Chapter 37

2.6K 64 5
                                    

Habang nagmamaneho si Jax ng sasakyan papuntang reception ay hindi niya maiwasang mapangiti habang hawak ang isang kamay ni Brielle at ang isa ay nasa manebela. Napapatingin ito kay Brielle na nasa harap lang ng daan ang tingin.

"Anung iniisip mo?"tanung nito na kinalingon ni Brielle sa kanya.

"Wala, masaya lang ako na sa dami ng pinagdaanan natin, eto tayo ngayon magkasama at masaya."wika nito at ngumiti. Inilapit nito ang kamay ni Brielle sa kanyang bibig at hinalikan.

"Because we have each other. Because we love each other. Kaya kahit ano pang pagsubok ang dumating sa atin, malalagpasan natin ng magkasama."

"I love you, Mr. Delpierro, asawa ko"masayang wika dito ni Brielle

"I love you too, Mrs. Delpierro, bebe koh, mahal ko, asawa ko."sagot nito. At biglang tinigil ang sasakyan sa gilid ng daan. Tinanggal nito ang suot na seatbelt. Nagtataka naman si Brielle sa ginawa nito.

Pero bago pa siya makapag salita ay ginawaran na siya ni Jax ng isang masuyong halik sa mga labi.

"Wag na kaya tayong pumunta sa reception. Deretso na tayo sa honeymoon"nakangising wika nito ng maghiwalay ang kanilang mga labi.

Pinalo nito sa braso si Jax."tumigil ka nga, maghintay ka masyado kang atat."natatawang wika niya pero at the same time ay namumula na ang mukha at napakagat sa ibabang labi nito.

Napakamot nalang sa batok si Jax at muling pinaandar ang makina ng sasakyan at nag drive papuntang reception.

Pagdating ng reception ay agad silang sinalubong ng mga bisita. Masaya silang binati ng mga ito.

Nagkaruon lang ng kaunting programa. Nagkaroon ng isang number ang kapatid nitong si Jex na magaling palang kumanta. Namangha ang lahat ng kumanta ito pati si Brielle namangha dito na kina simangot ni Jax.  Nagbigay din  ng mensahi at pabati ang mga malalapit nilang kamag-anak at kaibigan. Hanggang sa matapos ang pagdiriwang at napagdisisyonan nilang pumunta na sa resort sa taas ng bundok sakay ng helicopter.

.
.
.
.

Nakatayo ngayon si Brielle sa gilid ng pinto habang nakatingin kay Jax na naka-upo sa couch habang may sinusulat na kung ano sa isang bondpaper. Nilapitan niya ito at naupo sa tabi niya.

"Ano yan?"nakakunot noong tanung nito habang nakatingin sa papel.

"Sign"simpling wika nito habang nakatuon padin ang tingin sa sinusulat.

"Anung gagawin mo diyan?"

"Ilalagay ko sa labas ng pinto ng kwarto natin"

Nagtaka ito."bakit naman?"

"Para walang isturbong magaganap kapag inangkin kita."deritsang wika nito. Biglang namula ang mukha ni Brielle dahil sa sinabi niya.

"Ayan, tapos na"kuntentong wika nito ng matapos ang sinusulat.

"Just got married! Don't interrupt!"pagbasa nito sa nakasulat. Biglang natawa dito si Brielle.

"Sino naman ang mang iisturbo sayo dito sa taas ng bundok?"natatawang kumento nito na kinangisi ni Jax.

"Naninigurado lang. At talagang walang mang-iisturbo sa atin dito. Ikaw lang at ako. Tayong dalawa lang, buong magdamag. Bukas at sa susunod pang mga araw."

Napalunok si Brielle at napapaatras habang papalapit naman sa kanya si Jax na may panunuksong mga ngiti sa  labi. Hahalikan na sana ito ni Jax ng iharang niya ang kamay sa mukha nito para pigilan siya.

"M-ma...ehemm, maliligo lang ako."wika nito sabay takbo sa banyo at sinara ang pinto.

Natatawang kinatok ito ni Jax sa loob."sabay na tayo, asawa ko"

I Am His Private NurseOnde as histórias ganham vida. Descobre agora