Ika-1 Pahina

11 1 0
                                    

“Saan ka galing?” tanong ko sa aking bunsong kapatid na ngayon kauuwi lang galing sa galaan.

“Pumunta lang kala Vincent,” walang modo nitong sagot at nilampasan ako.

Sa inis ko napasabunot na lang ako sa buhok at inirapan siya kahit na nakatalikod. Inis akong pumunta sa kuwarto at nagsimula na mag-impake dahil pupunta ako sa probinsya ngayon biyernes. Inutusan kasi ako ni Mama na pumunta kala lola dahil wala nag-aalaga rito dahil nga disyembre ngayon malamang magbabakasyon muna ang nag-aalaga kay lola.

Nakalipas na rin ang buwan nang nangyari ang paglabas ng mga grado namin at ayos pa rin naman sa akin at ganoon pa rin si Stevan.

“Ateee!!” hindi ko siya pinansin at nag-impake lang ako. Kinuha ko 'yong mga importante sa akin lalo na ang mga libro dahil puwede ako roon mag-aral dahil matiwasay ang lugar doon walang gulo o ingay kahit ano dahil nga ayos lang naman doon probinsya 'yon.

Ang bahay nila lola ay sakto lang ang mga paligid nito at puro puno, madamo sa harap ng bahay at may mga batu-bato sa gilid doon, kapag dumungaw ka sa bintana mapapa-wow at relax ka na lang sa makikita mo roon dahil puno ng bulaklak na iba't-iba ang kulay at anggulo ng mga bulaklak.

“Ateee!! 'Yong assignment ko!” jusko pati ba naman assignment sa akin din? Gulong-gulo na nga ako sa mga aaralin ko pa.

Bahala siya! Tutal aalis naman ako hehehe mamamayapa muna ang buhay ko sa probinsya ayos lang kung aalagaan ko si lola hindi naman mabigat para sa akin 'yon basta nakakapag-aral ako ayos lang. Hinila ko 'yong maleta ko at lumabas sa kuwarto ko, bumungad sa akin ang kapatid kong na hang sa ere ang kamay niya dahil sa kakatok niya sa pinto ng kuwarto ko.

“Aalis ako, ikaw magsagot ng assignment mo. Hindi puwede parati ang asa sa akin, Stevan.” Nilampasan ko siya habang hila-hila ang maleta ko na naglalaman ng napakarami na gamit at dala ko rin ang slim bag ko na may mp3, cellphone at iba pa na magkakasiya rito.

“Pero, Ate, ang hirap nito!” pagmamaktol niya kaya naman hinarap ko siya at bagod ko lang siyang tiningnan.

“Stevan Serantes, are you dump? assignment lang 'yan! Use your brain okay? Hindi puro asa ka na lang sa may utak pa sa 'yo. Okay lang naman na magpasagot ka pero dapat iniintindi mo, maayos? Papaano kapag tinanong ka? Tutunganga ka lang? Umayos ka nga, Stevan! You're a damn eleven years old grade six student!” pagsinghal kong sermon sa kaniya.

Kasi naman lagi na lang sa akin pinapasagot naaawa naman ako hindi niya sinasagutan pero ngayon hindi na! Puro lakwatsa na lang siya kung may nagagawa ang pagiging lakwatsero niya ay matutuwa pa ako at sasagutan ang lahat ng assignment niya kahit maglakad pa siya papuntang mars.

“Susumbong kita kay Mama!” As if naman natatakot ako.

“Edi magsumbong ka!” inis kong sambit at lumabas na sa bahay. Sakto lang ang bahay namin may business trip sila mama at papa, si Alexa naman ay nasa bahay lang nila hindi nalabas 'yon parehas kami. Puro nood at aral lang 'yon siya nga pala ang top five student namin sa classroom.

Kahit gano'n 'yon si Alexa nakakapasok pa rin sa top 10th student.

Ngayon ay Disyembre mabilis lumipas ang mga araw katulad na lang ang pag-iwan niya sa akin. Joke ang iniisip ko kasi baka naiwan ko ang isang libo ko pero napamili ko pala ng mga supplies. Weird man pero ako ito iyong taong kapag nakakita na magagandang gamit---I mean supplies iyong pang school? Mga hindi naman ginagamit na aakit ako tapos binibili ko kahit mahal basta subrang ganda. Katulad na lang ng Diary simple lang siya pero maganda pa rin sa paningin ko inaamoy ko pa nga 'yon mga pahina non lalo na ang mga aklat na nasa lagayan ng libro ko.

May dala akong dalawang libo. Ganon naman sila mama bibigyan ako ng dalawa libo kapag aalis sa lugar namin kapag papasok naman sa eskuwela isang libo lang.

MH: Crying Out Loud (COMPLETED) under PaperInk P.BWhere stories live. Discover now