HMP Chapter 6 Part 2

Start from the beginning
                                        

(*_*)--ganyan mata nya nung narinig nya yung spaghetti..

"Spaghettiiiiiiii??Talaga Best lilibre mo ko??"

"Bakit Best may sinabi na ba kong ililibre kita??"tanong ko sa kanya..

"Kala ko ba sagot mo lahat ng gusto ko??uwi na nga lang ako"

"Best naman hindi mabiro..ou na sagot ko..hehe"

"Tara na Best nagugutom na ko eh"Hinawakan nya kamay ko at hinila papunta sa Jollibee..

Pagdating namin dun ay pinaupo ko na sya at umorder na ako ng spaghetti..

Ng dumating na yung order ay kinuha nya na agad yung spaghetti at inumpisahan na ng kain..

Natulala lang ako sa ginagawa nya..Hindi na nga ako nakasubo eh..

"Best hinay-hinay lang"

"Best pasensya ka na ha..gutom na talaga ko eh"

Pagtingin ko dun sa kinakain nya ay laking gulat ko..o_o naubos nya na??

"Best naubos mo na??"

"Ou Best ang sarap eh..Bakit wala pang bawas yung sayo??"

"Ah eh..ikaw kasi eh nakakagulat kang kumain..Gusto mo sayo na lang tong sakin??mukang kulang pa sayo eh..Busog pa naman ako eh"

"Talaga Best??"kinuha nya yung spaghetti"sakin na lang to??"

"oo sige Best sayo na lang..hawak mo na eh"Biro ko sa kanya..

Ininom ko na lang yung coke habang pinapanuod ko syang kumain..

[Nica's POV]

Pagkatapos naming kumain ay inaya nya akong mag-arcade naman daw..

"Best arcade tayo??"tanong nya sakin..

"naku Best wag na..uwi na lang tayo"

"Sige na Best..maaga pa naman eh..saka ako naman ang sasagot ng mga token eh"

nag puppy eyes pa sya..

"Sige na nga"

umakyat kami kung nasan yung arcade

Pagdating namin dun sa arcade ay bumili na sya ng token..

"Best eto token"inabot nya sakin yung token

Natapos ang maghapon namin na puro laro lang sa arcade..

After naming mag-arcade ay inaya nya na naman akong kumain..Nahihiya na nga ako sa kanya eh..napaka dami nya ng naitulong sakin..

"Best kain ulet tayo??"tanong nya

"Best wag na nakakahiya na eh..ok na sakin yung pagkain natin kanina sa jollibee"kung hindi lang ako nahihiya sa kanya eh baka ako pa ang nag-aya..

"Anu ka ba Best ok lang yun..Wag ka ng nahihiya sakin..Masaya naman ako sa ginagawa ko eh..Makita lang kitang masaya eh masaya na din ako"sabi nya sakin sabay pisil ng pisngi ko..

Dahil makulet tong Bestfriend ko eh napapayag nya din ako..Pero sa totoo lang eh gutom na naman ako..hehe

After naming kumain ay naglibot muna kami..ang gaganda nung mga stuff toy

Dala-dala ko nga pala yung nakuha ko dun sa catcher na domo..ang cute talaga ng domo..

(A/N:Pic ni DOMO >>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>)

Napatingin ako sa malaking orasan na nandito at nagulat ako ng 6 na ng gabi..OMG yari ako nito kay tita..Hanggang 5 nga lang pala ang pasok ko sa flower shop..

Nakagat ko ang mga kuko..

"Best uwi na tayo..yari ako nito kay tita eh..gabi na pala"sabi sa kanya na naiiyak na..

"Ay ou nga pala Best..Sorry Best ha..akong bahala sa tita mo..kaya wag ka ng umiyak ha"

"Best naman eh..panu akong hindi maiiyak eh..iba pa namang magalit si tita..Baka makakita na naman ako ng halimaw nyan"

Natawa naman sya sa sinabi ko..

[Rence POV]

Nagulat ako ng magsalita sya habang naglilibot kami..

"Best uwi na tayo..yari ako nito kay tita eh..gabi na pala"sabi nya sakin ng maiiyak na..

Ayoko pa namang nakikita syang ganun..nasasaktan kasi ako kapag nakikita ko syang malungkot o umiiyak..

"Ay ou nga pala Best..Sorry Best ha..akong bahala sa tita mo..kaya wag ka ng umiyak ha"nakalimutan ko na bawal nga pala syang mag-pagabi..sabi ko sa kanya para mapanatag sya..

"Best naman eh..panu akong hindi maiiyak eh..iba pa namang magalit si tita..Baka makakita na naman ako ng halimaw nyan"natawa naman ako sa sinabi nya..kasi kahit na malalagot sya sa tita nya pag-uwi nya eh nagawa nya pang mag joke..

^__^__^__^__^__^__^

A/N:sana nagustuhan nyo..nga pala pasensya na sa mga typo at wrong grammar..hehehe

Wag po kalimutang mag 

Vote

and 

Comment

++PurpleHeart++

Hirap Maging Panget {On Going}Where stories live. Discover now