"Kung ako sayo-"

"I am not and shut your mouth." hindi ko na pinatapos si gab sa sasabihin niya. Sumenyas naman ito ng pagsangayon. Mabuti naman at hindi na siya nangungulit ngayon.

Nagsasalita na si sir Eduardo Dela Vega sa stage at mukhang patapos na din ito.

"And now the vice president of Dela Vega Estates, the only daughter and the heiress of Eduardo Dela Vega may i call on the most beautiful lady here tonight Ms. Iris Julia Dela Vega. Let's give her a warm welcome!" pakilala ng mc dito. Hindi ko na narinig pa ang mga sinasabi ng mc dahil umalis na ako sa lugar na yun pakiramdam ko kasi ay lalo lang akong hindi makahinga.

Lakad takbo akong bumalik sa villa na tinutuluyan ko ng makita kong sumunod din pala sa akin si gabby.

"What are you doing? Ngayon palang magstart ang party!" tanong niya sa akin.

Pero hindi ko siya pinakingan at patuloy pa din naglakad. Hindi ko din alam san nangagaling tong drama ko, of all the things ay hate na hate ko to. Ito na naman kasi yun pakiramdam kong nagiisa na naman ako, i felt pity on myself. Mahirap kalabanin ang katotohanan sa totoo lang. Yun tipong kahit hindi mo naman gustuhin maramdaman yun ganoong bagay ay pilit parin syang sisiksik sa isipan mo.

As i was putting my keys sa pintuan ay biglang nagsalita si Gab. Ayaw pa rin niya akong tantanan.

"Hahayaan mo na lang bang kung sino sinong lalaki ang makilala ni Iris ngayon gabi, Moon?" seryoso tanong niya.

"Ano naman pakielam ko kung may makilala siyang iba?" pagalit na sagot ko sa kanya.

"Huh? Wag ako Moon, my gaydar is perfectly working yung mga tinginan mo pa lang kay Iris alam ko na!"

"Well nagkakamali ka sa akala mo Gab." sabi ko dito at tumalikod na.

"So Cass was wrong all along? She thought too highly of you. Alam mo ba yun? Kinukwento ka niya sakin of what kind of person you are. Hindi naman ganyan kaduwag yun taong tinutukoy niya."

"You don't know everything Gab."

"Then tell me everything."

And that is how the  wall of Moon Ruiz starts to fall.

Hindi ko alam kung ano ang meron kay Gab at hinayaan ko siyang pumasok sa villa ko at hinayaan ko siyang guluhin ang tahimik kong mundo.

We finished a bottle of wine at isang dekada na ng nakaraan ko ang nilapastangan ni Gabby. She also told me her story.

Kung kanina ay naka gown ako ngayon naman ay naka full black suit ako. Kailangan ko pang magbihis dahil nagkasundo kaming bumalik ni gabby sa banquet hall para makakuha ng alak doon. I don't know how gab convinced me. She changed her dress too.

"How can you be effortlessly beautiful and handsome lady at the same time moon?" she asked

Nagkibit balikat lang ako sa sinabi niya dahil hindi ko din alam.

Hindi na kami sa entrance ng hall dumaan sa sobrang dami ng tao. Parang may sa daga ata tong si gab, ang galing humanap ng ibang daan papasok sa loob. Nakakita kami ng isang vacant table malapit sa pool side dito na kami nagpasyang maupo.

"Gabby I looked at you everywhere nandito ka lang pala!" biglang dating ng chinitang si cass.

"Hey baby ikaw nga yung kanina ko pa hinahanap eh." sabi naman dito ni Gab saka nilapitan ang gf at dinala sa table namin.

"Oh nandito ka din pala Moon, Iris is looking for you too. Teka bakit ganyan ang suot nyo?" takang tanong ni cass sa amin dalawa.

"Hah! It's your girlfriend's idea." singhal ko dito. Kung maitatanong nyo medyo close kami ni cass nun bata pa kami, palagi namin binubully ang isat isa. But that was 20 years ago.

"Baby wait here for a while  I'll get us some drinks." sabi nito dito sabay kindat.

"What are the two of you doing?" mapaghinalang tanong sa akin ni Cass.

Nashock naman ako sa tanong niya at mabilis na nagisip. "What do you mean? Gab just help me earlier while I'm having my panick attacks." paliwanag ko dito

Cassandra looked unconvinced and eyeing me like a cat. Wala naman siyang mahihita sa akin. That was the time na nakita kong naglalakad pabalik ng table si Gab kasunod si Iris.

Pagdating ay dumiretso na ng upo si Gab na walang imik, hinahanap ng mata ko yun alak na kukunin niya pero wala naman siyang binaba dito.

I heard Iris cleared her throat. No one's looking at her even me. I saw in my peripheral view that she called someone and say something pero hindi ko na ito naintindihan dahil binaling ko na ulit ang tingin ko sa iba bago pa niya ako mahuli.

Walang may balak magsalita sa amin nila Gab kaya naupo na si Iris sa table namin crossing her arms into her chest. Very sophisticated.

"Where have you been Moon? You knew of all the people here how important this event! Dad and I was looking for you all over the place."

"Ano naman kinalaman ko doon?"

"We're family for godsake moon!" she yelled at me.










































OddsWhere stories live. Discover now