Dumiretso ako sa lockers at pinuntahan ang locker ko. Nilagay ko doon ang violin ko at kumuha ng libro. Tumingin alo sa schedule na nasa may pintuan ng locker ko. Sinara ko pagkatapos ang locker ko at nagulat pa ko nang si Chase ang bumungad sa akin. Ngumiti siya sakin at nilapitan ako.

Yumakap sakin si Chase mula sa likod at idinantay ang baba niya sa balikat ko. Luminga ako sa paligid pero wala nang masyadong estudyante ang naggagala dito sa corridor. Yung iba nakatingin sa amin ni Chase at kinikilig pa sa itsura namin ni Chase. Ang PDA lang!

"Hi Irina." Bati niya sakin at humalik sa pisngi ko.

Bumitaw siya sakin at sumandal naman ako sa locker ko para tignan si Chase ng maayos. Pinatong niya ang kamay niya sa may locker at malapit sa ulo ko saka ako tinignan. Nakakunot ang noo ko dahil sa naaalala kong sinabi ni Circe.

"Babe, what's wrong?" Aniya sakin.

Umiling ako saka sumagot. "Wala naman. Badtrip lang." Sagot ko sa kanya.

Ngumiti si Chase sa naging sagot kaya tumingin ako sa mukha niyang saksakan ng gwapo. Mukhang anime si Chase kung titignan gawa siguro ng pale blonde niyang buhok at berde nitong mata. I love his eyes. They melt me from where I stand.

"What can I do for my girlfriend then?" Tanong niya sakin habang naka-ngiti.

Sasagot sana ako na tigilan niya ako nang makita ko si Circe sa may likod niya na papalapit. Ang gitara na halos katulad ng kay Chase ay nasa likod niya.

Nahinto naman siya nang makita kami ni Chase kaya binalik ko ang tingin ko sa mukha ni Chase.

"Hey." Marahang tawag sakin ni Chase at hinawakan ang baba ko gamit ang daliri niya.

"You know what I want." Ani ko habang nakangiti.

Hinapit ako ni Chase sa baywang at niyakap saka niya ko hinalikan sa labi. Pumikit ako at tinugunan ang bawat halik ni Chase sa labi ko. Nagulat na lang ako nang may tumulak sakin papalayo kay Chase. Narinig ko ang pagmumura ni Chase at lumapit pa sakin ang nanulak. Sinampal ako ni Circe dahilan para mapalingon ako sa kaliwa.

"Change!" Sigaw ni Chase kay Circe.

Dahan-dahan akong lumingon sa dalawa at hinawi ang buhok ko? "Don't call me by my real name, Chase! You call me by the name you gave me!" Sigaw niya kay Chase.

"Hindi ako ang nagbinyag sa'yo so why would I call you by the name I gave, Change?" Sagot ni Chase rito.

Medyo nagulat pa si Circe sa pagtatagalog ni Chase. Ungas, at least si Chase nakakapagtagalog kahit papaano!

"Chase, just please." Ani Circe at nagsimulang umiyak. "Come back."

Nangunot ang noo ni Chase sa pag-iyak ni Circe. I'm just standing here, watching Circe's plans fail. "Shut up, Change." Aniya.

Lumapit sakin si Chase at hinila ako para yakapin. Idinantay ko ang ulo ko sa dibdib ni Chase. Humagulgol naman si Circe nang hindi na siya imikin pa ni Chase.

"I'm sorry, Irina." Bulong ni Chase sa tenga ko na tinanguan ko lang.

"One more thing, I don't want to see you hurting or getting any nearer to Irina." Ani Chase at inakbayan ako.

Habang papalayo kami ni Chase ay narinig pa naming sumigaw si Circe. "I can't promise that Chase!" Anito habang nahagulgol pa.o

Akmang lilingunin ko siya nang higpitan ni Chase ang hawak niya sa balikat ko. "Ignore, babe." Aniya saka kami umalis.

Nothing But StringsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang