"What did you buy?" Iris suddenly ask me while looking at the paper bags I'm holding earlier.

"I told you nasa camera store ako kanina." walang gana kong sagot sa kanya.

"Malay ko ba if you  buy a camera bag, or tripod or anything in relation to camera!" mataray naman na sambit niya. Napatawa na lang ako sa naging reaction niya huli na din ng mapagtanto kong tumatawa nga ako.

"Is this even real? oh my god!" Iris exclaimed.

Gulat naman akong napabaling ng tingin sa kanya.

"I made you laugh omg!! the coldest moon ruiz herself is laughing right now" sus kala ko naman kung napano na tong babaeng to.

Sinamaan ko siya ng tingin pero lalo lang niya akong inasar.

" I should've record it!"

"Stop it Iris!"

Kung hindi lang siya nag dadrive ngayon ay malamang hinatak ko na sya sa buhok.

"San ka pupunta?" biglang tanong ko dito ng lumagpas sya sa gate ng subdivision.

"Let's go somewhere Moon." nagdadalawang isip man ay wala naman ako magagawa dahil nakikisakay lang naman ako.

Isang oras na ang lumipas ng bumagal ang sasakyan, sumilip ako sa bintana ng kotse at napansin kong nasa mataas na lugar kami.

"You didn't plan to kill me here right?"

"I'm not like you Moon." sagot ni Iris sa akin.

Nauna na syang lumabas ng sasakyan sumunod lang ako sa kanya. Maaliwalas ang langit kaya kitang kita mula dito ang mga stars. Ang maririnig mo lang ay mga tunog ng insekto. At kaluskos ng mga puno.

"What are we doing here Iris?"

Nakatalikod sya sa akin ngayon hindi ko alam kung anong iniisip niya. Ngayon lang naman nagkaron ng pagkakataon na magkasama kaming dalawa sa ganitong lugar.

Niyakap ni Iris ang kanyang mga braso sa kanyang katawan. Bigla din kasing umiihip ang malamig na hangin.

Tinatangay ang mahaba niyang buhok habang nasisinagan kami ng ilaw na nanggagaling sa sasakyan.

"I just want to go to this place with you Jan. I  found this place before i left the country 10 years ago."

10 years ago, yun yung mga panahon bigla syang nagdecide na umalis mag isa at magaral sa states. That is also the time na may pinagtalunan kaming dalawa ni Iris.

" I think this place really suits you Jan, it is like you. Madilim, tahimik at malayo sa tao.."

Nanatili akong tahimik na nakatanaw lang sa likuran ni Iris. I dont know what to think. Hindi ito ang oras para lumambot ako. She always thought of everything, what is better for me, of what will make me happy, pero hindi naman niya alam kung ano ba ang nasa isip ko. That's not how things work for me.

" We should go now, my intestines are fighting inside my tummy" pasimple kong pag aya kay Iris.

Nauna na akong pumasok ng sasakyan at hindi na inantay pa kung ano man ang sasabihin niya.

Im fucking tired ahhh... paglapat ng likod ko sa aking kama ay para akong lumulutang, this whole week is super naging busy ako. Bukas ay maaga kaming babyahe dahil araw na ng foundation ng Dela Vega Estates. Outing din iyong para sa mga empleyado nito. Naayos ko naman na ang mga gamit ko kaya wala din akong poproblemahin pa bukod sa kailangan kong gumising ng maaga dahil 2am ang call time namin.

Sandali lang akong namahinga at plano kong magbabad muna sa bathub, i need to relax. Kumuha ako ng wine at nilagay ito sa aking baso at saka lumusong na nga sa bathtub ko. I played my favorite classical music at saka ipinikit ang mata. Umahon ako matapos ang 30 mins na kanta sa cellphone ko.

Nagsuot lang ako ng sweatpants at cotton na tshirt pang tulog. Bago humiga ay dinouble check ko din lahat ng gamit ko  at saka bumalik sa kama.

Parang sandali pa lang ako nahihiga ng marinig kong mag alarm ang cellphone ko. Shit! 1am na agad. Dahil kaliligo ko lang naman kanina ay hindi nako naligo pang muli.

Nagpunta ako sa closet at nagmamadaling kumuha ng cargo pants na khaki at  vneck tshirt ko na color white. Pinarisan ko ito ng blazers ko na mid cut. I combed my wavy short hair and put a very very light makeup para lang matakpan yun bagahe kong eyebags. I sprayed my favorite perfume at inabot yun bomber jacket ko then  pick up my duffel bag at nagmamadaling bumaba na ng hagdan dahil nakakahiya kung aantayin pako ng mga Dela Vega sa labas. Sabay sabay na kasi kaming pupunta sa Quezon ngayon, mainam na din dahil hindi ko na kailangan pang magdrive.

Pababa ng ako ng hagdan ng makasabay ko pa si Iris nauna lang siya sa akin kaya kasunod niya ako. Amoy na amoy ko tuloy ang kanyang amoy expensive na perfume. Hays

Paglabas sa garahe ay nilagay ko na sa compartment ang dala kong bag at sumakay na sa likod ng suv na siyang gagamitin namin papunta sa Real Quezon. Sunod na rin naman sumakay sa tabi ko si Iris at sa harapan namin ay ang mag asawang Dela Vega.

Naging tahimik ang buong biyahe namin nagsuot ako ng earphone at nagsimulang pumikit. Sa sobrang antok siguro ay hindi ko na namalayan nakatulog pala ako. Nagising lang ako ng may mahihinang tawag akong narinig.

Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata at gulat na napabalikwas ng makita ang maamong mukha ni Iris.







































OddsWhere stories live. Discover now