Joshua: Wag kang titingin!
Ohhhhh-kaaayyyy... Balik kagad ang atensyon ko sa kwek-kwek. Kunwari walang alam, tuloy sa pagkain. Naubos ko tuloy ung kwek-kwek nang wala akong nalasahan. Bubwit.
May nakita akong basurahan sa harap namin. Pero dahil nagmamadali nga si Joshua, isang mabilisang tapon na lang ang nagawa ko nung dumaan kami. Ni di ko nga nakita kung na-shoot ko ba. Pero di ko naman ma-check kasi nga sabi ni horsey, wag raw akong lilingon. Sya naman tohng panay ang silip sa likod namin. Anoh ba? May aso ba sa likod namin?
Ako: Anoh ba un? Anong nangyayari?
Joshua: Mga pesteng wala nanamang magawang matino sa buhay nila.
In short, malamang eh tao nanaman galing sa kabilang gang. Masyadong ma-action ang buhay ni horsey eh.
Tumingin sya one more time sa likod. May binulong syang di ko masyadong narinig, pero kung huhulaan ko, siguro isang word un na di dapat sabihin sa harap ng mga bata. Bigla nyang hinablot ung braso ko, at lalong bumilis ung lakad namin.
Joshua: Listen. Pag-ikot natin dun sa kanto, tumakbo ka na pauwi. Wag kang lilingon. I-lock mo ung pinto. Wag kang magbubukas hangga't hindi ako ang tumatawag syo.
Weh?!
Ako: Ano?!?
Joshua: Naghahanap ng away tohng mga toh eh... Di lang sila makasugod ngayon dahil kasama kita.
Ako: Neknek mo. Eh bakit ako aalis kung kaya pala di ka nila sinusugod eh dahil sa'kin?!
Joshua: Ang kulit mo!
Ako: Matagal na!
Pagdating namin sa kanto, bigla kong sinunggaban ung kamay nya sabay takbo. Nawindang yata si horsey, hindi kagad nakapag-react. Walang kahirap-hirap, nakaladkad ko sya pabalik sa apartment. Tumakbo rin naman sya. Halos madapa-dapa pa kami pag-akyat ng hagdan. Pagdating sa apartment namin, tinapon ko sya papasok, sabay lock kagad nung pinto.
Hiningal ako ha. Nakakawala ng poise.
Nung tinapon ko sya papasok, dun lang yata nakapag-catch up ung brain nya. Pag-ikot ko, avah, ang blank expression nung kabayo, biglang nag-crumple sa inis.
Joshua: Ano ka ba?! Di ka ba nakikinig sa'kin?!?
At, ever?! Sinigawan talaga ako!? Abah, tinignan ko nga sya nang masama! Napa-step back bigla si kuya. o_O Ganun na lang ba ako katakot-takot?
Kaseh naman! Sya na nga tohng niligtas ko sa isa nanamang gabi ng suntukan, sya pa ang galit?! Anong klaseh naman un?!
Nung di na ulit sya nagsalita, dumiretso ako sa kwarto ko. Baka ma-high blood lang ako dito.
Fly fly pa ang hair ko habang nag-mmarch ako papunta sa kwarto ko. Sinarado ko ung pinto sabay collapse sa kama ko.
La pang one minute, kumakatok na si horsey. At hindi pa ko nakakasagot, inimbitahan nya na rin ang sarili nyang pumasok.
Joshua: Bakit nagagalit ka?
Ako: Hindi ako galit.
Dahan-dahan syang lumapit sa'kin.... As if naman susunggaban ko sya noh?
Joshua: Bakit di mo ginawa ung sinabi ko syo?
Ako: Coz I know na mapapaaway ka nanaman kung iniwan kita dun.
Joshua: So? Wala namang bago dun...
Tumayo ako bigla para eye-to-eye kami.
Ako: I don't think you realize... Pero I end up getting worried pag napapaaway ka noh.
Mukhang nagulat bigla si Joshua. I don't get naman kung bakit. Hindi ba normal lang na mag-alala kung umuuwing duguan at puro pasa ung housemate mo? Abno ba sya?
Ako: What if ma-overwhelm ka nung mga kalaban mo? What if mag-collapse ka? What if di ka makauwi? What if dalhin ka sa ospital? I worry about you a lot.
Napatingin ako sa sahig. Bakit ba biglang naging heart-to-heart talk toh? Nahiya tuloy ako. Napaupo ako ulit sa kama para naman mabawasan kahit papano ang akwardness sa air. Nung umupo si Joshua sa tabi ko, di pa rin ako makatingin. Baka isipin nya nag-jjoke ako -- kelan ba naman kasi kami nag-usap nang ganito noh? Eh specialty namin ang maglokohan, mag-asaran, at magtuksuhan. Hindi kami masyadong built for conversations from the heart. Ahsuuss.. hahaha
Joshua: Sorry... Hindi ko alam na ganon pala ang naiisip mo. *sigh* Sige, simula ngayon, I'll try my best not to make you worry anymore, okay?
Hmm?! Totoo ba itich?! La man lang kontra? O sermon? O kahit anong negative?
Pumapayag na kagad sya? . . . Ehto ba ang tinatawag na compromise? O_O
Napangiti ako.
Ako: Okay. :)
Nginitian nya rin ako... at parang kaming dalawang timang na nagngingitian. Hindi na ko nakatagal. Tumayo na ko para i-break ang nakakapangilabot na atmosphere.
Ako: So, what do you want for dinner?
Joshua: Hay. Buti na lang hindi ka na galit. Kala ko di mo ko pagluluto ng hapunan eh.
Aba'y lokong toh..
Tinaasan ko sya ng kilay. Lalo lang lumaki ung ngiti nya. Sinoh na sa'min ngayon ang mas mukhang baliw?
Psh. Bahala sya.
May sardinas naman sa cupboard.
YOU ARE READING
Gitara [Official] - Completed
Teen FictionStarted: 15 Jan 2006 Ended: 05 Apr 2006 Si Janessa... Bagong sampa sa Makati galing Chicago. Ganda ng buhok nito, sobrang straight na may highlights na light brown. Tapos ung mata nya, parang pusa -- pero kulay tao, este, Pinoy pa rin naman. Mest...
Gitara - Chapter 33
Start from the beginning
![Gitara [Official] - Completed](https://img.wattpad.com/cover/1121893-64-k479763.jpg)