Jazley.

"Hmm, okay." Jazley said then tinanguan ang tatlong magkakapatid pati na rin si Alfred.

Sabay-sabay naman silang naglakad papunta sa opisina ni Alfred sa bahay nila para doon mag-usap-usap para makasigurado.

* * *

Tahimik na nagd-drawing si Dhianne sa may garden ng school nila nang may bigla na lang sumulpot na pusa sa harapan niya kaya natigil siya sa ginagawa at saglit na nilapag ang sketch book niya para kunin ang pusa.

Their Long Lost Sister Where stories live. Discover now