Nagmartsa na ako papasok ng bar. Nakakainis kase mukhang mga susyal talaga yung mga tao sa loob. Naiilang ako. Pakiramdam ko, ibang iba ako sa kanila. Pakiramdam ko, they can all see right through me at nakikita nilang hindi ako nababagay sa mundo nila.

I shook my head in disgust. Ano ka ba naman Natalie? Hindi ‘to oras para magisip ka ng ganyan, focus, okay? Isa lang ang pakay mo sa lugar na ‘to. Si Caleb Damien Yung. Wala ka nang ibang iisipin kundi sya lang. Okay? Focus!

And so I paved my way through the bar.

Agad na hinanap ng mata ko ang taong pakay ko. Kung hindi lang super reliable ang nagchuchu sakin ng whereabouts ng Caleb na ‘yun, hindi ako maglalakas loob na dito s’ya hanapin. Pero dahil nga tiwala ako sa aking asset, heto na ‘ko.

Sa sobrang daming tao dito ay hindi ko talaga sya mahahanap. Pumikit ako nang mariin at pilit na inalala sa isip ko ang hitsura nya. He has this brown unruly hair, brown expressive eyes, eyebrows that seem to be always in one line, proud nose, and thin luscious lips. Hmmmm. He was goodlooking alright. Pero halos lahat naman yata ng tao sa lugar na ito ay masasabi kong good looking. I tsked as I try to commit his face to my memory.

Hindi ko alam kung sadyang nagpapatawa ang tadhana pero nang sandaling magmulat ako ng mata ay ang mukha n’ya ang una kong nakita. He was sitting alone in one corner, a bottle of alcohol in one hand and a shot glass in another. I gulped. Anak ng pusit, mas gwapo pala s’ya sa personal? Nakaramdam ako ng pangangatog ng binti nang makita ko sya. Oo, mas gwapo s’ya sa personal pero hindi lang ‘yun. He looks more intimidating in person. Not because he looked masungit, pero every inch of him is oozing with sex appeal and well, screaming RICH. Kinabahan ako. Kaya ko ba talaga? Magagawa ko ba?

Huminga ko ng malalim. Hindi ito ang oras para kabahan ako. Hindi pwedeng ngayon pa ko magback out dahil kaunti lang ang oras na meron ako.

Agad akong naglalakad papalapit sa kanya. Sakto namang napalingon sya sa direksyon ko and seeing that I was looking at him, his eyebrows raised in unison. Bigla lalo akong kinabahan.

Oh shit! Oh shit! Di ‘ko kaya!

Imbis na dumiretso sa kan’ya ay umiba ako nang direksyon. Papunta sa pinakadulo ng bar.

I gripped the edges of it and sat on the stool immediately. Natalie naman! Umayos ka! Naduwag ka naman agad? Para san pa't nageffort kang magdamit ng ganyan kung magiinarte ka? Get a grip, please?

Kinawayan ko yung bartender. Oorder na muna ako ng alak, sabi kase nila, pag nakainom ka, nawawala yung inhibitions mo, nagiging mas makapal ang mukha mo at nagiging malakas ang loob mo.

Okay, I need this right now.

Actually, hindi ko naman first time na uminom. Nakatikim na din ako ng beer pero konti lang, kapag trip lang ng bestfriend kong si Libby. ‘Yun ay pag sawa na sya sa pakikipagsusyalan sa mundo ng modeling. Bumabalik s’ya sa’kin para ipaalala sa sarili nya kung sino talaga sya. Anyway, ako nandito para isipin ang best friend kong model, nandito ako para sa isang misyon na magpapabalik sa normal kong buhay.

I tried to compose myself as the bartender came towards me. Kailangan kong umakto na parang matagal na akong dumadayo sa ganitong lugar kahit pa sa loob loob ko ay ilang na ilang ako.

"Drinks, my lady?" nakangiting bati sa’kin ng matipunong bartender.

Oh la la! Ang pogi naman n’ya! Kamuntikan pang mahulog ang panga ko nang sipatin ko ang simpatico niyang mukha. May hawig s’ya dun sa bida sa pelikulang The Vow at Magic Mike. Shucks! Kasing sexy din kaya ng kay Channing Tatum ang puwet n’ya?

Namula ang pisngi ko sa sarili kong isipin. At sa lahat talaga ng parte ng katawan ay ang puwitan ni Channing Tatum ang naisip mo? Magtigil ka nga! Akala ko ba Maria Clara ang peg mo?

Steal thy heart (PUBLISHED BY BOOKWARE)Where stories live. Discover now