OUAD - Prince

2 0 0
                                        

"Ano ba Jaz.. shh." Naihampas ko iyong hawak kong libro sa kaibigan ko. Masyado syang madaldal. Nahahalata na ata kami.

Yumuko muli ako at tinapat ang hawak kong magazine at sinilip ang kinapwe-pwestuhan nila.

Nandoon pa rin sila Prince sa pwesto ng iba't ibang design ng mga eyeglasses at shades.. Pinagti-tripan nila yon at magtatawanan.

Napangiti ako ng makitang tawang tawa si Prince sa mga kaibigan nya. Yung mga reaksyon nyang nagiging reaksyon ko din.

"Sus, kire." Binatukan pa ako ni Jaz habang napapangiwi sa akin.

"Shut up." Inirapan ko sya. "Parang hindi ka nag-iinarte pag nandyan boyfriend mo." Muli ko syang inirapan.

Awtomatikong ngumisi ang babaeng to nang sabihin ko iyon.

"Eh boyfriend ko eh." Nagkibit balikat pa sya at binelatan ako. Whatever. Ibinalik ko iyong magazine sa lalagyan nya.

It was a coincidence na naggagala kami ng kaibigan ko dito sa mall nang makita din namin dito sina Prince.

Prince Kent. He has this charm na nakakaattract. I don't know. Na kahit na hindi mo sya gusto e mapapatitig ka sakanya once na mapatingin ka sa kanya.

And the crazy me ay eto tch, Isa sa mga babaeng naattract ng charm nya.

Napatulala ako nang makita kong isinuot ni Prince yung eyeglasses and seryosong tinignan ang itsura nya sa salamin. Shet, It suits him. Suplado type.

Napisil ko ang braso ng katabi kong si Jaz. "Takte. Ang gwapo nya. Ihhh.." Impit kong sigaw.

"Ano ba!" Inirapan ako ni Jaz at nagtuloy sa paghalungkat ng mga damit na naka-display.

Hindi ko sya pinansin at ngiting ngiti pa rin ang itsura ko.

I know nagmumukha na kong baliw dito. But this is normal right?

Matutuwa ka kapag nakikita mong masaya ang taong gusto mo.

I was staring at him nang mapatingin sya sa pwesto ko and caught me gazing.

Mabilis ang naging reaksyon kong pagkurap at pag-iwas ng tingin.

Shet, nakakahiya.

Tumalikod ako at nagkunwaring naghahanap ng damit.

"Look at this Brits. Ang cute no?" Pinakita sa akin ni Jaz ang isang loose shirt na may caption na 'I Caught You'.

Napalunok ako. Oo nga, he caught me.

Nabatukan ko ang sarili ko. Engot eh. "Baliw." Narinig kong bulong ni Jaz.

But then, omg nagkatinginan kame. Kahit 2 seconds lang yun e kilig na kilig na ko.

His eyes at ang magulo't nakabagsak nyang buhok. Ang pogi.

Pinanggigilan ko si Jaz dahil sa kilig.

"Nagkatinginan kami." Ngiting ngiti kong saad.

Tinaasan nya ko ng kilay at tumingin sa pwesto nila Prince.

Wala na sila dun.

"Baka napatingin lang." Sinimangutan ko sya.

Tuloy pa rin sya sa pagpili ng damit.

"Tss."

Hinayaan ko na sya dun at naghanap din ako ng bibilhin.

Napunta ako sa pwesto ng mga bracelets at naisipan kong bumili ng isa dun.

Not for me.. Ibibigay ko kay Prince.

Hibang na nga ata ako.

Hindi ko nga alam kung pano ko ibibigay yon.

We're not close. Just.. schoolmates. I know him. He don't know me.

I know he exists but I'm sure he doesn't.

Normal lang naman ang gantong situation.

Na 'She likes someone who she ain't sure if he knew that she exists.'

Once Upon A DreamWhere stories live. Discover now