"Ehem.. don't tell me ang ninakaw ko sayo ay first kiss mo?Kaya pala galit na galit ka sa akin ng gabing iyon, ano?
Alam mo dapat maging proud ka dahil sa isang tulad ko na gwapo at macho plus na ang ibang mga katangian ko ang naunang kumuha ng kiss mo.Aba madaming mga babae ang gusto ako mahalikan maswerte ka nga at napagbigyan kita ng gabing iyon,"mayabang at natatawa nitong sabi sadyang iniinis niya lang talaga si Alondra.Hindi alam ni Zandro kung bakit aliw na aliw siyang tingnan ang dalaga habang namumula ito sa galit.
Hindi rin niya maintindihan ang sarili niya.Attracted ba siya sa babaeng ito o natutuwa lang ito?Aminin niya halos   lahat silang magkakaibigan ay mga babaero.They fuck different woman in a night but after that they just leave them.Kaya hindi siya makapaniwala ng dahil lang sa kiss na iyon halos isang buwan niya pinahanap ang babaeng nasa harapan niya ngayon at galit na galit na ito sa kanya.Naiiling na iwinawaksi ni Zandro ang mga iniisip niya hindi pwedi wala sa bokabularyo niya ang salitang pagkakagusto mas sanay siya na ang mga babae ang nagkakagusto sa kanya.

Pilit kinakalma ni Alondra ang sarili dahil sa narinig na kayabangan ng boss niya.Akala ba niya seryoso ito at kinakatakutan ng mga empleyado niya sa kompanya nito pero bakit parang ibang Zandro yata ang kaharap niya sa ngayon.

"Napakayabang talaga akala mo naman kagawapuhan,"nakanguso nitong sabi sa sarili habang nakataas kilay na nakatingin kay Zandro.

"May sinasabi ka ba?"tanong ni Zandro dito.

"Wala po Sir.Mukhang tinangay ata ng malakas na hangin ang dapat sana na sasabihin ko eh.Super lakas kasi nasa signal no.3 ata o mas mahigit pa eh",sabi nito.

"Joker ka din pala Miss Alondra akala ko Amazona ka lang eh,"nangingiti nitong sabi.

"Ako amazona aba sumusobra kana ata Sir Zandro.Sa ganda kung ito amazona ang tingin mo sa akin?"nanggagaglaiti ito sa galit.
Wala siyang pakialam kung boss niya man ito kuta na siya sa mga pang iinsulto na natanggap niya sa lalaki sa araw na ito.Una palang kanina sa labas ng opisina sinisigawan na siya nito.Tapos pinagmumukha pa siya nito na siya ang umakit sa kanya sa gabing iyon.Ngayon isa na naman siyang amazona namumuro na itong boss niya ah.

"Stop pouting Miss Alondra!"biglang taas ng boses na sabi ng  binata na siyang dahilan kung bakit nabigla si Alondra.
Hindi niya atensiyon na sigawan ang dalaga pero hindi niya maintindihan kung bakit naiinis ito na nakikita na nakanguso ang dalaga sa kanyang harapan.Parang may nag uudyok sa kanya na halikan ito.
"Ano ba nangyayari sayo Zandro bakit ka nagkakaganyan,"kausap nito sa sarili.

"Ha,ano na naman ginawa ko sayo?"nakakunot noo na sabi ni Alondra dito.May mood swing ata ang boss niya hindi magets ni Alondra kung ano gusto o tinatakbo ng utak nito.

"Wala just stop pouting,"pagsusuplado nitong sabi at papikit pikit pa ng mata habang pinapakalma ang sarili.

"Parang baliw naglilevel up yata ang boss niya ah kanina masungit tapos biglang yumabang ngayon parang baliw na biglang sisigaw,"nailing na sabi ni Alondra sa sarili.

"Alondra I said stop pouting.Huwag mong ubusin ang pasensiya ko at baka hindi ako makapagpigil,"diin na sabi nito.

"Ano ba problema mo hindi ko naman narinig sa rules mo kanina dito sa kompanya mo na bawal ngumuso ah.Alam mo kanina pa ako naiinis sayo Sir Zandro namumuro ka na sa akin,"inis nitong sabi.
Sumusobra na kasi ito eh unang araw niya palang sa trabaho tapos ito na agad ang naencounter niya.Hindi niya alam kung sinusubok lang ba siya kung hanggang saan ang pagpapasensiya niya dahil kunti nalang at matatadyakan na niya talaga ang boss niya.

"Ngayon kasali na iyon sa rules ko.Tama idadagdag ko na iyan sa batas ko dito sa opisina exclusive lang para sa iyo,"patango tango nitong sabi habang nakahawak ang dalawang daliri nito sa ilalim ng kanyang baba ang hintuturo at hinlalaki nito na akala mo nag iisip talaga kung kasali ba ang "No pouting"sa rules niya.

"Baliw iwan ko sayo Sir Zandro,"naiiling na sabi ni Alondra.

"Ano sabi mo?"nakataas kilay nitong sabi.

"Sabi ko kanina mayabang ka lang ngayon nababaliw ka na.Sino ba may tamang pag iisip na gawing rules ang "no pouting" sa opisina ikaw lang,"nakanguso naman nitong sabi.

Hindi inaasahan ni Alondra ang sunod na ginawa ni Zandro naglakad ito palapit sa kanya hanggang sa na corner ito sa office table ng binata.

"I told you so many times Alondra I said stop pouting.Kanina ko pa pinipigilan ang sarili ko na gawin kung ano ang nasa isip ko ng makita kita lalo na ng lumapit si Liam sa iyo.Ang halikan ka alam mo ba iyon,"bulong nito sa tainga niya habang nakahawak ang dalawang kamay nito sa lamesa kung saan napagitnaan ang katawan ni Alondra.

"Hoy..ano ba ginagawa mo Sir Zandro,"naaalarma nitong sabi.

"Ang tigas talaga ng ulo mo,gusto mo ata makaround 2 tayo eh,"nangingiti nitong sabi.

I CLAIM MY DESTINY Where stories live. Discover now