Chapter 8- Giving Up

Začať od začiatku
                                    


Hindi ko siya pinansin. Tinignan ko lang ang bawat pag patak ng dugo ko. Hinihintay ko na umadar ang pagiging takam ko sa dugo, pero wala.


Walang nangyari..


Isang normal na tao na ba ulit ako?


"P-Prince James.."


"May kailangan tayong gawin. Let's go." mabilis akong tumayo at inayos ang sarili ko. Ayaw ko munang ipaalam ang tungkol sa pagbabalik normal tao ko.


Matapos kong makita ang isang eksena na siyang dumurog sa akin ng pinong pino kahapon, naisipan kong magpakalasing. Wala akong pakealam sa mga ginagawa ko. Basta ang gusto ko lang ay makalimutan ang sakit, kahit isang araw lang. Pero hindi eh, alam ko na pag gising ko babalik at babalik pa rin ang lahat ng sakit. Bakit nagawa sa akin ni Amanda 'yon? Bakit nagawa niya akong lokohin ng harap harapan?! Bakit nagawa niyang akong saktan?!


Natawa nalang ako bigla.


Ako lang naman talaga yung tanga eh. Asa ako ng asa sa kanya. Ilang beses kong pinagpilitan ang sarili ko sa kanya. Kahit mismong kapangyarihan ko isinakripisyo ko lahat para sa kanya. Tapos anong napala ko? Puro sakit. Full of hatred to the point na gusto ko ng maging abo at mawala na dito sa mundo. Ngayon lang, ngayon ko lang naramdaman ang sobrang pagka pagod. Siguro nga senyales nga talaga ang panaginip kong 'yon. Siguro nga kailangan ko ng bumitaw. Oras nanam para sa sarili ko. Wasak na wasak na ang buong pagkatao ko kaya aayusin ko ang lahat.


Sumusuko na ako, Amanda. Napapagod rin ako. Siguro nga tama na naging isang normal na tao ulit ako. Para malaman at maramdaman ko na sobra na pala. Pagod na pagod na ako.


Lumabas na kaming dalawa ni Kurt ng kwarto. Hahanapin na namin ang Royalties. At kapag natagpuan ko sila hahanapin namin sila Mama, Papa at Stella.


"Oh saan nanaman kayo pupunta?" tanong sa amin ni Erin.


"May hahanapin lang kami."


"P-pero—" hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil agad agad kaming lumabas ni Kurt. Pero bago pa man kami makalabas ng gate may babae na biglang dumating. May kasama din siyang dalawang lalaki.


"Dito ba nakatira si Miss Erin Gibson?" tanong ng babae. Nagkatinginan kaming dalawa ni Kurt.


"James sandali la—" napatigil siya, "teka sino kayo?"


"Are you Miss Erin Gibson?" tanong nung babae.


"O-oo ako nga."


Ngumiti ang babae, "I'm Alex. Dylan Glamour's Manager."


"D-Dylan G-Glamour? M-Manager?" nauutal na tanong ni Erin. Tumango lang ang babae, "B-Bakit anong kailangan niyo?"


The  Vampire Royalties: HIDE & SEEKWhere stories live. Discover now