CHAPTER XIV FIGHT

Start from the beginning
                                    

"anong sabi mo?!!!!!"

"tama naaaa!" sigaw ko. Ayokong mauwi to sa sapakan. And besides, ayoko ng gulo.

"sige na andrew pumasok ka na sa loob. Pabayaan mo na kami ni Jansen."

Halatang nagulat si Andrew sa sinabi ko. Tumingin muna sya sa malayo at tsaka nag salita.

"ano Kim? Pabayaan?"

"oo, tama si Jansen. andrew, hindi mo ako pagmamay-ari so please lubayan mo ako, lubayan mo kami ni Jansen."

Tinanggal ko yung kamay ni Andrew na nakahawak sa kamay ko.

"ano bang kalokohan to ha kim?!"

Napasigaw na si Andrew. Hindi siguro makapaniwala sa mga sinasabi ko.

Ayoko ng ganito. Naiipit na ako sa sitwasyong to. Peromas pinili ko na kumapit sa mga kamay ni Jansen.

"Andrew, handa si Jansen na akuin ang bata. Handa si Jansen na pakasalan ako kahit na nabuntis mo ako. Tanggap nya pa rin ako."

Yumakap ako kay Jansen. Hindi ko na kasi kaya ang sitwasyon namin. SaWang sawa na akong mag isip. Pagod na pagod na akong mamili.

"a-ano kim? Gusto mo na si Jansen ang maging ama ng baby natin?! Tatanggalan mo ako ng karapatan ganun ba?"

This time, kitang kita ko na ang galit sa mga mata ni andrew. Ngayon ko lang nakita na magalit ang isang Andrew Barredo.

"andrew, kapag nangyari yun. Pwede ka ng mag buhay binata ulit. Ayaw mo ba nun?"

Mali ata ang sinabi ko, dahil imbis na matuwa ay lalo pang naging galit ang mukha ni Andrew.

"kalokohan!"

Nagulat ako kasi bigla na lang akong hinila ni Andrew.

"andrew ano ba! Let me Go!"

Nagpumiglas ako sa pagkakahawak sakin ni Andrew.

"pare ano ba!"

Nakita ko na lang na sinapak ni Jansen si andrew sa mukha kaya naman natumba si Andrew sa sahig. Kitang kita ko na nagdudugo na ang labi ni andrew.

Agad namang bumangon si andrew at tsaka sinugod si Jansen.

"salot ka dapat di ka na bumalik pa!"

Sinuntok naman ni Andrew sa tyan at mukha si Jansen. Gumanti naman agad si Jansen kay andrew dahil tinulak nito si andrew sabay suntok.

"ano ba tama na!"

Sigaw ko! Natatakot ako sa pwedeng mangyari sa kanilang dalawa! Baka mapatay nila ang isa't isa. Hindi ko rin naman gustong humantong kami sa ganitong sitwasyon.

"wala kang kwenta! Ang lakas ng loob mo na pakelaman ang girlfriend ko!"

Susuntok sana si Jansen, kaya lang naiwasan ni andrew tsaka sya tinadyakan ni andrew.

nakita ko naman ngayon kung paano mamilipit sa sakit si Jansen.

"tama na sabi eh!!!!" sa pag sigaw ko ay biglang sumakit ang tyan ko.

"ouch! Ang tyan ko! Ang sakit!"

Naging dahilan yun para tumigil sila sa pagsusuntukan. Sakto naman na lumabas si Manang.

"ay susme!!!! Anong nangyari dito?!!!!"

"kim, anong nangyayari sayo?"

Tanong sakin ni Andrew. Kitang kita ko sa mukha nya na puro dugo at sugat. Bigla akong nakaramdam ng awa. Hahaplusin ko pa sana ang mukha ni andrew pero bigla na lang akong nawalan ng malay.

BABY ON BOARDWhere stories live. Discover now