ms01

17 0 0
                                    


01.

---


Naalimpungatan ako mula sa mahimbing na pagkakatulog. Kinusot ko ang mata nang mapagtantong nakatulugan ko ang ginagawang family portrait nila Johnny Rei. Grabe ang pagpapasalamat ko dahil hindi tumulo ang laway ko sa ginagawa. Wala na akong oras kung uulit. Isang linggo ko na itong ginagawa at malapit na ako sa kalahati. Akala ko ay kakayanin ko ito ng dalawang linggo ngunit mahigit pa yata roon ang kailangan kong oras.


I'm paying attention to details. Mabusisi ang bawat pagguhit ka sa kanilang mga pisikal na hitsura. Hindi ko maitatangging maganda ang kanilang lahi at kung hindi ko pagbubutihan ang pagguhit ay tila isang insulto ang magiging kalalabasan ng portrait.


Tumayo ako sa harap ng table at naglakas palabas ng kwarto. Alas-dos na pala ng madaling araw. Isang oras akong naka-idlip kung ganoon? Ngumuso ako. Sayang 'yung oras. Dapat iginuhit ko na lang 'yun. Edi sana natapos ko na 'yung mukha ng bunsong kapatid ni Johnny Rei? Tingnan ko pa lang 'yung mukha nun, feeling ko sa kaniya ako matatagalan. Ang ganda kasi.


I halted my steps a bit when I saw my brother in the dining table, studying. Hindi na ako nagulat dahil madalas kaming magkita magkapatid sa kusina tuwing madaling-araw.


"Anong ginagawa mo?"


"Naga-acrobat."


Binatukan ko siya ng mahina nang dumaan ako sa kaniyang likuran. Pilosopo. Tinatanong ng maayos, e. He's already in his final year of high school. Fourth year. While Andrew ay nasa second year na.


"Nakikita mo ng nagpipindot ako ng calculator, e. Tatanong pa."


"Bakit ang sungit mo?" angil ko habang nagtitimpla ng kape. "Cofee?" I asked after.


"Yes, please."


I made a coffee for us, two. Inilapag ko sa harap niya iyong kape niya pagkatapos ay nagpa-alam akong babalik sa kwarto para ipagpatuloy ang pagd-drawing.


I put my cup in the coaster near my pencil holder. I stretched my body a bit before sitting in the drafting table. Ipinagpatuloy ko ang nakatulugan ko kanina. I'm currently working on Johnny Rei's mother. Maganda 'yung mama niya, sobra.


Sa kaniya nagmana yata iyong apat na anak dahil sa soft features ng mga iyon. Habang ang dalawa ay sa ama nakuha ang pisikal na anyo. A bit rough and intimidating. Mukhang bunso ang babae nila. Hindi ako sigurado. I just based on their faces. The girl in the family picture is a bit younger so I assumed she's the youngest. 'Yung feature niya ay... pinaghalong mama at papa niya. Her eyes seemed to be from her father. While her nose and plump lips are from her mother.


I finished sketching the mother of the family. Ah, finally! Nasa kalahati na ako! Apat na tao na ang nakikita ko sa harap ko. Apat pa ang nawawala. Sana lamang ay hindi ako kapusin ng oras! Niligpit ko ang mga ginamit. Itinabi ko iyon sa isang parte ng cabinet ko sa kwarto. After fixing my table, I finally had the chance to study.

Midnight SoundsOnde histórias criam vida. Descubra agora