"I'm sorry, Miss Rochelle. What was your question again?"

"Ano bang nangyayari sa'yo? You are too preoccupied. Ano ba talagang nangyari sa'yo sa Tierra Fima? You know you can talk to me without any lies. You can trust me," nag-aalalang sinabi nito sa 'kin at hinawakan pa ang kamay ko.

Saglit na bumaling muli ako sa labas ng coffee shop ngunit wala na siya roon. Nawala na naman bigla. Anong ginagawa niya rito? Bakit siya narito?

I heaved a sigh then looked at Miss Rochelle. She's right. Bukod kay Yerim at Rafa, ito ang sinasabihan ko ng iba kong problema lalo na pag alam kong kailangan ko talaga ng advice galing sa mga eksperto na sa buhay.

Marahas akong huminga nang malalim bago ikinuwento sa kaniya ang lahat. Nakita ko rin mismo ang gulat sa mga mata niya nang matapos ako. She's not expecting something like this from me dahil kilalang-kilala ako ng lahat ng nasa department namin. Alam nila kung gaano kahalaga sa 'kin ang trabaho kong ito at ang sarili ko mismo kaya naiintindihan ko ang naging reaksyon niya.

"Oh my god. I can't believe this!" Hindi na niya napigilan ang reaksyon niya.

Napakagat ako sa ibabang labi ko. I know how stupid I am for falling in love with a stranger, pero alam ko rin na hindi ko iyon kailangan sa buhay ko. I need to work for my family lalo na para sa kapatid ko. Ako na lang ang inaasahan nila at hindi ko kakayaning malaman nila na bigla akong nawalan ng gana dahil sa nangyari. Just because I gave in to a stranger.

"But why do you have to resign from your position? May lilipatan ka ba?" Tanong niya pa kaya mabilis akong umiling.

"Ayoko lang maalala ang lahat, Miss Rochelle. Ayoko na sa field na 'to. Gusto kong magsulat pa pero hindi ko na alam kung ano pang isusulat ko dahil lang sa ayoko na munang mag-isip," tamad na sinabi ko sa kaniya at sumimsim sa kape ko.

I looked at nowhere. I don't know what to expect from now. Pakiramdam ko, simula nang bumalik ako ay palaging may inaabangan ako na kung ano. Ni hindi ko magawa nang maayos ang trabaho ko.

"I can help you with that. If you don't want to be a writer for now, puwede kitang i-recommend sa business partner ni Miss Lim. Naghahanap din sila ng bagong secretary para sa bagong CEO ng kompanya nila. I can send your details and credentials to them," seryoso nitong sinabi sa 'kin kaya napatingin ako sa kaniya nang nabubuhayan ang loob.

"Really?"

"Yes, Rae. Expect a call tomorrow for your interview and after that, you still need to finish your last book before you go."

Iyon na ang huli niyang sinabi bago niya ako iwan sa coffee shop na iyon. Ilang minuto pa akong tumambay roon bago ako nagdesisyong bumalik na sa office dahil sa napakarami ko pang dapat gawin.

While I was walking back to our building, someone bumped me kaya halos tumalsik ako dahil sa sobrang lakas ng pagbangga niya sa 'kin. Palabas siya ng building namin habang ako naman ay papasok. Nabitiwan ko pa ang cellphone ko na kabibili ko lamang noong nakaraan.

"Damn! Hindi ka ba marunong tumingin sa dinaraanan mo?" Dinig kong hiyaw niya sa 'kin sa naiinis na tono.

Malalim akong huminga and tried to calm myself dahil alam kong hindi makakatulong sa 'kin ang senaryong ito. Pero hindi ako ang tanga rito kung 'di siya!

"I'm sorry," tipid na sinabi ko sa kaniya habang pinupulot pa rin ang cellphone ko.

Nang makuha ko 'yon nang tuluyan ay tumambad sa 'kin ang pagmumukha niya. I saw how his expression changed. Para siyang nakakita ng taong matagal na niyang hinahanap. Hawak din nito ang cellphone niya.

"It's you... again," I heard him said and tried to break the distance between us kaya mabilis akong lumayo.

Nakaputi itong long sleeve polo na nakatupi ang manggas hanggang siko. Nakabukas ang dalawang butones. Naka coat at slacks na itim. Napakalinis talaga niyang tingnan sa gupit niyang 'yon at tila mas umaliwalas ang itsura nito kumpara sa huli naming pagkikita.

The Night in Tierra Fima | COMPLETEDWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu