Chapter 1

145K 1.3K 124
                                    

Natalie

"Miss, saan ka nga papunta?"

I shot a dirty look at the cab driver through the rearview mirror. Pambihira! Kanina ko pa sinabi sa kan’ya na ihatid ako sa Remix bar. Bingengot ba ‘to?

"Manong, sinabi ko na ho sa inyo, sa Remix bar, sa Makati ho ‘yun! Ano ho bang parte ng Remix bar ang hindi nyo maintindihan nang maeksplika ko ho? Eh kung hindi nyo naman pala alam yung lugar, sana sinabi n’o ho kanina pa, para nakahanap ako ng ibang taxi." kandairap ako. Mas lalo ko pang ikinainis ang nakita kong malisyosong tingin nya sakin mula sa salamin.

Uhg! Kung hindi ka ba naman kase sira, Natalie! Bakit ka nagsuot ng pagkaikli ikling damit na ‘yan? Alam mo naman na hindi mo forte ang pagpapasexy!

But, I need to do this. Hindi magtatagumpay ang misyon ko kung hindi ako mageeffort. Ngayong gabi ko lang naman gagawin ito, pag nakuha ko na ang gusto ko, balik nanaman ako sa pagiging Manang Natalie ko.

I sighed.

Oo, manang talaga ‘ko kung pumorma. Not in the sense na puro saya ang suot. Pero conservative ako, ika nga nila, dalagang pilipina! Ni hindi ko nga magawang magsuot ng masikip na jeans eh. Not that I do not have the body, because I do! I swear, I do! Kaya nga hindi magkamayaw itong matandang hukluban na driver na ‘to sa kasisilip sa legs ko. Napairap nanaman ako at ipinatong ko ang maliit na purse ko na hiniram ko pa sa bestfriend kong si Libby. Halos wala rin namang natakpan sa legs ko pero maigi na ‘to, kesa wala.

Anyway, back to the topic. May katawan naman talaga ‘ko, hindi ko lang ugali na ipangalandakan ‘yun. Mas komportable akong magsuot ng baggy jeans. Lalo na’t sa propesyon ko, hindi mo naman kailangan na maging maganda o sexy. Basta maganda ang gawa mo, okay na. Kiber kung mukha akong mabaho at marungis. Diba ganun naman kadalasan ang mga artists? Mga eccentric?

Nabanggit ko narin lang naman, oo, isa kong artist. To be exact, pintor ako.

Hindi nga lang ako bigtime. SA NGAYON. Dahil naniniwala akong balang araw, sisikat din ako. Hindi pa nga lang sa ngayon.

Napailing ako at nagconcentrate na lang sa pagtingin sa daan na tinatahak ng taxi na sinakyan ko.

So, now maybe you’re asking kung anong misyon ko? Na artist naman pala ko, pero bakit ako nakaayos na parang bayarang babae? Mamaya malalaman nyo pag nakarating tayo sa Bar na sinasabi ko. I crossed my fingers and prayed that I would see him there. Kundi, malamang extended ang Natalie, bimbo version.

Maya maya ay natanawan ko na ang bar na pupuntahan ko. Inihinto ni manong driver ang taxi sa halos tapat nito, nagbayad lang ako at agad nang bumaba. Hindi pa ko nakakalayo ay narinig kong sinipulan ako ng bastos na mama.

Aba’t—! Nakakapikon na talaga!

Hindi ako sanay na binabastos ako. Mas sanay ako na ilag ang mga lalaki sa’kin, o mga lalaki lang ba? Fine! Pati mga babae. Dahil may pagka wirdo nga ako. Iniiwasan nila ako, kung hindi naman ay umaakto sila na parang hindi ako nakikita o nageexist sa mundong ibabaw.

First time kong mapansin. Pero kung ang ibig sabihin ng mapansin ay mabastos at pag nasahan ng hukluban na ito ay di bale na! Mas mamatamisin ko pang maging invisible na lang habang buhay!

Nakakita ako ng malaking bato sa gilid ng daan at kaagad na dinampot yun. Pagkatapos ay binalikan ko ang bastos na taxi driver at inamba rito ang hawak ko. "Ang tanda nyo na ho, nagagawa nyo pang mambastos!" nakita kong dali dali na inistart nitong muli ang taxi. "Maghanap ho kayo ng ibang babastusin nyo!" pahabol ko habang papalayo ito.

Bwisit na ‘yon! Hinagis ko ang bato sa kung saan saka ko inayos ang bahagyang nagulong buhok.

Ugh! Nakakaasar talaga!

Steal thy heart (PUBLISHED BY BOOKWARE)Where stories live. Discover now