BACHELOR PARTY

15.2K 121 21
                                    

Athena

"Mr. Dickson! Buntis ako!" sigaw ko sa gitna ng dalawang nagmamahalan. Wala akong ibang choice kun 'di gawin ito. Kailangan ko ang lalaking nag -speech ngayon sa gitna, kaharap ang babaeng sophisticated. Engagement party yata ang ganap ngayon pero pumasok lang ako ng walang pahintulot. Nakahanap ako ng palusot. Kung ano-ano na nga ang sinabi ko sa guard papasukin lang niya ako.

Si Hades Dickson ang ama ng dinadala ko at wala akong ibang paraan para mabuhay kami ng magiging anak ko. Siya lang makakatulong sa amin.

Seventeen pa lang ako at walang tumatanggap sa aking trabaho dahil under age lang ako at hindi pa ako nakatapos sa highschool. Naisip ko ang plano na ito para matulungan ako ng lalaking nakabuntis sa akin. Pagod na pagod na rin ako sa pagmamaltrato sa akin ng aking tiyahin at pinalayas pa nila ako. 

Nagkagulo sa labas ng mansion malapit sa swimming pool. Lahat sila ay nakatingin sa akin. Tsaka ko lang naisip na mali ang ginawa ko. Bakit ba kasi ako sumigaw? Kung pwede ko naman kausapin ng palihim ang lalaking nakabuntis sa akin?

Lahat sila ay hinihintay ang karugtong ng sasabihin ko.

"Excuse me, Miss! Sinisira mo lang ang engagement party ng anak ko!" sabi ng may katandaan na lalaki sa bandang kanan ko.

Pumikit ako para humugot ng lakas na loob "B-buntis po ako at siya ang ama!" Turo ko sa lalaking kaharap ang magandang babae. Ang ngiti nito ay napalitan ng pagtataka. Tumaas rin ang kilay niya.

Isang malutong na sampal mula sa babaeng maganda ang natanggap ng lalaki. Nandito na ako, nakagawa na ako ng kasalanan kaya tapusin ko na ang kasalanan kong ito. Wala sa plano kong sabihin ito sa gitna ng engagement party pero bigla na lang akong napasigaw. Dala siguro ng pagkagutom ko kaya nawala ako sa aking sarili. Tsaka nandito na rin ako.

Gumawa ako ng paraan para lang makapasok dito kaya hindi ko na palalampasin pa ang pagkakataon na ito. Buwis buhay akong pumasok kaya kahit nakakahiya at masaktan ko ang babaeng kaharap ng lalaking ama nitong dinadala ko ay nagawa ko pa rin. I'm so selfish. Selfish ba ako kung gusto kong maging maayos ang buhay ng magiging anak ko?

"How could you do this to me, Hades? How?" Isang sunod sunod na sampal ang natanggap ng  lalaki mula sa fiancee nito.

Ako naman ay napanganga. Guilty ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Hindi ko na dapat pa sinigaw iyon at sinabi sa publiko.

Tumakbo ang fiancee nito at tumigil sa aking harapan tsaka niya ako sinamaan ng tingin. "Magsama kayong dalawa!" sigaw nito sa aking pagmumukha.

"Lyka!" Hinabol naman ito ng lalaki pero tumigil rin ito sa aking harapan. Hindi ako makatingin sa kaniya dahil sa nagawa ko. Nasira ko ang kanilang engagement party.

"Masaya ka ba sa ginawa mo? You ruined the party! You ruined everything! I don't even know you! Sino ka ba? Paano kita mabubuntis kung hindi kita kilala?" pasinghal na tanong niya sa aking pagmumukha. Napapikit ako. Pagmulat ko wala na siya sa harapan ko. Tanaw ko ang pagtakbo niya at paghabol nito sa kaniyang fiancee.

Nandilim na lang bigla ang aking paningin. Mabuti na lang may biglang umalalay sa akin. "Are you alright?" Tanong sa akin ng magandang babae na medyo katandaan na. Hinaplos niya ang aking kamay. Nakaalalay pa rin siya sa akin.

Nahihilo ako at wala ng lakas para sagutin ang tanong niya. Hanggang sa dumilim ng tuluyan ang aking paningin.

"ATHENA, halika dito!" Kumaway sa akin si Iris. Nakasuot kami ng uniform ng hotel. Nakagawa ng paraan si Iris na makahiram ng uniform.  Dahil nag-gate-crash  kami sa  stag party ng kuya niya.

Nag-cutting classess kami para mag-gate crasher lang sa isang stag party. Para hindi kami mapansin, nagsuot kami ng hotel uniform. Nagkunwari kaming dalawa ni Iris na staff ng hotel.

Mr. Dickson's Hidden Wife [SPG]Where stories live. Discover now