"Siya po yun, lagi ko siya nakikita na lumalabas ng warehouse ng mga alas siete ng gabi."

"Nakita mo ba na may kahinahinala sa kilos niya?"

"wala naman po, nagtataka lang ako na ginagabi siya ng paglabas doon at siya na huling tao na lumalabas sa oras na iyon"

Dalawang witness palpak agad.

Napaawang ang mga labi ni Maia ng makita ang babaeng nagpanggap na nanay niya.

"Nay?" sambit niya

Walang kibong lumingon ang babae.

Naluluha ito na tumingin dito.

"Ano ang relasyon mo sa mga nasasakdal?"

"Nagpanggap ako na nanay ni Solidad"

"Nagpanggap, bakit mo nagawa iyon?"

"Dala ng kagipitan. Nasa ospital ang anak ko kaya sa laki ng offer sa akin ni sir Emir. Hindi ako nagdalawang isip"

"Bakit kaya pinagpanggap?"

"Para may umalalay kay Solidad"

"Maaari mo bang ituro sa amin kung sino si Solidad at Emir na iyong binabanggit kanina pa"

Itinuro niya si Maia "Siya po si Silidad Byer" sunod na itinuro niya si Wyatt "Siya si Emir Valdimar"

"Sino ang nag utos sayo na magpanggap?"

"Si sir Emir Valdimar po"

Sunod na nagtanong ang abogado nila Maia

"Kung nasabi mong initusan ka para magpanggap, ibig sabihin lang nito na totoong walang maalala itong si Mrs Delano"

"Sugatan siya kaya kailangan niya ng aalalay sa kanya"

"Pero ang sabi mo nagpanggap kang nanay niya. Ibig sabihin na wala siyang maalala, tama ba?"

"Noong sinabi ko na ako ang nanay niya, naniwala agad siya"

"Ang sagot lamang ay oo o hindi. Uliting ko ang tanong. Walang malala si Maia Brigitte Salvacion kaya ikaw ay inalok ng malaking halaga para magpanggap bilang nanay niya, tama ba o hindi?"

Tumingin ito kay Suzana.

Pinaningkitan niya ito ng tingin.

"Basta inalok lang ako kaya ko tinaggap."

"Oo o hindi?"

"Oo ay hindi pala" naguguluhan na siya sa paulit ulit na tanong sa kanya.

Naiinis si Suzana dahil palpak ang tatlong witness.

Unang araw pa lang pumalya na.

"Nasasayang bayad ko sa mga palpak na yan" ani Suzana sa kausap sa selpon

"Kumuha ka ng medyo magaling galing hindi yung t*t*nga t*nga sumagot!"

Napapadyak ito sa pagkainis.

Lumingon ito, tinitignan kung may mga tao sa paligid.

Agad siyang bumalik sa loob. Nakita niya si Rusio.

Nagka salubong ang dalawang kampo.

"Araw nyo ngayon, may be next time hindi na kaya mag celebrate na kayo" ani Suzana

"Bakit nagmamadali ka, atat ka na va na maging Delano?" ani Yumi

"Shut up, hindi ikaw ang kausap ko"

"Pagsabihan mo yang babae mo Rusio na maghinay hinay sa pagsasalita" ani Perla

"Bakit ho, nasasaktan kayo. Truth hurts diba?" pang aasar ni Suzana

"Ang truth hurts isa kang kabit. Para kang linta na mahigpit ang kapit. Desperada!" sabat ni Shala

"Shala!" saway ni Galvo

"Huwag nyo na pag aksayahan ang mga taong yan, tara na" ani Perla

Dinilatan ng dalawa si Suzana.

Sinamaan naman niya ang dalawa.

Hindi man lang pinukulan ng tingin ni Maia ang asawa.

"Alam nyo, parang binayaran yung mga witness. Halata ang mga sagot. Scripted" ani Yumi

"Oo nga tapos taranta yung babae" ani Shala

Sinampal ni Maia si Wyatt.

Nabigla sila sa ginawa niya.

"Alam mo ba kung gaano kasakit na malaman mong ang inakala mo ng nanay isa palang bayaran. Wala kang kasing sama. Pinaglaruan mo ang buhay ko. Sinira mo ang buhay!" aniya

Doon na siya naiyak. "Awang awa ako sa anak ko, nahihiya ako sa kanya na makita niya akong naka posas, ang sakit sakit." humagolgol ito sa pag iyak

Naiyak ang dalawa sa awa sa kanilang bunsong kapatid.

Hindi nakapagsalita ang mag-asawang Salvacion.

Tumayo si Maia at dumiretso na sa kanyang silda.

Humiga siya nakatalikod. Tahimik na umiiyak.

Stealing Wife[completed]Where stories live. Discover now