Florante's POV (Florante at Laura)

163 1 1
                                    

Ako si Florante at heto ang aking kwento. Ako ang nag-iisang anak ni Duke Briseo ng Albanya. Lumaki at nagkaisip ako sa Albanya. Naging maganda ang pagpapalaki sa akin ni ama. 

Isang araw ay ipinadala ako ng aking ama sa Atenas upang doon ako mag-aral. Anim na taon akong nasa Atenas, natuto ako ng pilosopiya, astrolohiya, at matemika. Mayroon akong kababayan na nasa Atenas rin. Ang ngalan niya ay Adolfo. Alam kong pakunwari lamang ang kanyang kabaitan. Isang beses ay pinagtangkaan niya ako patayin ngunit ako'y iniligtas ng aking kaibigan na si Menandro. 

Naiwan ako sa Atenas at nagtagal pa nang isang taon. Isang araw ay nakatanggap ako ng liham mula sa aking ama. Ang nakasaad rito ay namatay na si ina. Walang makakapantay sa lungkot na aking dinanaas noong panahon na iyon. 

Matapos ng dalawang buwan kong kalungkutan ay may natanggap muli akong liham na mula sa aking ama at mayroon pang sasakyang sumundo sa akin. Ipinaalam pa sa akin ng guro kong si Antenor na ako'y magingat kay Adolfo sapagkat siya'y maghihiganti. Sumama na rin si Menandro sa akin pabalik ng Albanya. 

Hinirang akong heneral ng hukbo sapagkat ay nilulusob ang bayan ng Crotona. Nakilala ko ang anak ng hari na si Laura. Ang kanyang kagandahan ay mahirap isiping nagtataksil. Ako panga'y nagkamali-mali ng sasabihin sapagkat ako'y natatakot na maging hindi karapa't dapat. 

Nagkaroon ng tatlong araw na piging ang hari. Ni isang beses noon ay hindi ko nakausap nang sarilinan si Laura. Sa huling araw bago umalis para sa digmaan ay ako'y umamin sa aking pag-ibig kay Laura. Siya ay hindi sumagot ng oo sa aking pagamin.

Tiniis ko ang kalungkutan nang mawalay ako kay Laura. Nang dumating ako sa bayan ng Kotrona ay halos mawasak na ng aming kaaway ang kuta. Limang oras bago ko napatay si Osmalik dahil hinamon niya ako. Matapos ng limang buwan ay ako'y nagpilit na makabalik sa Albanya para sa aking minamahal na si Laura. Marami-raming hari ang gumalang sa akin dahil sa aking mga pagkapanalo. 

Isang araw, ako'y nasa Etolya. Nakatanggap ako ng liham na pinapauwi na ako ni ama. Iniwan ko ang hukbo kay Menandro. Ngunit noong ako'y dumating sa Albanya ay ako'y nilusob ng sandatahan at ako rin ay ibinilanggo. Nalaman kong ipinapaslang pala ni Adolfo si Haring Linseo at ang aking ama na si Duke Briseo. Ipinatali niya ako sa puno ng Higera. Nalaman ko rin na itinakdang ipapakasal si Laura kay Adolfo. Ginusto kong mamatay dahil sa balita na ito. 

Ikinwento ko kay Aladin ang lahat ng mga ito. Aking narinig ang boses ni Laura habang isinasalaysay ni Aladin ang kanyang kwento. Ako'y sumaya nang marinig ko ang kanyang tinig. Matapos magkwento ni Laura ay dumating sina Menandro at ang hukbo. Ako'y nagpakita kasama nila. 

Umuwi na kami sa Albanya. Ikinasal kami ni Laura. Ipinagbunyi ng lahat nang ako'y maging hari. Naging Kristiyano rin sina Aladin at Flerida. Masaya ako dahil nasiyahan ang mga tao sa aming pamumuno ni Laura.


Monologo ni FloranteWhere stories live. Discover now