Hinatid ako ni Chase sa classroom ko. Medyo na-late pa ako dahil sa nangyari kanina. Humalik sa noo ko si Chase saka siya nagpaalam. Na-excuse naman ako sa pagiging late dahil nagpaliwanag si Chase and because he is Chase Damian Wilson, pinalagpas nga. Sa kasamaang palad ay bet ni ma'am si Chase kaya pinalagpas ako. Shipper daw siya ng ChIri, yung pesteng pauso niya.

"Irina," tawag sakin ni Juniel na nasa gilid ko. Nilingon ko siya at sumagot.

"Oh?" Ani ko rito.

"Ang pula ng pisngi mo. Hindi dahil sa kilig yan, 'wag kang sinungaling," bulong ni Juniel.

Napahawak ako sa pisngi ko kung saan ako sinampal ni Circe. Humarap ako sa board at nagsimulang magsulat saka ako sumagot sa napansin ni Juniel sa pisngi ko. "Mamaya na ko magpapaliwanag, Niel." Ani ko at nagpatuloy sa pagsusulat sa notebook ko.

Pumasok ako sa lahat ng morning classes ko hanggang sa naglunch na. Dumiretso ako sa cafeteria kung nasaan sila Nathalie. Tinignan ako ni Ina nang nakangiwi. Kinindatan ko siya hanggang sa tumabi na ko kay Chieri. Nilagay ko sa balikat niya ang kamay ko saka siya pinisil doon.

"Hi Irina!" Aniya sakin. Kumaway ako sa kanya at nilagay sa ilalim ang bag ko kasama ng mga bag nila.

"Kambal, may nalaman kami." Simula ni Ina at nagtinginan sila sa akin. Sakto namang paglapit nila sakin para marinig akong magkwento ay dumating ang tumatakbong si Juniel. Umupo siya sa tabi ni Nathalie at lumapit din.

Umirap ako sa kawalan at bumuntong hininga. "Nasampal ako ni Circe." Ani ko at nagkibit balikat.

Sabay sabay naman silang suminghap sa gulat at hula ko sa kanila ay sarcastic ang iba. Si Chieri ay nakatingin lang sakin. Nakakunot noo pa siya kaya hinagod ko siya sa likod na parang sinasabi kong okay lang kung nahuhuli siya sa usapan. Ikaw ba naman habulin ng Zach de Vera talagang maloloka ka. Kay Chase nga naloloka na ko eh.

"Bakit ka sinampal? Ang sabi mo noong Friday hindi naman sinabi ni Chase yung tungkol sa'yo." Utas ni Nathalie.

"Baka nakakalimutan niyong buhay pa si Eris?" Tanong ko sa mga ito.

Sumama ang timpla ng mukha ni Chieri kaya nakipag-apir ako sa kanya. Ang hanep lang. Dalawa ang umeepal sa love story ni Chieri, dalawa din yung akin tas yung isa, iisa lang. Si Eris the freak na kambal ni Chase.

"Speaking of." Ani Chieri saka siya uminom at may minamata sa 'di kalayuan.

Napalingon kaming lahat sa sinusundan ni Chieri ng tingin. Si Eris kasama si Circe na medyo maga ang mata. Nakita naman ni Eris na nakatingin kami sa kanya. Huminto sila sa paglalakad kaya bumalik kami sa pag-uusap. Unti-unti ko namang sinusulyapan sila Eris at halos maibuga ko na ang iniinom ko dahil nakatingin silang dalawa dito.

"Ayos ka lang, Irina?" Tanong ni Chieri sa akin.

Tumango ako at umupo ng diretso saka ako bumaling kay Chieri. Dahil pakiramdam ko lalapit sila Eris dito, hindi ko na pababayaan madamay pa si

Chieri sa kagagahan ni Eris.

"Hindi ba't klase mo na, Anica?" Tanong ko sa kanya.

Nanlaki ang mata niya saka siya nagmamadaling kumuha ng bag niya at nagpaalam sa amin. Good. Umalis ang napakabait na nilalang pero napakamaldita pagdating sa mga bitches tulad nitong dalawang kumag na papalapit.

"Irina," malamig na tawag sakin ni Eris. Bitter pa sakin to dahil nag-away sila ng bongga ng kambal niya.

Umikot ako at umupo ng paharap sa kanila. Akmang tataasan ko na sila ng kilay nang tamaan na naman ako ng makalyong palad ni Circe. Joke lang yung makalyo. War muna ito.

Tumayo sila Ina sa gulat. Natawa ako saglit saka ako tumingin kay Circe pero pinalad niya na naman ako. "Eris! Can you stop your fvcking friend?!" Sigaw ni Ina kaya't tumahimik sa buong cafeteria.

Tumayo ako at dahan-dahang nilingon si Circe. Akmang mananampal na naman ang babaeng talunan nang masalo ko ng kamay ko ang kamay niyang sasampal sakin. Mariin kong hinawakan ang pulso niya at mapapangiwi na siya anytime pero pinipigilan niya. Sa gigil ko, gamit ang kamay niyang nagpupumiglas na sampalin ako, yun ang ginamit kong panampal sa kanya.

Dalawang beses ko sinampal sa kanang pisngi niya ang kanang kamay niya kaya napalingon siya sa kinatatayuan ni Nathalie.

Ginamit ko ang kaliwang kamay ko para pumalit sa nakahawak sa pulso niya. Dahil libre na ang kanang kamay ko at nakaharap siya sa kaliwa. Pinalipat ko ang tingin niya sa kanan sa pamamagitan ng sampal na napakalutong.

Naramdaman kong uminit ang palad ko sa lakas ng sampal ko sa kanya. Kinuha ko ang kaninang iniinom ni Chieri na diet coke.

Humarap sakin si Circe na humihikbi. Saktong pagharap niya sakin ay binuhos ko sa pagmumukha niya ang coke at tinulak siya gamit ang kaliwang kamay ko na nakahawak sa kamay niya. Sunod sunod na hikbi ang ginawa ni Circe sa harap ko. Nagtiim ang bagang ko saka ako nagsalita.

"Sa susunod na saktan mo pa ulit ako, laging doble ang mararamdaman mo." May diing sagot ko sa kanya. Hinawakan ko siya sa baba at pinatingin sa akin. "Kung inaakala mong babalik sa'yo si Chase sa pananakit mo sa akin, nagkakamali ka." Ani ko pa saka ko siya binitawan.

"Tanggapin mo na lang!" Sigaw ko rito at bumaling kay Eris na naka-awang ang bibig na nakatingin sa sinapit ni Circe.

Naagaw ni Chase ang atensyon ko nang makita ko siyang tumakbo papunta dito. Nagpalipat lipat ang tingin niya sa amin ni Circe. Subukan niyang aluin itong hampaslupa sa harap ko. Alam kong mas mukhang kawawa si Circe dahil umiiyak siya sa harap ko habang naliligo sa diet coke.

Lumapit sa amin si Chase at hinaplos ang braso ko. "Babe, do you mind if I talk to Circe alone?" Tanong niya sakin.

Natigilan ako kasabay ng pagsilay ng ngisi sa labi ni Eris. Nangunot ang noo ko sa narinig. "A-ano?" May diing tanong ko rito.

"I need to talk to her alone, Irina. It won't take long, babe. I promise." Seryosong utas ni Chase.

Para niya na rin akong pinahiya kung hihilahin niya ito paaalis dito. Mapait akong ngumiti dito. "Subukan mo." Ani ko.

Nagsimulang mafrustrate si Chase sa akin dahil pinasadahan niya ang buhok niya ng kamay niya at tumingin sa akin. "Jace, I'm going to deal with you later. Just, please. Bear with me." Aniya sakin.

Napa-ahh ako at sarcastic na ngumiti. Tumingkayad ako at bumulong. "Have regret, then." Ani ko at mabilis na kinuha ang bag ko sa ilalim ng mesa saka ako naglakad papaalis doon. Narinig ko pa ang pangalan ko mula kay Chase pero di ko siya nilingon. Magsisi ka! Peste!

Nothing But StringsOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz