Hindi ko na siya sinagot at nagtipa na lang ng reply kay Vixen.

Me:

Nakauwi ka na?

My phones beeped again when he replied. Inalis ko ang tunog ng Messenger app ko para hindi na ko nililingon ni Brielle sa tuwing tutunog iyon.

Cyprus Davidson:

No, I'm at my parents' house.

I guess he's not living with his parents, too.

Me:

You don't live with them? Naka-dorm ka rin ba? Or condo?

Tinanong ko na kahit sigurado naman ako na ang huli ang sagot niya. He's rich kaya he won't stay in a dormitory.

Cyprus Davidson:

Condo.

Me:

So, family dinner? Kaya ka nandiyan?

Cyprus Davidson:

Yes.

Ang ikli pa rin mag-reply! Paano ko ba 'to papahabain? Baka naman ayaw niya pala talaga akong ka-chat at napipilitan lang siya?

Me:

Okay! I'll chat you later na lang. Ayokong makaistorbo sa oras mo sa fam mo. Enjoy!

Gray circles appeared. Pinanood ko ang paglitaw at paglaho ng mga iyon. Umabot ng ilang minuto ang panonood ko doon bago ako matanggap ng reply mula sa kaniya.

Cyprus Davidson:

It's fine.

I can't help but giggle. Gusto niyang mag-chat pa kami! Hindi siya napipilitan lang!

So, we did. Magka-chat kami hanggang sa magpaalam siya na kakain na. Doon lang din kami kumain ng dinner ni Brielle. Pagkatapos naman, hindi na ako nag-chat pa ulit dahil naging abala ako sa panonood. I finished two movies that night habang si Brielle naman ay plate ang tinapos.

Sa sumunod naman na araw ay naging abala ako sa pag-rereview. Mula umaga hanggang hapon ay iyon ang inaatupag ko. Paano, may tatlong quizzes kami sa Lunes! Ayaw kong bumagsak na naman kaya nag-aral talaga ako.

Noong matapos sa pag-rereview, nakatulog ako. When I woke up, I ironed my uniforms after a shower.

"Hindi ka pa kumakain," si Brielle na kakagising lang after a nap. She was sleeping at her drafting table. Gumagawa siya ng plate kanina at nakaidlip. "I bought you food kaninang tulog ka."

"Thanks, Brie! Love you!"

Nilagay ko sa loob ng cabinet ang mga bagong plantsang damit saka kinain 'yong binili niya.

"Patapos ka na ba?" tinanong ko siya habang pinapanood siyang kinukulayan 'yong plate niya. She's using watercolor to paint.

Magaling siyang mag-drawing at magpinta. Hindi ko man nakikita ang mga gawang plates ng mga kaklase niya, sigurado naman akong mas maganda ang kaniya. She draws neatly and creatively. Iyon ang napupuna ko sa tuwing titingnan ko ang mga gawa niyang nakapaskil sa taas ng drafting table niya.

"One hour then I'm done, why?"

Uminom muna ako ng tubig bago sinagot ang tanong niya.

"You should sleep after that. Ilang oras lang ang tulog mo kanina."

"I will." She nodded before her attention was drawn back to her plate.

Inubos ko ang pagkain ko saka ko ginawa 'yong assignment namin sa isang minor subject.

Dazzled by Flames  (Flames Series #3)Where stories live. Discover now