tayong dalawa

119 8 0
                                    

Tayong dalawa,
Dapat ang itinadhana.
Ngunit inagaw sakin ng panahon,
Kaya hindi ka na sakin ngayon.



Pasensya na't walang nagawa,
Kaya ika'y aking pinaraya.
Pero lagi mong tatandaan,
Na ika'y muling paninindigan.


Ikaw naman ang unang bumitaw,
Kaya ako'y tuluyang napasigaw.
Dahil ako'y iyong nasaktan,
Pero aking muling susubukan.


Susubukan kang agawin,
Dahil ika'y totoong sakin.
At muling kang babawiin,
Kahit nasaktan mo ang aking damdamin.


Sana'y bukas bumalik kana sakin,
At tuluyan akong yakapin
Sabay halik at sabing,
"Sayo'y babalik pa rin. "


Pero imahinasyon ko siguro ito,
Na ika'y babalik dahil iyong gusto.
Ako'y gustong makasama mo,
At mananatili ka dahil mahal mo ako.

Poems I Wrote About HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon