Book 1: Chapter 24: Truth Behind The Past War 1

Start from the beginning
                                    

"Nalaman ko kaseng halos lahat ng nakatira doon ay nagtrabaho sa isang laboratory club. Sayang naman kung magtatrabaho pa sila sa iba kung pwede naman akong magpatayo at Kunin silang trabahador." Paliwanag ko.

Hindi biro Ang trabaho sa isang laboratory club dahil maraming kailangang gawin doon. Maraming pills at potion Ang kailangan nilang magawa. Hindi lang iyon kailangan din nilang umembento mg ibang gamot.

"Ngunit Ang layo ng bayang iyon. Sa tingin mo ba may pupunta doon para bumili?" Takang tanong ni hazel.

Isa din iyan sa dahilan kung bakit kailangan kong ipa-register Ang mga ito sa merchant hall upang magkaroon ako ng business partner.

Kailangan din ng guild na ito ng isang produktong aisikat kaya siguradong ako na mapagbibigyan nito Ang gusto ko kung hindi man ay mapipilitan akong gumamit ng dahas.

"Kaya nga pupunta ako ngayong merchant hall." Nakangiting sabi ko. Agad naman napatango tango Ang mga ito dahil sa aking sinabi.

"Sino namang isasama mo ngayon?." Tanong ni mama milva. Agad naman akong napaisip bago magsalita.

"Si ate Fatima nalang Po at ate regine. Papalabasin ko na rin Po Ang mga iyon." Nakangiting sabi ko. Agad naman silang muling tumango.

Ngayon din Ang araw para makamusta Ang mga tinuturuan nitong mga ito. Hindi ko alam kung okay na Ang mga ito sa loob ng mahigit tatlong linggo kong nawala ay hindi ako binabalitaan mg mga ito.

"Nga pala kamusta na Ang mga pinapagawa ko sa inyo?." Seryosong tanong ko. Sumbong muli ako ng kanina sa aking bibig habang nagaantay sa kanilang sasabihin.

"Okay na sila ngunit Ang level ng mga ito masyadong mababa. Hindi rin ganoon kabilis Ang pagpapataas nila." Seryosong sabi ni hazel.

Expected ko na Ang tungkol sa bagay na iyan. Dahil sa tagal nilang hindi nagamit Ang kanilang mga kakayahan ay bumabagal  Ang pagpapalakas nila.

"Ako ng bahala tungkol sa bagay na iyon..hazel." nakangting sabi ko.

Balak kong bigyan Ang mga ito ng mga bunga ng tree of knowledge hindi ko alam kung kakayanin ba ng mga ito Ang enerhiyang inilalabas ng mga prutas nito.

"Ang sa akin medyo hirap sila ng una dahil sa wala naman' silang kapangyarihan ngunit nakapag-adjust naman. Mabagal lang din Ang pagtaas ng kanilang level." Nakangiting sabi ni Sam.

Mukhang matatagalan pa ang magiging pagsasanay ng mga ito bago sila maging katulad ng inaasahan ko.

"Huwag Kang magalala Sam. Ako na ding bahala dahil tuturuan ko din naman sila." Nakangiting sabi ko. Ngunit kita ko ang mga takot sa mukha ng mga ito.

"Ang sa akin medyo na hihirapan pa ang iba lalo na Ang dalawang babae sa grupo ko. Ngunit matatalino Ang mga ito." Nakangiting sabi ni ella.

Ngunit kailangan nilang matuto sa pakikipagkaban dahil sila Ang pinakautak ng guild importante Ang mga ito sa isang guild o party.

"Kung ganoon doblehin mo pa ang pagsasanay na gagawin nila. Kailangan nilang matutong makipaglaban at maging malakas." Seryosong sabi ko.

Hindi ko alam kung kailan muling magkakaroon ng digmaan. Dahil sa bunga ng tree of knowledge ay nalalaman ko na Ang lahat ng katotohanan sa buong mundong ito.

Kaya ko sila pinagsasanay ng sa ganoon pagnagkataong wala kame ay kaya nilang protektahan Ang kanilang mga sarili.

"Ngunit bakit mo ba sila sinasanay ng ganoon? Alam kong may iba ka pang dahilan kaya sabihin mo na." Seryosong sabi ni Sam.

Agad naman akong napalunok. Hindi ko akalaing Ang babaeng ito ay marunong bumasa ng galaw ng isang nilalang.

I sighed before I answer her.

"Isa lang naman dahil hindi natin alam kung kailan darating Ang sunod na digmaan." Seryosong sabi ko.

Gulat Ang mga ito dahil sa sinabi ko.

"Paano mo nalamang magkakaroong muli ng digmaan?." Serysong tanong ni tatay Rodolfo.

Isa lang naman Ang dahilan iyon Ang tree of knowledge. Bawat prutas na kinakain ko ay binibigay nito sa akin ang mga kaalamang tinatago ng mundong ito.

"Dahil hindi pa napalitan Ang hari ng mga tao. Hanggat nakaupo Ang pamilya nila sa trono hindi titigil Ang ibang nilalang na gumawa ng digmaan mabura lamang Ang mga ito." Seryosong sabi ko.

Lalong napakunot Ang noo ng mga ito sa isinalaysay ko. Mukhang kailangan kong sabihin lahat ng nalalan ko sa kanila.

"Dahil Ang reynang nakaupo ngayon sa trono Ang tumraydor sa ibang nilalang noong mga kabataan ng mga ito." Dagdag ko. Agad na nanlaki Ang kanilang mga mata dahil sa sinabi ko.

"Noong prinsesa pa itong Reyna ay kaibigan nito Ang bawat pinuno ng mga lahi Ang tanging hindi lamang nila kaibigan ay Ang mga goblin ngunit hindi naman ito nanakit ng walang dahilan. Ngunit ng panahong sumugod Ang mga demonyo ay hindi kinaya ng alyansa ng bawat nilalang Ang mga ito. Napilitamg gumawa ng Plano Ang mga pinuno mg wala Ang prinsesa. Sinabi ng pinuno ng mga beast Ang Plano at inaya itong sumama sa Plano. Ngunit ayaw ng prinsesa at sinabing aantayin na lamang niya Ang Pagbabalik ng mga ito." Kwento ko.

Agad namang sumama Ang tingin sa akin ng mga ito ng itigil ko ang pagkekwento. Bumuntong hininga muna ako bago nagsalita g muli.

"Ngunit ng gabi ng kanilang gagawin Ang Plano ay nagsumbong Ang prinsesa sa hari at sinabi Ang mga palno ng mga ito. Bago pa man magawa Ang plano ay pinahuli na Ang mga ito ng hari. Pinugutan ng ulo Ang mga ito sa harapan ng ibat ibang nilalang. Dito nagsimula Ang pagtiwalag ng ibat ibang lahi sa mga tao sa pakikipagkaban sa mga diyablo. Ikinagalit ito ng hari at ng prinsesa at tinawag nilang mga traydor Ang mga ito. Ipinagbawal din ng mga ito Ang ibang nilalang na kumalat kalat kung saan saan. Maliba na lang kung may quest at kapitolyo. Dahil bawal nilang labagin Ang usapang ito." Dagdag ko pa.

Napatingin ako Kay mama milva ng magtaas ito ng kamay.

"Ano bang Plano mg mga ito?at bakit sila tumraydor ng prinsesa?." Takang tanong niya.

Ang dahilan din ngprinsesa Ang mas ikinagalit ko sa lahat.

"Ang prinsesa ay nakipagkaibigan lamang sa ibang nilalang upang gamiting panangga sa digmaan laban sa demonyo." Seryosong sabi ko. Agad silang napatakip sa kanilang bibig mg sabihin ko iyon. " Ang Plano ng mga ito ay Ang pumusok sa portal upang dalhin sa ibang Mundo." Seryosong sabi ko.

Dalawang siglo bago muli itong bumukas Ang portal sa Tree of Guardian. Dito mamimili Ang bawat pinuno ng mga guild ng mga taong ipapadala upang pumasok sa nasabing portal. Walang kasiguraduhan kung mabubuhay sila ngunit kung mabuhay Ang mga ito ay siguradong malaks na Ang mga ito pagbalik.

"Huwag mong sabihing Ang Plano nila ay magpalakas sa ibang Mundo ng saganon ay pagbalik nila ay matalo na nila Ang mga demonyo. Ngunit bakit siya nagtraydor?." Takang tanong ni Ella.


CHOSEN'S HERO: THE NEW WORLDWhere stories live. Discover now