Chapter 8- Giving Up

6.8K 213 46
                                    

Third Person's POV



"Anooooo?!" napasigaw sa gulat si Dylan, "Shit ano ba tong nagawa ko." napakamot siya sa ulo niya, "Let me see those photos!"


Nakataas kilay na inabot ni Manager Alex ang Ipad nito kung nasaan yung article, "See? Bar ka ng bar! Club ka ng club yan ang napala mo."


"F*ck. Gumawa kayo ng paraan! Takpan niyo ang issue na yan! Sabihin niyo na hindi ako yan!"


Tumawa si Manager Alex, " You don't care anymore right? Kaya hindi na kilangang pagtakpan ang issue na yan." manager Alex crossed his arms, "at isa pa, hindi lang ikaw ang nasa article na yan. Basahin mo nga ng mabuti."


Tulad nga ng sinabi ni Manager Alex binasa niya ng mabuti ang article.


"Both actors Dylan Glamour and CJ Mendez, pinag aawagan ang iisang babae."


Napaupo siya sa sofa, "Yung babae na 'yon.." humarap siya sa Manager niya, "find that girl Manager sa Bullwinkle Resto Bar siya nag tatrabaho." tinaasan siya ng kilay ng Manager niya, "Find her please." Bumuntong hininga lang ng malalim si Manager Alex at lumabas na ng condo ni Dylan.


Hawak hawak pa rin ni Dylan ang ipad. Paulit ulit niyang binabasa ang nasa article at nag flashback lahat ng mga nangyari kagabi. Napasobra ata ang inom kaya ayun, hindi niya na alam kung ano ang pinanggagagawa niya. Hindi rin mawala sa isip niya yung babae kaya lagi niya tinitignan yun at umabot pa sa puntong sinundan niya. Ginulo niya ang buhok niya. Nakakainis!


Pero si CJ Mendez, bakit biglang sumulpot ang lalaking 'yon? Hindi ba wala na siyang pakealam sa babae? Diba ilang beses niyang sinaktan ito? Bakit nagbibigay pa siya ng motibo? Isip ni Dylan. Ewan niya ba pero nakaramdam siya ng pagkainis. At dahil sa sobrang inis agad niyang kinuha ang cellphone niya at tinawagan si Manager Alex.


"Manager, I'll going to renew my contract. Pakisabi sa director at producer na tatanggapin ko na ang movie na inooffer nila sa akin."



James POV


"Gising ka na." pagdilat ko ng mga mata ko si Erin na agad ang nakita ko. Bigla ding pumasok si Kurt para makita ako.


Umupo ako sa kama. Parang may kakaiba sa akin na hindi ko alam. Ano bang nangyayari sa akin?


"James, kumain ka na." wika ni Erin.


"Iwan mo muna kami ni Kurt." I said.


"Sige." Tumayo siya at lumabas na ng kwarto. Sinenyasan ko naman si Kurt na isara ang pinto at sinunod niya naman agad. Napahawak ako sa ulo ko, "Shit. Ang sakit ng ulo." reklamo ko.


"Ha? Diba Prince James hindi naman dapat nakakaramdam ang isang bampira ng ganyan? Hangover ata tawag dyan eh." sabi niya. Natahimik ako bigla. Naalala ko ang sinabi sa akin ni Aurora, na magiging isang normal na tao ako muli. Nagiging tao na ba talaga ako? Dahil sa gusto ko ng malaman, bigla kong sinugatan ang sarili ko. Narinig ko ang pagka bigla ni Kurt, "P-Prince James, anong ginagawa mo?" natatarantang tanong niya.

The  Vampire Royalties: HIDE & SEEKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon