Chapter 46: Waiting

1.4K 78 88
                                    

Claire


Pagkatapos ko ihatid si Ara sa school ay tinext ko si Sandro.


To: Mahal ko
Mahal, I'm sorry about what happened earlier. Nasaan ka? Nasa office ka ba?


Fr: Mahal ko
Yes, may meeting ako.


To: Mahal ko
Nag request ng family dinner si Ara, umuwi ka ng maaga.


Fr: Mahal ko
Okay.


I sighed, kahit isang sorry wala manlang ako natanggap. Sana kahit kay Ara bumawi siya. Natatakot at nasasaktan na din kasi yung bata.


Napagdesisyunan ko na puntahan siya sa office para makasigurado. May ibang kutob kasi ako.


Pagkarating ko sa building ng kompanya niya ay nakasalubong ko ang secretary niya, si Nicole.


"Good morning ma'am! Ano po kailangan niyo?" she politely asked


"Si Sandro? On going pa ba yung meeting niya?" I asked


"Meeting po? Wala naman po siyang scheduled meeting today at kung meron po dapat ako po ang unang makakaalam" sagot niya


"So...it means na walang meeting si Sandro?" paninigurado ko


"Wala po. Eh ma'am hindi pa nga po siya dumadating, marami pa naman po siya kailangan pirmahan. Ilang araw na po kasi siyang laging half day kaya naiipon yung trabaho niya" aniya


Half day? Eh lagi nga siya late umuuwi. Kumunot ang noo saaking narinig, hindi ako makapaniwala na nagsisinungaling nanaman siya.


"A-ah o-okay..kapag dumating na si Sandro wag mo nalang sabihin na dumaan ako ha?"


"Makakasigurado po kayo ma'am" she smiled


Malungkot akong umuwi sa bahay, dumiretso ako papunta sa kwarto ni Ara at sinalubong ako ni Cowy.


Lumuhod ako at sinunggaban naman niya ako "Cowyyyy, miss mo na si Ara? Hm?"


Nakipaglaro ako saglit kay Cowy tsaka ko inayos ang kama ni Ara. Pagkatapos ay naisipan kong linisin din ang kwarto namin ni Sandro.



Habang inaayos ang mga maduduming damit ni Sandro ay may nahulog na kung ano mula sa bulsa ng pantalon niya.


Contraceptive Pills?


Bakit siya may ganon? Nung nakaraan nga lang siya pa nagsabi na gusto na niya sundan si Ara kaya hindi niya ako pinapainom ng pills after namin mag make love tapos may pills siya? At bawas pa!


Kung hindi saakin 'to...kanino?


Ibinulsa ko ang pills at mamaya ay itatago ko ito sa closet ko. Something's wrong..pero magtitiwala pa din muna ako.


Bumaba ako sa sala at sakto naman na bumukas ang pinto at iniluwa nito si Sandro.


"M-may nakalimutan ka ba?" pa inosente kong tanong


"U-uh may kukunin lang ako sa kwarto, may n-nakalimutan ako kailangan ko kasi sa meeting" sagot niya tsaka umakyat papunta sa kwarto


Sinundan ko siya sa kwarto at nakita kong hinahalungkat niya ang mga bulsa ng pantalon niya.


Huminga muna ako ng malalim atsaka pumasok ng kwarto.


"Inayos mo na ba 'to?" tanong niya


My Terror Boss (Sandro Marcos- Complete)Where stories live. Discover now