Chapter I

58 2 2
                                        

Gone...

Everything seems to be perfect.

I have a wonderful family. That's all that i can say. I am so proud of it. Wala na akong mahihiling pa dahil sa paningin ko ay perpekto na ang buhay ko. Hindi na ako mag hahangad ng kung ano pa dahil wala ng papantay pa sa buhay na mayroon ako ngayon kasama ang sarili kong pamilya.

I married an amazing man who's also a loving father now to our son. I had a bloooming career ahead of me, but i chose to become a full time wife and mom because i'd love to take care of our son and cook a warm dinner for my husband when he comes home.

I've never regretted my decisions in life because i now have the most wonderful reward that i could receive and that is them. The only men that i can only wish for to have in my life is both my husband, Aslan, and son, Jailan. They are the best rewards in my life.

I have a perfect life with both of them, but that's just what i thought because in reality, there's no perfect life. Everything has its own imperfections. What kind of fool will believe that there is a perfect life when in fact, things in life will not go like how you wish them to be. It doesn't work like that. It will never work like that.

Binuksan ko ang kwarto namin ng asawa ko dahil tanghali na at hindi pa rin siya nabangon. Mahuhuli na siya sa trabaho sa lagay na 'to pero ang himbing pa rin ng tulog niya habang kayakap ang anak namin!

"Aslan! Bumangon ka na nga diyan!" Sigaw ko sa kaniya.

He muttered a word, but i can't hear it clearly dahil para pa siyang nananaginip na ewan kaya naman hinampas ko na ang paa niya. Ang anak naman namin ay katulad ng ama niya na mahimbing din ang tulog.

"Aslan Thelix! I said get up! You will be late for your work!"

Lumapit na ako lalo para sana hampasin na siya sa pisngi para lang bumangon na siya pero napatili na lang ako nang hilahin niya bigla ang kamay ko dahilan para mapahiga ako sa tabi nilang mag-ama.

"Ano ba!" Inis na sigaw ko.

"Don't be so loud. Magigising ang anak natin."

"And that's my purpose! Lalamig na ang iniluto ko. Akala ko ba ay maaga ka dapat ngayon?"

Sumimangot naman siya na parang bata kaya sinipa ko ang paa niya.

"Anong oras na ba?"

I rolled my eyes at him. Nakuha niya pa kasing mag puyat kagabi e at dinamay niya pa talaga sa kakalaro 'tong si Jailan!

"It's 7:30 already."

Mabilis siyang napatayo mula sa pagkakahiga. Ako naman ay marahang tinapik ang pisngi ng anak namin para magising ito. Nang maalimpungatan ay pupungay-pungay pa ang mga mata niya kaya naman napangiti ako. He's the cutest human that i've ever seen in my entire life!

"Bakit hindi mo sinabi agad?!" Gulat na tanong ng asawa ko.

"Kanina pa kita ginigising ah? Ikaw lang naman ang tamad bumangon!"

"Inaantok pa naman kasi ako! I got so tired playing last night with our son."

"That isn't my fault. Pinagsabihan ko na kayo kagabi na matulog na kayo pero hindi kayo nakinig tapos ngayon kasalanan ko pa na mahuhuli ka na sa trabaho mo? Tigilan mo ako, Aslan. Bumaba ka na nga at kumain doon!"

"M-mommy... Daddy..."

Sabay kaming napalingon ni Aslan kay Jailan nang tawagin kami nito.

"Yes, baby?" I sweetly said.

Instead of answering me ay yumakap lang ito sa braso ko that's why i kissed the top of his head. Isn't he too adorable?

Sunod ko namang nilingon ulit ang napakakulit kong asawa. Seriously? I know how competent he is, but he cannot do this all the time. Palagi na lang siyang nale-late sa trabaho niya!

EpiphanyMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon