Napasalampak ako sa sofa at itinaas ko ang mga paa ko sa mesa. Sinabayan ko na rin ng paghilot ang noo ko dahil sa sumasakit ito. Nararamdaman ko rin ang pangangalay ng mga binti dahil sa pagtakbo ko ng mabilis kahit suot suot ko pa ang heels ko. Wala akong iniisip kundi ang makaalis sa lugar na iyon. Para akong napagkaisahan ng tadhana.
*flashbacks*
Mabilis ako lumabas ng function hall. Narinig kong tinawag ni yukie ang pangalan ko pero tuloy tuloy lang ako sa paglalakad pero patakbo ko itong ginawa. Binilisan ko pa ang paglalakad ko hanggang sa may humablot ng braso ko.
Oh no!
"Sandali nga bruha ka!" Si yukie! Nilingon ko ito sa likuran ko.
"Mamaya ko na ipapaliwanag kaya kailangan na nating umalis please" sabay hila ko sa wrist nya.
*end of flashback*
Mabuti na lang si yukie ang nakahabol sa akin kanina may nakasabay pa akong umuwi.
Sinabi ko na rin sa kanya kung sino ang tinatakbuhan. No choice ako kaya nasabi ko na. Nakita rin pala niya kanina sa party si Lloydie. Nabanggit din niyang may kasama itong babae. Mukhang si Angelica nga iyong tinutukoy niya. Wala naman siyang pwedeng makadate na iba kung hindi si Angelica lamang. Siguro magiging panatag ako kung siya nga yung kadate ni Lloydie. Hay ano ba itong naiisip! Makatayo na nga para makatulog na.
*dingdong*
Patayo pa lang ako nang marining kong may nagdoorbell. Muntik ko na palang malimutan na sa hotel muna ako magpapalipas ng gabi. Malayo layo rin kasi ang uuwian ko. Ayos naman itong hotel natutuluyan ko. Si Yukie nagsuggest.
"Sandali lang!" Sigaw ko as if na maririnig niya ako dito sa loob. Hindi kasi matigil ang pagtunog ng doorbell balak pa yatang sirain ng kung sino man itong ..
Napako ang tingin ko sa monitor. Ito ang ikinaganda ng hotel na ito malalaman mo kaagad kung sino ang nasa labas.
Paano niya nalamang nandito ako.
Pumindot na uli ito. This time mas matagal.
Ano ba itong inaasal niya na para bang mayroon siyang kaaway.
Halatang naiirita na ito dahil hanggang ngayon hindi ko pa din siya pinagbubuksan ng pinto. Pero laking gulat ko ng pinagsusuntok suntok nya ang pinto.
Ano ka ba naman lalake ka hindi simpleng pader ang sinusuntok mo.
Doon na ako naglakas loob na buksan ang pinto. Bahala na.
"Ba-ket ang tagal mong buksan ang pinto? May kasama ka ba dyan?" Sabi nito sa galit na tono.
Teka lang ano bang ikinagagalit nitong lalakeng 'to?
"Lloydie, umalis ka na. Tignan mo yang sarili mo lasing na lasing ka." Bukod sa gusot ang damit. Naamoy ko kasi yung wine na nainom niya kanina doon sa party. Yun din kasi ang ininom ko pero tikim lang. Hindi kasi masarap ang lasa.
"B-baket mo ako papaalisin eh lasing nga ako? Diba dapat ang asawa ang nag aalaga sa asawa niya kapag nalalasing. Kaya obligasyon mong alagaan ako ngayon." Napatunganga na lang ako sa sinabi niya. Tama siya obligado akong gawin yun sa kanya dahil kahit magkahiwalay kami ngayon mag-asawa pa rin kami. Ako pa rin ang asawa.
Niluwagan ko na ang pagkakabukas ng pinto para makapasok na siya.
Matapos ko siyang ipagtimpla ng kape sunod ko namang ginawa ay ipaghanda ko sa nang maligamgam na tubig na na may malinis ni bimpo.
Siya naman ngayon ang nakaupo sa sofa. Kung hindi sana dumating ito mahimbing na akong natutulog. Napangiwi na lang ang nagawa ko.
Kailan na ba ang huling nakita ko siyang naglasing. Ang natatandaan ko yung nandoon pa kami sa dati naming bahay. Ang balita sa akin ni ate shin noong nagkita kami naibenta na ni Lloydie yung condo niya at sa iba na ito nakatira.
Habang pinupunasan ko ang mukha niya hindi ko mapigilan ang lumuha. Kaya nun nagsalita siya bigla kong ipahid ang kamay ko sa mata ko.
"Bakit ka umattend ng party?" Walang pag aalinlangan niyang tanong.
"Sinamahan ko lang si Yukie dahil wala siyang kasama." Sabay piga ko ng bimpo at muli kong ipupunas sa kanya.
"Dapat hindi ka na lang pumunta"
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Hindi mo sana nakita ang kadate ko."
Mas lalo kong ikinanoot.
Ha??? Pinagsasabi mo Lloydie.
"Hindi ka sana tumakbo."
So yun pala iniisip niya na kaya ako tumakbo dahil nakita ko siyang may kadate. Mababaw na rason pero ok na din atleast hindi niya halatang may tinataguan ako.
Hindi na lang ako umimik ipinagpatuloy ko na lang ang pagpupunas sa kanya.
Nakita ko ito ng nakangisi pero pikit pa din ang mga mata.
"Ano yang ngini ngisi ngisi mo?"
Napatili na lang ako sa gulat ng hatakin niya ako sa beywang palapit sa kanya.
"No matter what i'm always here and i will always love you. It's only been you, no one else."
Hindi ko alam kung ano pa ang sasabihin ko. Sa mga narinig ko para bang natutunaw ang puso ko. Ramdam ko sincerity sa boses niya. Nanghihina ako at para bang gusto ko na rin siya yakapin ng mahigpit.
Matagal ko ng pinangarap na mulu ko niya mayayakap ng ganito. Marami akong pagkukulang bilang asawa sa kanya. Marahil panahon na para bumalik ako.
Ipagpapatuloy......
