8

25 4 2
                                    

Kasalukuyan akong nasa loob ng hotel dahil dito nakapwesto yun magaayos sa amin ngayon hapon. Mamayang gabi na kasi ang grand foundation ball na dadaluhan ng lahat ng executives ng Dela Vega Estates. Hindi lang ito simpleng foundation day dahil tila naging isang gala ng mga sikat na business tycoon sa ibat ibang panig ng mundo.

6pm ang start ng program kaya naman ngayon pa lang ay kailangan ayusan na kami. Ayoko man sanang makisali pa sa ganito ay alam naman natin hindi pwede dahil kabilang na rin ako sa pamilyang Dela Vega.

Umupo na ako sa make up chair at sinimulan ng ayusan ng isang sikat na makeup artist sa bansa.

" You have a small,  pretty face hay ganitong ganito yun mga gusto kong modelo eh" daldal ng baklang nag aassist sa babaeng nagaayos sa akin ngayon.

Sa loob ng kwartong ito ay mayroong apat na makeup artist lahat sila ay mga sikat sa kani kanilang larangan.  Kaya naman puno din ng tao sa loob ay dahil yun iba ay nakikiusyoso lang.

Matapos ang isang oras na paghihintay ay natapos din akong ayusan.  Binigyan nila ako ng light makeup dahil masyado na daw akong maganda ang kailangan na lang ay ienhance ito.

Tinulungan din nila ako sa pagsusuot ng aking gown. Halos matulala ang mga nandito ng makita ako after ko magbihis. Saktong sakto at litaw na litaw ang curves ko sa suot kong black long sleeve versace gown. Kahit ako man ay di maiwasan mainlove sa sarili ko matapos kong humarap sa salamin.

"Wow moon is that you? " sabi ni gabby na bigla na lang sumulpot kung san. Nagulat akong nandito din pala siya. She's wearing a firery red evening dress na may mataas na slit sa kanyang binti. Halos hindi ko din makilala si gabby sa aura niya ngayon. Bagay na bagay ang pula sa kanya.

"You look hot gab." biro ko dito. Naiinip na rin naman ako mabuti na lang din at nandito siya. I think i need to loosen up a bit. Party to kaya dapat magenjoy din siguro ako. Right?

Lalabas na sana ako ng kwartong yun ng makita ko si Iris na tinutulungan bihisan ng isang staff. Bigla akong napahinto at feeling ko ay nakakita ako ng anghel na bumaba sa lupa.

"She's super gorgeous." nasabi na lang ni Gab sa tabi ko dahil napahinto din sya ng makita niya kung san ako nakatingin.

"Exquisite beauty." Wala sa sarili kong bulong. Nangniningning ang kagandahan ni Iris sa soot niyang puti evening gown na kumikinang kinang sa ilaw.

I can no longer put any adjectives to decribe how she looks tonight. Pakiramdam ko ay pinagpapawisan ako kahit malamig naman sa kwartong ito. What is this feeling? I can't even move my feet para makaalis na sa lugar na yon. I know gab is giving me a weird look. Na parang gusto niyang sabihin sabi na nga ba eh tama ako. But i don't care.  I was standing here in awe as Iris walks and check herself in the mirror. Sigurado akong lahat ng mata ay titingin sa kanya paglabas niya ng silid na ito. All the boys will drool over her, with that thought i grip my hands tighter.

Kung hindi pako hinatak ni gab ay hindi pa ako makakagalaw sa kung san ako nakatayo kanina, ngayon ay nakaupo na kami sa table na medyo malayo sa unahan ng stage. Hindi ko alam kung bakit dito niya piniling maupo.

Nagsimula ng magsidatingan ang mga piling bisita at tao sa loob ng banquet hall. Mabuti na lang pala at nakapwesto na kami kaagad. Kasama ko pa din sa mesa si Gabby,mas okay na rin pala at nandito siya kundi ay hindi ko alam san ako pupwesto ngayon.

May lumapit na waiter at kumuha si Gab ng 2 baso ng wine. Nagsimula na din magsalita ang MC at nagwelcome na ng mga bisita. Madami pa siyang sinasabi pero wala naman doon ang attention ko. Hanggang ngayon kasi ay pakiramdam ko yun puso ko ay hinahabol pa din. Mabilis ang tibok nito.

"You're inlove with her." sabi ni gab while sipping her wine.

Hindi ko ito pinansin at nagsimula na din uminum ng alak.

Oddsحيث تعيش القصص. اكتشف الآن