Humawak ako sa kabaong nito at umiiyak na nakatingin sa mukha niya.

"Ang ganda mo pa rin Ze. Para ka lang natutulog lang at sana ganoon nanga lang talaga kasi ang hirap tignan at isipin na kahit kailan hindi ka na magigising pa. Mas tatanggapin ko pa Ze na hindi ka mapapasakin kesa sa ganitong paraan." Wala akong pakialam sa mga nakatingin sa'kin habang umiiyak. Isipin man nilang ma drama ako okay lang mailabas ko lang nararamdaman ko.

"Ze hintayin mo ako." Pagkatapos kong sabihin 'yon ay lumakad na ako paalis nang makita ko si Keshaun. Galit ako sakaniya dahil isa siya sa dahilan kung bakit 'yon nangyari kay Ze at hindi ko siya mapapatawad doon.

Nagpaalam naman agad ako sa ina ni Ze at nagtungo na palabas ng pinto, ngunit hindi pa ako tuluyang nakalabas ay hinawakan na ni Keshaun ang braso ko para pigilan.

"Alam mo sa sarili mo na duwag ka, alam mong wala ako doon pero hindi mo man lang sinabi kay Ze noong nagtanong siya sa'yo kasi nagseselos ka diba? Tapos ano ang nangyari?" Hinawakan niya ng mahigpit ang braso ko kaya ramdam ko na ang sakit.

"Guilty?"

"Kasalanan mo 'yon at 'wag mong isisi sa'kin. Duwag," bulong niya sa'kin bago binitawan ang braso ko at umalis.

Napakamao ako habang pa ulit-ulit na bumabalik ang mga salitang binitawan niya sa utak ko. Gusto ko siyang sapakin kaso ayoko gumawa ng gulo sa lamay ni Ze. Kaya naiinis akong lumakad at pumasok sa sasakyan ko. Hindi ko mapigilan ang galit at inis na nararamdaman ko ngayon.

"Kasalanan ko ba talaga Ze?" Nasisiraan kong tanong sa sarili habang tumatawa.

Pinagsusuntok ko rin ang stuff toy na binili ko para kay Ze. Tumigil lang ako nang makita kong lumabas si Keshaun at sumandal sa isa sa mga sasakyan na nandito. Bababa at lalapitan ko na sana nang biglang lumapit din sakaniya si Mikey.

Ang kapal niya para pumunta dito. Hindi ko alam kung ano ang pinaguusapan nila pero halata sa mukha ni Mikey ang takot nang hilahin ni Keshaun ang kuwelyo nito. Agad ding nagmamadaling tumayo galing sa pagkatumba ng pabitaw na pagtulak ang ginawa ni Keshaun.

Nagmamadali itong sumakay sa sasakyan nito at pinaandar. Halata na pinagbabantaan na siya ni Keshaun.

Kung ano man ang plano niya ay hindi ako papayag na maunahan niya ako. Hindi ako duwag kagaya sa sinabi niya. Kaya ko ibigay at isuko lahat ng meron ako para kay Ze.

Kaya agad kong sinundan ang sasakyan ni Mikey. Noong una tama lang ang bilis ng takbo niya pero habang tumatagal ay bumibilis na ito na hudyat na napansin na niyang may sumusunod sakaniya. Kaya mas binilisan ko ang takbo at kung sinisuwerte nga naman dahil madilim banda dito kaya agad kong binangga ang sasakyan niya na tama lang para mapahinto siya.

Tumama naman ang ulo ko sa manubela kaya dumugo ito, pero nakayanan ko pa rin lumabas at lumakad papunta sakaniya. Binuksan ko ang pinto nito. Duguan din ang noo nito ngunit humihinga pa.

"Hays! Bakit buhay ka pa, kainis." Hinawakan ko ang ulo nito at pinagpapalo sa manubela.

"Nahkakamali ka ng kinakalaban mo, Mikey." Hindi ko tinigilan hanggang hindi nasisira ang mukha nito. Hindi na ito humihinga pero patuloy pa rin ako kakapalo ng ulo niya sa manubela.

"Kung iniisip mong hanggang dito na lang tayo mag tutuos Mikey, nagkakamali ka. Susundan kita hanggang saan ka man." Hindi ko mapigilan hindi ngumiti sa tuwa habang nakatingin sa muka ni Mikey na wasak.
__________

"Ehem!" Napahinto ako kakaisip sa nangyari nang may biglang tumikhim.

"Hindi ako tumatanggap ng dalaw," saad ko dito habang tinititigan ito.

"Alam mo naman sigurong ikaw lang din ang may gawa kung bakit ka nandito diba? At alam mong dahil sa ginawa mong pagpatay hindi ka na makakalaya pa diba?" Seryosong wika ni Keshaun. Hindi na rin ako nagtataka kung bakit nakapasok siya rito. Lahat na lang napapagalaw ng pera.

"Alam ko at hindi ko 'yon pinagsisihan at wala akong planong lumaya pa at mamuhay sa mundong ito na kung saan nandito ka at pareho tayo ng hangin na hinihingaan." Ngumiti naman ito sa narinig na parang nasisiyahan pa.

"At sana alam mo na sa ating dalawa, ikaw ang duwag. Pinapaikot mo ang lahat sa salita mo. Para sila ang gumawa ng mga hindi ko kayang gawin." Inis kong sabi sakaniya ngunit tumawa lang ito.

"Hays.. Hiroji. Ang bata mo pa nga talaga mag-isip."

"You should know that life is a game of chess and chess is a game of brain not by heart."

"Sa simpleng salita 'wag kang bubo. Utak ang pinapagalaw hindi puso. Hindi nag iisip ang puso kaya 'wag kang aasta na alam mo ang lahat." Hindi ko alam pero ibang Keshaun ang nakikita ko ngayon. Sino ka nga ba talaga?

Ngumiti muna ito bago umalis at iniwan akong nakatunganga.

PLAYING HER GAMEOnde histórias criam vida. Descubra agora